Ninth

96 2 6
                                    

THE Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) said some meteor shower events can be observed in December, including the stunning Geminids meteor shower—a very rocky and gritty meteor shower that makes it slightly easier to see compared to the other showers.

The Geminid meteor shower happens every year in December when the Earth passes through the debris of an asteroid.

The Geminid meteor shower will be special tonight as we celebrate the Christmas Eve fiesta downtown. Plus more special as another meteor shower and comets will join the Geminid meteor shower in showering the night skies.

Mula sa sinusulat ko sa yellow paper, automatic na napalingon ako sa TV namin. Ramdam ko ang pagkalabog ng puso ko. Meteor shower! Mamayang gabi!

Dali kong binitawan ang ballpen sa mesa't tumayo. Nakakainis naman kasi, ang sipag ng leader namin. Paskong pasko, kailangan pa magpasa ng maiaambag ko sa groupings namin kung hindi wala akong grades.

Pagkatayo ko, hinanap ko si Mama. Nakita ko siya sa kusinang nagluluto. "Ma, punta tayo sa Christmas Eve fiesta downtown, may meteor shower dun mamayang gabi."

Napalingon sa akin si mama, pero kaagad ding ibinalik ang tingin sa niluluto niya habang hinahalo-halo 'yon. "Tigil-tigilan mo 'ko."

Napasimangot ako. "Ma naman! Pasko naman, e. Bonding time na ring family."

"Ayoko, pumunta kang mag-isa kung gusto mo."

Mas lalo pa akong napasimangot. Umalis ako sa kusina nang may tunog ang mga yapak ko.

Pinilit ko rin ang kapatid kong babae na thirteen years old, pero ayaw niya. Chinat ko rin si Ann pero aalis daw sila ng family nila ngayong Christmas Eve. Hindi ko naman ma-chat si Papa dahil kahit holiday, may trabaho 'yun.

Noong pumunta akong kwarto't hinanap ang bago bili kong yellow paper. Nagawi ang tingin ko sa notebook na nakapatong sa desk ko. Kinuha ko 'yon at binuklat. Ang weird talaga, ang weird na may pictures ako rito sa space kasama ang isang lalaking hindi ko kilala, tapos may mga diary entries pa.

Bumuntong-hininga ako. Simula nang nakita ko 'to, pinapaniwala ko ang sarili ko na siguro kinuha ko 'to sa Pinterest o Google two years ago, tapos in-edit ko. Baka naglalaro ako ng make-believe noong Grade 10 ako't nag-r-role play. Hindi ko matandaan kung bakit.

Ang natatandaan ko lang. Ang weird kasi, sa bahay (kung bahay ba 'yon), mausok at nagising akong sobrang kumikirot ang sintido ko. May gumising sa aking lalaki noon, siguro mga nasa fortys, parang scientist dahil nakasuot ng color white na lab coat at nakasalamin, medyo magulo ang buhok niya—pwede ring doktor sya. Kaso gives me scientist vibes ang dating.

Naaalala ko sinabi niya, "Gabi na, umalis ka na."

Kaya umalis ako kasi bukod sa gabi na raw, natakot ako sa kaniya. Malay ko ba baka kidnapper pala 'yon! Nakita ko ang notebook kong ito sa sahig kaya kinuha ko. Tapos lumabas ako ng bahay na mukhang spaceship—o baka spaceship talaga. Kasi ang natatandaan ko, bago mangyari 'yon, pumunta ako ro'n sa bukid tapos nakakita ako ng spaceship. At . . . pumasok yata ako sa spaceship no'n. Tapos . . . ewan, hindi ko na matandaan. Baka nakatulog ako?

Ang weird lang kasi naiwan ko yata 'yung backpack ko ro'n, nagalit si mama at papa dahil nawala ko ang bag at school supplies ko ro'n—hindi naman daw tinatae ang pera't dapat iniingatan ko ang mga gamit ko. At malaki na raw ako tapos ang burara ko pa. Pa'no, pati phone ko nawala. Naisip ko, baka magnanakaw talaga 'yung mukhang scientist na 'yon.

Medyo na-stress din ako kasi nandoon ang notes at ipapasa ko noong time na 'yon sa school. At medyo natagalan din ako bilhan ng bagong phone! Second-hand na lang tuloy ang binigay sa akin na phone para hindi raw sayang kapag nawala. Ang weird din noong sinabi ni Ann sa akin na hirap na hirap daw siyang pagtakpan ako't saan daw ba ako pumunta.

Unknown UniverseWhere stories live. Discover now