Chapter 9

1.6K 65 3
                                    


Dahil sa narinig, mas lalong nag pursigi si Priscilla na mapalapit kay Calen. Kahit ilang beses na siyang napapahiya ay hindi pa rin siya sumusuko. Inalam niya ang lahat ng pwede niyang malaman tungkol sa mate niya at walang palya niyang ginagawa ang lahat ng gusto nito, kahit pa lumuhod siya sa harapan ni Calen ay gagawin niya.

"Tama ba 'tong ginagawa natin, Priscilla?"

"Anong ibig mong sabihin, Risci?" tanong niya sa wolf niya.

"Hindi ka ba napapagod? Parang nagmu-mukha na tayong tanga."

Natawa naman si Priscilla sa narinig."Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Priscilla—"

"Risci, mamahalin tayo ni Calen."

Hindi na nagsalita pa ang wolf niya kaya naman napabuntonghininga siya at pinagpatuloy ang ginagawang pagtingin-tingin sa niluluto niyang biskwit. Matapos itong maluto ay kaagad niyang inilagay iyon sa isang lalagyan para dalhin sa opisina ni Calen ngunit hindi pa siya nakakalapit sa pintuan ay may narinig siyang kung anong ingay.

"Ugh—Ahh! Calen!"

"Fuck, you're still tight."

Halos madurog ang puso ni Priscilla sa narinig pero nagawa niya pa rin na humakbang dahil baka mali lang ang iniisip niya ngunit hindi. Nakita niya si Stacy na nakatuwad sa lamesa habang nasa likod niya si Calen na patuloy ang paggalaw. Parehas silang hubad at umuungos, sinasabi ang pangalan ng bawat isa.

Napaatras si Priscilla sa nakita at umiiyak na tumakbo paalis. Nabitiwan niya na rin ang niluto niyang biskwit.

Hindi maisip ni Priscilla kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ayaw sa kaniya ni Calen, alam niya iyon at ginagawa niya na lang talagang tanga ang sarili dahil sa paghahangad na makaramdam ng pagmamahal.

Umiiyak siyang umalis ng pack house at tumakbo papunta sa ilog. Wala pa rin si Felicity at mas lalo siyang nalungkot dahil doon. Umupo siya sa may bato at humagulgol ng iyak. Gusto niya na may dumamay sa kaniya, gusto niyang magsumbong kay Felicity pero wala ngayon ang dalaga rito.

"Ate, na-nasaan ka na ba?" humihikbi niyang tanong at niyakap ang tuhod.

Madilim ang kalangitan at nagbabadya ang buhos ng ulan na para bang gustong damayan ang sakit na nararamdaman niya. Ilang minuto pa ay unti-unti ang naging pagpatak ng ulan hanggang sa lumakas ito.

Hinayaan ni Priscilla ang sarili na mabasa at nananatiling nakayakap sa sarili. Sa oras na 'yon ay gusto niyang magalit sa Diyosa ng buwan dahil palagi siyang dinadala sa mga taong hindi nagdadalawang isip na saktan siya.

Sumadal si Priscilla sa may bato at ipinikit ang mata. Sa sandaling iyon ay parang wala na siyang pakialam kung may sumugod man sa kaniya na mabangos na hayop. Masyado ng masakit ang puso niya.

NATIGIL sa paghalik si Calen kay Stacy ng makaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib. Wala sa sarili siyang napatingin sa pinto ng kaniyang opisina na bahagyang nakabukas.

'Did she saw us?' tanong ni Calen sa sarili.

Posible ngang nakita sila ng dalaga dahil napansin niya ang pagkain na nasa lapag.

"Stupid! You hurt her!" sigaw ng lobo niya sa kaniyang isipan.

"She's not our mate!"  madiin niyang sabi at itinaas hinarangan ang kaniyang isipan upang hindi na ito makapagsalita pa.

"Babe, are you okay?"

Napatingin si Calen kay Stacy at ngumiti.

"Yes, let's continue?"

Cold Blooded.Where stories live. Discover now