CHAPTER 13

225K 15.7K 20.6K
                                    


PARANG gusto kong manapak. Hindi lang pala parang, dahil gusto ko talagang manapak.

Nakaalis na si Xalvien mula sa paghatid sa'kin ngunit hindi ako pinapatulog ng naguguluhang utak ko. Did that arrogant attorney have something to do with this? I wanted to know.

Nagsuot ako ng oversized jacket sa ibabaw ng pambahay na t-shirt at maong shorts. Muli kong tinali ang buhok ko pataas tapos inipit ito gamit ang malaking gold butterfly clip. Hindi na ako nagdala ng bag, binulsa ko na lamang ang wallet, cellphone, at susi ko tapos lumabas na para pumara ng taxi.

Pagkarating sa mansyon ni Dr. Xalvien ay ginamit ko ang mga sangay ng vines na nakapalupot sa buong gate para umakyat at makapasok sa loob. Dumiretso ako sa likuran ng mansyon kung saan nakatira ang hambog na abogadong iyon. Kapag nalaman ko talagang hinalikan niya 'ko, baka hindi ko mapigilan ang kamao ko.

Nang marating ang pintuan niya ay kumatok ako nang malakas. "Paano kung si Xalvien ang gising at tulog si Attorney?" bigla kong tanong sa sarili. "Ah! Bahala na!"

Tumalikod na lamang ako para umupo roon nang nakasandal sa pinto. I hugged my legs and squished my face between my knees. Venge, please lang. . . Handa na sana akong kaibiganin ka dahil sinabi sa'kin ni Fift na kailangan din kitang tanggapin, kaso lang ay masiyado mo akong pinapahirapan na gustuhin ka.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarinig ako ng mga kaluskos ng damo, pagtingala ko'y may lalaking nakapamulsa sa tapat ko. The tall silhouette of this guy was staring down at me, and it was when I saw him brushing up the right side of his hair with his large hand that I immediately knew who it was.

"Attorney," I breathed out as I stood up and narrowed my eyes at him.

"Reporter," he answered back with a smirk. "You missed me that much?"

Agad akong sumugod at hinawakan ang magkabila niyang kuwelyo. Mas matangkad siya sa'kin kaya tumingkayad ako para lamang maabot ang mga mata niya. "Be honest with me, Xalvenge. Were you present during The Street Sentinel's party? D-Did you meet me at the hallway?"

Napasipol siya na para bang natutuwang kinuwelyuhan ko siya. He inserted his hands back in his pockets and leaned down to meet my eyes. "You're really asking me what happened?"

His rough hand held my chin and I felt his thumb brushing over my lower lip. "What if I just repeat what happened? Huh, reporter? Para talagang maalala mong mabuti."

Tinulak ko siya palayo sa takot na baka kung ano'ng gawin niya. "W-Was it you? Did you. . ." Nahihirapan kong ituloy ang sasabihin ko. "Did you k-kiss me that night?"

As if he wanted to mock me, he bit his lip and licked it lusciously. "Oh, I didn't just kiss you, reporter." Naglakad siya palapit sa'kin habang umaatras ako palayo. "I licked, sucked, bit, and made you moan—"

Malakas na sampal sa kaniyang mukha ang tinugon ko. Hindi ko napigilan ang kamay ko sa sobrang galit sa kaniya. Pakiramdam ko ay nanakawan ako. Pakiramdam ko ay napagtaksilan ako.

"Fuck you, Venge!" I yelled at the top of my lungs. "That wasn't supposed to be you! Si Xalvien dapat 'yon!"

Nakaharap pa rin siya sa gilid dahil sa tinamo niyang sampal. Habang nakapamulsa ang kaliwang kamay, pinanghimas niya ang kanang kamay sa kaniyang namumulang pisngi. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil natatakpan ito ng ilang hibla ng buhok niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagbuhos ng galit. "Alam mo ba kung gaano kasakit na akala mo ay hinalikan ka ng taong gusto mo, na napuyat ka kakaisip kung ano kaya ang nararamdaman niya, na umasa kang parang tanga na baka sakaling pagkatapos no'n ay baka may pagtingin siya sa'yo?"

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon