Fifth

88 3 4
                                    


NAPAKAMOT ako ng mga mata ko habang tinitingnan dito sa control/communication system ang oras. 6:46 a.m. Ang aga pa pala, ang aga ko talaga magising kapag sa iba akong lugar natutulog, hindi naman ako nagigising nang ganito sa bahay. Lagi pa nga akong late sa school. Pa'no, lagi kasi akong puyat.

Dahil maaga pa't tulog pa si Keigo. Pagkatapos kong mag-C.R., nagdesisyon akong picture-an muna 'tong buong spaceship, tapos idikit ko sa notebook ko ang pictures. Para may remembrance.

P.S. sa C.R., nagmumog ako gamit ang drink pouch at basahan. Kagabi bago kami matulog ni Keigo, tinuruan niya ako kung paano mag-toothbrush dito sa space. Una, dinidikit namin 'yung toothpaste tube sa pader. Tapos hawak-hawak ko sa isa kong kamay ang toothbrush, at sa kabila kong kamay ang drink pouch. Bale, 'yung drink pouch na may lamang tubig ang ginagamit naming panghugas ng toothbrush at pangmumog—wala kasing lababo rito. Pagkalinis namin sa toothbrush namin gamit ang tubig na nasa drink pouch, pupunasan namin 'yon gamit ang basahan.

Dahil walang lababo, hindi kami dumudura. Kaya humihigop na lang kami ng tubig sa drink bag, at nilulunok namin 'yung toothpaste. Hindi ako sanay, pero sinasanay ko muna ang sarili ko na ganoon, dahil gano'n dito sa space. At kailangan ko munang i-embrace kung paano mamuhay ang isang astronaut, dahil once in a lifetime lang 'to!

Hindi kasi dumadaloy ang tubig dito sa space dahil sa microgravity kaya walang tubig. Kapag maliligo naman kami, pupunasan namin ang katawan namin gamit ang basang twalya na may liquid soap. Sa buhok naman namin, gagamit kami ng waterless shampoo, na hindi na kailangan ng tubig kapag binabanlawan. Tapos gagamit kami ng hindi basang twalya para magpatuyo—at charan, tapos na maligo. Hindi ko pa na-t-try maligo rito, siguro mamaya. Ang cool, 'di ba? Hindi ako sanay, pero ang cool na nararanasan at mararanasan ko 'yung ganoon . . . kung paano manirahan dito sa space.

Hindi rin naman masama mag-try ng something new at umalis sa comfort zone.

Sa pag-ihi't pag-tae naman, may toilet dito na kakaiba-maala robotic din ang style.

Nang tapos na akong mag-picture sa spaceship at idikit ang mga pictures sa notebook, pero hindi pa rin gising si Keigo. Nag-decide na akong paghandaan kaming dalawa ng breakfast.

Dumiretso ako sa kitchen/dining room para maghanda ng pagkain namin. Medyo natagalan pa ako dahil hindi ako sanay, buti na lang nagpaturo ako kay Keigo kahapon nung hapunan namin. Nanonood ako ng mga videos at nagbabasa ng mga article tungkol sa mga ganito, pero iba pa rin pala kapag mismong ikaw na ang gagawa.

Habang gumagawa ng almusal, nag-e-exercise ako. Sabi kasi sa nabasa ko, ang mga astronaut ay dapat nag-w-work out para mabawasan ang loss of muscle at bone mass sa katawan dahil sa microgravity.

Pero siyempre exercise na stretching lang muna ang ginagawa ko gano'n, may gym naman dito. Siguro sabihin ko kay Keigo mamaya na sabay kaming mag-exercise doon.

Inilagay ko ang hinanda kong almusal sa mesa, which is: dalawang orange juice na nasa beverage pouch na may kasama ng straw, mga steak, eggs, at tinapay na naka-pack. Idinikit ko ang mga 'yon sa table na may mga tape.

Pumwesto ako sa upuan. Saktong pagkakuha ko ng tinapay, napalingon ako nang makita si Keigo na kalalabas palang ng sleeping room niya. Gulo gulo ang buhok. Nagtama ang paningin namin, napaiwas ako ng tingin sabay sabing, "Kain ka na, Astronaut Keigo."

Ngumiti ako't lumingon ulit sa kaniya. Mula sa tingin niya sa mga pagkain sa mesa, tiningnan niya ako. Siguro sa isip isip ni Keigo, baliw na ako.

Kumuha na lang ako ng itlog, at steak na naka-pack para kainin. Masarap ang tinapay kapag pinalaman sa itlog at steak. "Masarap 'to, tikman mo," sabi ko habang binubuksan ang mga pagkain.

Unknown UniverseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz