CHAPTER ONE

147 9 10
                                    


HI Eskepiks! Sana magustuhan niyo 'yung bagong version nitong L.A. Madami akong inayos at binago. Promise hindi na ito jejemon. Kaunti na lang HAHAHA 

Thank you for reading. P.S mas mature ang version na 'to. 

XOXO,

ASRAH

CHAPTER ONE

What a tiring day. Kailangan ko yatang mag shopping, bahala na kung anong mang yayari mamaya. But first, mag si-shopping muna ako. I deserved it, period.

Nang nasa bahay na ako, sumalubong sa akin ang Daddy ko. Inilapag ko muna sa sahig ang mga paper bag na hawak ko. I bought some Gucci bags at bagong sandals from Hermes just to calm my soul. Nakatingin ako kay kuya Uno na noo'y problemadong problemado sa akin.

"Family meeting, ayt." Tipid na bati ko sa mga ito. Inayos ko ang aking sarili and I greeted my father with a huge smile on my face.

"Bliss Twaylem Gonzales, what have you done this time!?" my father yelled at me.

"Concern? You know I have zero tolerance lalo na sa inyo," nginitian ko ito ng nakakaloko. Habang tinatanggal ang aking blazer. "Gonzales ka ba talaga?"

Natawa ako nang sabihin niya 'yon, "I got it from you Dad. Amazing isn't?" sarkastikong sabi ko sa kanya.

"You ungrateful chil--!" nang aktong sasampalin na ako ni daddy, pumagitna na si Kuya Uno.

"Dad, please enough! Ako na bahala kay Twaylem," Ang nag iisang magaling sa mata ng aking ama. Sabagay, na kay kuya Uno na lahat. Ako? Isang malaking kahihiyan sa pamilya as my father labelled me.

"Twaylem," tinignan ako ni kuya. What? I mouthed.

My father massage his head as if tumaas ng bonggang bongga nag BP niya. "Pasalamat ka nandito ang kuya Uno mo,"

"Edi thank you." My brothered just gave me enough na look.

"Dahil sayo ayaw ng pumasok ng school 'yung anak ng principal ninyo. Stop ruining people's life Twaylem. Huwag mo silang igaya sa'yo na walang pangarap sa buhay," I took a deep breath. Walang pangarap. Nakaka encourage talaga pag ganyan sinasabi ng magulang mo.

"So kasalanan pa pala ngayon ang komprontahin sila? I am the victim here, Dad. Sila naman palagi ang may kasalanan."

"She wanted to kill herself because of you!" nanikip dibdib ko ng sabihin 'yon sa akin ni Daddy. "It's amazing despite the fact na sila ang sumisira sa mga buhay nila, kasalanan ko pa rin? She wanted to die kasi nahuli siya. May kasalanan siya! Konsensya niya pumapatay sa kanya! Bakit pa ba ako nag i-explain?" napapalakpak na lang ako. Kuya Uno starts massaging his head dahil 'di niya kinakaya ang kamalditahan ko.

"She can't swallow her own medicine. Na-depressed siya bigla kasi Nagisa siya sa sarili niyang mantika? Pathetic." ngumiti ako sa Daddy ko then rolled my eyes.

"Twaylem, anak pa talaga ng principal ang binully mo this time? Ingatan mo naman yung reputasyon ng pamilya natin! Hanggang saan ba ang kaya mong gawin para sirain ang reputasyon ko?"

"Ang galing talaga! Am I not allowed to defend myself? Kahit nga makasalanan tao binibigyan ng chance para depensahan sarili nila, tapos ako bawal?" napabuntong hininga ako,

"You're supposed to defend me because you are my father." Tumahimik si kuya Uno sa sinabi ko. "Sana hindi niyo na lang ako binuhay kasi sa ginagawa niyo parang pinapatay niyo na rin ako."

Hindi nag dalawang isip si Papa na sampalin ako. Napatahimik na lang din si kuya sa ginawa sa akin ni Papa. Sanay na ako sa mga sampal niyang tagos hanggang buto. Matigas na din naman kasi 'tong mukha ko kaya kahit anong gawin nila, wala na akong maramdaman.

LABYRINTH ACADEMY (2022 REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon