CHAPTER 19

208K 11.6K 8K
                                    


NAKAIPIT sa balikat at pisngi ko ang telepono habang kagat-kagat ko ang takip ng ballpen. Sinusulat ko ang pangalan ng lugar kung saan namin sunod na kikitain si Mr. Logue. Lumipat na kasi siya agad ng tirahan dahil mabilis siyang nahanap ng media at fans na may galit sa kaniya.

"Salamat po, Sir Logue!" aking pagpaalam bago ibaba ang telepono. Kinuha ko agad ang cellphone ko para i-text si Attorney tungkol dito.

Me:

Psst! Libre ka 5PM mamaya? Interview with the client.

Nakatingin lamang ako roon sa screen habang naghihintay ng reply. Nang sampung minuto na ang nakalipas ay napakunot na ako ng noo. Maybe he's not fronting right now? Nagkibit-balikat na lamang ako.

Three hours has passed but there's still no reply from the attorney. Ang weird ng feeling, naiinis ako sa sarili ko dahil panay silip ko sa phone maya't maya. Nadi-distract tuloy ako sa trabaho.

Para akong high school na nag-aabang ng reply kay crush. At lalong nakakainis kasi hindi ko maintindihan kung bakit ako hindi mapakali sa reply ni Attorney. Hindi ko naman siya crush!

Inabot na ng alas-singko ng hapon at wala pa ring naging tugon ang abogado. Napabuga na lamang ako ng hangin habang inaayos ang aking mga gamit. Fine, I'll just talk to the client myself. Naningkit ang mga mata ko nang mapagtantong para akong nagiging secretary ni Venge.

Hindi pa naman ako masasamahan ngayon nina Maya, Etsy, o Renhur. Lahat sila ay may hinahabol na deadlines para sa dyaryo namin.

Itinusok ko na lamang sa paikot na bun ng buhok ko ang ballpen na aking gagamitin. Ipinasok ko na rin sa bag ang notebook ko, tapos nagpaalam na ako sa 'king mga empleyado.

Paglabas ko ng building, isang pulang 2022 Ford Mustang Convertible ang nakaabang doon, nakababa pa ang bubong nito. Sa labas ay may lalaking nakasandal sa may pintuan nito, umiinom ng kape na nasa take-out cup samantalang nakapamulsa ang isang kamay sa pantalon.

"You're late, miss reporter," the guy said while sipping his coffee. "Alam mo ba kung gaano kamahal ang bawat oras ng isang abogado?"

"Venge!" I hurriedly ran towards him with a big smile. Teka, bakit ako excited? Napahinto ako bago makalapit sa kaniya dahil sa'king naging reaksyon. Ah, excited ako dahil sa criminal case na iha-handle namin!

Nang marating na ang puwesto niya'y sinalubong ko siya ng marahang suntok sa dibdib. "Hindi ka ba marunong mag-reply?"

The attorney licked off the taste of coffee from his lips. "It's a long story. Anyway, I'm here. Let's go?" yaya niya sabay pindot ng car key na nagpailaw sa pulang Mustang.

Pagpasok namin sa loob ay hindi ko mapigilang mamangha. "Teka, saan ito naka-park? Nakita na ba ito ni Doc? Saka, sa sariling pera mo ba 'to?"

Venge's left arm was resting on the open window as he steers the wheel with his right hand. He brought his left hand near his lips and bit his index finger, trying not to laugh at what I just said.

"Sariling pera?" sarkastiko niyang usal. "Gusto mo ba talagang malaman kung sino sa'min ni Doc ang may mas malaking kinikita? I did some accounting after I got myself my own bank account."

I just sneered at him, who's obviously acting arrogant. "Eh kasi, maraming volunteer works at donation drives si Doc. He even gives people the capital to start their own business while also funding several community projects. Sorry, Attorney. Hindi balanced ang pag-accounting mo."

He raised a brow while keeping his eyes on the road. "For a reporter, you're being pretty biased."

"At least pretty," pabiro kong hirit na medyo pinagsisihan ko after two seconds.

Hush LouderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon