Morning Jog

242 21 4
                                    

Rini's POV

11 am pa naman ang pasok ko kaya napag-isipan ko munang ilabas 'tong si Coco.


Pinauna na ni Tantan si Coco dito since babalik naman na siya dito sa bahay.


"Coco, tara na." Aya ko sa aso at tumakbo na kami.


After siguro ng 30 minutes na jogging ay nagpahinga muna kami sa isang shed since mejo mainit na din.


Maya-maya may nakita akong babae na papalapit sa amin. May kasama din siyang aso na tumatakbo.


"Pressy Mae?" Takang tanong nung makalapit na siya sa amin.


Ang lawak ng mga ngiti niya at umupo siya sa tabi ko.


Kinuha naman niya yung pug at inilagay sa lap niya. Mukhang uhaw na uhaw.


"Hi Rini, napadaan lang kami dito and nakita namin kayo kaya lumapit na din ako." Bungad niya.


"Here's Rocco pala, my baby."


Pinaharap niya sa akin yung aso at dinalaan ako sa kamay.


"Gusto mo ba hawakan?" Tanong niya kaya tumango ako, binigay naman niya sa akin si Rocco.


Tulog naman si Coco kaya no worries na din na hawakan ko siya. Ang cute at ang hilig mangdila.


"Ano pala ginagawa niyo dito wala kang class?"


Umiling naman ako habang busy ko kalaruin si Rocco, di ko na napansin si Tricia nung buhatin si Coco kasi nagising pala.


"Mamaya pang 11 am, ikaw ba Pres?" Sagot ko at tumingin sa kanya, siya naman yung busy maglaro ng aso ngayon.


"Lunch pa pasok ko, gusto mo bang mag kape muna? My treat." Aya niya at tumayo. Sino ba ako para tumanggi sa libre at kay Pressy Mae.



"Buti di ka inaway niyan ni Coco, maldita 'yan e. Mana sa amo." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa Coffee shop na sinasabi niya.


"So maldita ka?"



"Hindi ah! Hindi ko naman aso 'ya n. Aso siya ng best friend ko."


"Ni Kakie? She's sweet kaya mukhang di naman nangangagat." Sagot niya.


"Hindi, yung isa pa naming friend. Buti nga at mabait 'yan jusko nakakahiya nalang." Tumawa niya siya sa sinabi ko di na namin namalayan na nandito na pala kami.


"Hi Kuya Zeke, same order po!" Bungad niya sa Cashier na nasa harap.



"Sige Patty, mukhang may kasama ka ah."



"Ay opo, ikaw anong gusto mo?" Tanong niya sa akin sabay tumingin.



"Yung same nalang sa'yo. "



"Sure ka ah. Same order din Kuya sakanya." Sabi niya at hinila na ako dulong part ng Cafe.


Meron pa palang extension na nandoon sa dulo at may Garden na maganda. May tables din na nakaset-up.



"Dito, favorite spot ko. Tahimik tska walang masyadong tao."



"Ang ganda dito."


"Diba, ayan na pala yung order natin." Turo niya doon sa may dala ng kape namin.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon