T H E T R U T H
"Anak? Ayos ka lang ba? Bakit basang basa iyang buhok mo ha! Pati iyang damit mo basang basa, huwag mong sabihing sinuong mo na naman ang ulan. Jusko naman, Anak!"
Napahagulhol ako sa iyak ng pagbuksan ako ni Mama ng pintuan. Hindi ko inalintanang nababasa ang sahig na tinapakan ko. Mabilis na niyakap ko si Mama Daisy at doon umiyak sa kanyang balikat.
"M-mama..... i'm sorry, Mama. Patawad po"
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak ng umiyak sa balikat ni Mama Daisy. Naramdaman kong natigilan siya sa ginawa ko ngunit agad din ako nitong niyakap ng mahigpit saka ako inalalayan papasok.
Hindi kinaya ng dibdib ko ang labis na sakit. Basang basa ng ulan ang damit ko't katawan. Nilakad ko papasok sa eskinita ang bahay na inuupahan namin ng ibaba ako ng taxi sa labasan. Hindi napigilan ng ulan ang pagtangis ko.
Bawat hakbang ko'y siyang pagtulo ng mga luha ko kanina. Sumasabay sa pagbuhos ng ulan ang pagragasa ng mga luha sa aking pisngi kasabay ng pagbalik na mga nangyari kanina. Pagragasa ng mga memoryang kasama ko siya.
Ptang ina ang sakit! Ang sakit sakit parin.
Ilang araw ko na nga bang iniyakan ang masakit na katotohanang iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap tanggap. Tila sirang plakang paulit ulit na sumasaksak sa puso ko.
"Anong nangyari, Hyanice. Bakit basang basa ka? Hindi mo ba naisip na magkakasakit sa ginagawa mong 'yan. Ano bang nangyayari sayo, Anak"
Hinawakan ako ni Mama Daisy sa balikat upang ilayo ako ng bahagya sa katawan nito. Yumuko ako ng tuluyan ng tingnan niya ako ng may pag-aalala ang mga mata. Pinag-aaralan ang akong mukha.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan, Hyanice. Dalawang beses sa isang linggo mo akong binibisita rito. Pag-uwi mo'y may pera kang dala at kung ano ano pa. Ano ba talagang nangyayari sayo, Anak? Nag-aalala na ako sa kalagayan mo." Tanong ng ina niya sa kanya ng hawak nito ang magkabila niyang pisngi.
Pinilit ko ang sariling huwag humagulhol ulit. Hawak hawak ang naninikip kong dibdib ay umiling ako.
Hindi ko kaya, hindi ko kayang sabihin sa kanya ang lahat. Sumasakit ang ulo ko at dibdib sa sari-saring emosyong nasa katawan ko. Hindi kaya ng katawan kong isiwalat ang lahat
Nahihirapan akong huminga ngayon.
Pinanatili kong yumuko ng punasan ni Mama ang luha sa aking mukha. "Nababanaag ko ang sakit at hinagpis sa mukha mo, Anak. Alam ko kung anong ibig sabihin ng emosyong nasa mga mata mo, Hyanice. Pag-ibig ang siyang sanhi ng pag-iyak mo hindi ba?"
Tumingin ako sa mga mata ni Mama Daisy ng mahimigan ko ang seryoso nitong boses. Kinakabahan ako sa klase ng boses niya.
"M-mama....."
"Alam ko kung bakit ka nagkakaganyan, Anak. Hindi man ako ang tunay mong ina ay matagal na kitang kilala." Huminga ito ng malalim saka nagpatuloy. "Mula ng umuwi ka nang gabing iyon na may dalang malaking pera ay inoobserbahan na kita. May bumabagabag sa isip mo, Hyanice?"
Simple lang akong umiling sa kanya habang tikom na tikom ang aking bibig sa pagpipigil na humikbi. Tiningnan ako ni Mama sa mukha at pinunasan nito luhang nagsituluan sa aking pisngi saka ako malungkot na nginitian.
"Malaki ka na, Hyanice. Alam mo na kung anong tama at mali. Kung may mali man sa ginawa mo'y alam kong maitatama mo ang lahat, hindi ba?"
"Dalaga ka na, Anak. Malalampasan at malalampasan mo rin ang pagsubok na 'yan. Tandaan mong narito lang ako para gabayaan ka sa lahat ng desisyong gagawin mo. Nasa tabi mo ako kahit na kunin ka na ng mga taong nararapat mong makasama sa napakahabang panahon, Anak....."

BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress
General FictionHyanice Velangco a simple and loving woman. As a child, she dreamed of having a peaceful life with her mother and the man she would love one day. She tried to work hard just to make her mother proud. She did everything to make her dreams come true...