Chapter 22

1.5K 55 0
                                    


"Ang ganda mo po," puri ng dalawang babaeng nag-ayos kay Priscilla.

Hindi niya sinagot ang mga ito at tumingin sa salamin. Malayo na ang narating niya at ngayong araw magaganap ang pagkasira ng Pack na inaapakan niya. Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya kinakabahan sa maaring mangyari.

"You can leave now," utos niya na mabilis namang sinunod ng dalawa.

Huminga siya ng malalim at tiningnan ang tila palat na nasa dibdib niya. Hindi ito nakikita dahil natatakpan pa rin iyon ng tela. Hinawakan niya ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Felicity at seryosong tumingin sa sariling repleksyon.

"Mananalo kami, may kapangyarihan ako," usal niya sa sarili.

Ikinuyom niya ang kamao niya at lumabas ng kwarto. Sumunod naman sa kaniya ang isang katulong para samahan siya sa pagpunta sa ibaba kung saan gaganapin ang pagdiriwang.

Bago maayusan si Priscilla ay habol hiningang huminto si Calen at napaluhod sa harapan ng Hari na pretenteng nakaupo sa trono habang gulat naman na nakatingin sa kaniya sila Alpha Juluis at Luna Naomi.

Hawak-hawak niya sa kamay niya ang mga papeles na naglalaman ng mga masasamang gawain ng kaniyang Ama at ang pagpa-plano nito para labanan ang Hari.

"How rude of you to just barge in without knocking," seryosong sabi nito sa kaniya.

"I-I'm sorry, your Majesty," paghingi niya ng tawad.

"Why the Alpha of Nightfall pack is here?" kunot-noong sabi ni Naomi habang matalim na nakatingin sa kaniya.

Lumunok siya. "I wish to give it to you."

Iniabot niya ang papel. Kinuha naman ito ni Juluis at tiningnan ang mga nilalaman nito.

"This—!"

Sumenyas naman ang Hari ng mga lobo na kunin ang papel na hawak ni Juluis. Ibinigay niya naman ito at ng mabasa ng Hari iyon ay bumakas ang galit sa mukha nito.

"The former Alpha of the Nightfall pack dares to plan a treason?" galit na tanong ng Hari at pagak na natawa.

Sumulyap siya sa mga magulang ni Priscilla at napaiwas ng tingin dahil nakatingin din ito sa kaniya. Alam niya na nagbabalak ang mga Pinuno ng Twilight pack na pabagsakin ang pack nila dahil aksidente niyang nakita ang sulat na nakapatong sa loob ng kwarto nila Priscilla.

Sigurado siya na alam na ng Ama niya na nawawala ang mga papeles na naglalaman ng ebidensya laban sa kaniya.

"Why did you do that?" tanong ni Juluis kay Calen ng matapos nilang makausap ang Hari.

Tutulong daw ito na hulihin si Roger at inaayos na lang ang mga kawal na sasama sa kanila.

"I have sinned," pag-amin niya at mapait na napangiti. "At least I can do this much," sabi niya.

"You know that she is Priscilla, right?" tanong naman ni Naomi.

Napangiti naman ng mapait si Calen at sumakay sa kabayo niya.

"Yes, I want to apologize too. I won't deny it and I won't blame someone either, it's my choice to be a weak Alpha in front if my Father and in front of her," sagot niya at kaagad na pinatakbo ang kabayo.

Pinanood naman nila ang paglayo ni Calen. Humawak si Naomi sa kamay ni Juluis na may pag-aalala sa mukha.

"I don't feel good about this," nag-aalala niyang sabi.

"Me either," wika ni Juluis.

HAPON na ng makabalik si Calen sa Nightfall pack. Sigurado siya na nagu-umpisa na ang kasiyahan. Dumaan siya sa may pinto sa likod ng pack house para makapasok. Pagdating niya sa opisina ay nakita niya ang Ama niya. Nakapatong ang magkabilang palad sa lamesa at ang buong opisina ay magulo na.

Cold Blooded.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon