PROLOGUE

2 0 0
                                    


“Bakla!!!!! Nasaan ka?,” hinihingal na tanong ni Luke waring pagod na pagod na ito kakahanap sa akin sa tinutuluyan naming apartment. Pumikit agad ang mga mata ko sa sakit at kaagad kong inilayo ang hawak kong telepono sa aking tenga habang di pa din mawala ang aking mga mata sa kalsada. Pansin ko ang paghilig ng ulo ng driver sa aking gawi na siyang nagpabagal ng takbo ng sasakyan.

“Manong, can you please make it faster? Nahuhuli na ako!,”nagrereklamong sabi ko na siyang nagpagalaw sa dalawa nitong balikat. Umubo pa ako pagkatapos sabihin iyon. Maagap kong tinakpan ang aking kanang tenga, ramdam ko pa roon ang malakas na boses ni Luke.

“Sige po, madam!” mabilis niyang sagot at saka humarap na sa kalsada ngunit ramdam ko ang mahinang pagtawa nito sa dulo ng kaniyang salita. I rolled my eyes upward at inayos muli ang aking buhok. Pinasadahan ko iyon ng aking kamay at baka nagulo na ang aking ayos.  Hindi ko na lamang pinansin ang driver na iyon at kinausap na ang kaibigan kong nasa kabilang linya pa din. 

“Seriously? Nasa taxi ka at this early hour? Celeste! Ano bang ginagawa mo? Diba nagpa-usapan na natin ito?  What are you planning?! Bumalik ka na nga rito!,” mabibilis niyang sabi habang panay pa din ang pag-ubo ko. Tumaas agad ang aking kilay sa inasal niya. Hindi ko alam kung anong meron at bakit siya ganoon makareact. Well, my idea naman ako pero mali bang ipaglaban ko rin ang sarili ko?  I was the one who's victim here!

“Mamaya na ako babalik. Sige na I need to end this na….”, aniya ko. But he cut me off!

“No! I need you to come back here! Wala ka nang magagawa pa! Hayaan mo na lang sila!,” mariing pagtutol ng aking kaibigan. I sighed. Why does no one understands me?

Mabilis ang takbo ng sasakyan at ganoon din kabilis ang sakit na aking nararamdaman. They will never understand kase they never felt this kind of pain I’m feeling right now. Nakalagpas na kaming simbahan ng San Roque at trenta minuto na lamang ay makakarating na kami sa San Gregorio Church.

I and Denver have been in a relationship for about three years. At sa three years na iyon ay hindi ko man lang naisip na matagal na niya akong niloloko
My boyfriend cheated on me and now he’s going to marry my best friend at sa dream church ko pa. Fuck them all!
Sa sobrang focus ko sa labas ng bintana ay di ko namalayang natutuluan ko na pala ng luha ang black dress na suot ko at nasisira na ang make up ko. Pinaghirapan kong pagandahin ang aking sarili believing that I won’t cry like this at dapat ay hindi ako umiiyak. Yung tipong hinding – hindi ko dapat siya iiyakan. Pero anong nangyayare? Umiiyak na naman ako.

“No, I have to do this! This should be my wedding! My wedding Luke! Can’t you hear me? Akin lang dapat si Denver!”
Halos mawalan na ako ng kontrol sa aking sarili na pati ang aking pagsigaw ay may kasama na ding iyak na lunong puno ng paghihignagpis.

“Oh my gosh!” aniya ni Luke sa kabilang linya. Hindi na siya maawat sa pag-iyak at ganoon din ako. Narinig ko pa roon ang pagbagsak ng isang bagay at dahil sa nakavolume ang aking phone ay rinig na rinig iyon dito sa loob ng taxi. Maging ang driver na nasa harapan ay ramdam kong nagulat pa. Ramdam ko ang mabagal nitong pagpapatakbo ng sasakyan na tila ba nakikiayon sa puso kong nadurog na.

Wala akong pakealam. I am hurt! So much hurt! Simula noong gabing iyon ay hindi na ako nakatulog ng maayos. I got depressed kakaisip kung bakit? Kung ano bang kulang sa akin? May nagawa ba kong mali? Alin doon? Hindi ko alam!

“Hindi ako papayag na maging masaya sila,” mariing sagot ko saka pinutol na ang linya. Narinig ko pa ang pagproproresta ni Luke ngunit mas mahalaga sa akin ngayon ang makaganti kahit dito lang. Itinapon ko agad ang aking phone sa katabi kong upuan. Hindi ko na iyon nilingon pa dahil wala na rin akong balak na sagutin ang kahit ano pang tawag roon.

“Malayo pa ba tayo? Parang twenty minutes na mula noong nakalagpas tayo ng San Roque ah?,” nagpupuyos kong tanong. Tumaas agad ang kilay ko nang sinilip ako ng driver mula sa kaniyang mirror. Ngunit nginitian lamang niya ako at di inalintana ang nagmamadaling ugali ko.

Dali – dali kong ininuman ang tubig na dala ko at inubos lahat iyon. Gosh! Ubos na! Nauuhaw pa ako! Agad kong pinakalma ang aking dibdib at pinigilan ang muling pag-ubo ko.

“Saan po ba kayo pupunta Ma'am?,” malumanay niyang tanong habang hindi pa din nawawala ang mga mata nito mula sa salamin.

“A-are you kidding me? H-hindi ba sinabi ko, sa San Gregorio Church mo ako ibaba? Para saan pa at nag-taxi ako, di rin pala marunong makinig ang driver! Hay naku! Napakamalas!,” sunud – sunod kong sabi habang panay ang gusot ko sa aking dress.

Biglang humarap ang driver sa akin at tila para akong kandilang natuos nang magparte ang aking labi. Sandali akong natigilan sa aking sasabihin. Napagpasyahan kong hindi na muling ituloy ang aking sasabihin.

Gwapo ang driver pero nakakainis pa din ito!
Tuluyan nang lumabas ang mga luha sa aking mga mata. Mukhang hindi ko na sila maabutan.

“Hahahahaha! Joke lang ma’am, umikot lang ho tayo ng daanan kase may nasiraang truck sa kabilang kalsada pero malapit na ho tayo. Wag na ho kayo umiyak,” mapang-asar nitong sabi saka muling ngumiti bago muling itinuon ang mga mata sa harapan.
Malapit ko na itong mapukpok ng aking sandals ngunit naisip kong irereserve ko na iyon sa karapat – dapat na tao.
Ilang minuto pa ang lumipas at natatanaw ko na ang malaking kampana ng mismong simbahan. My dream church venue, sa akin sanang nakatakdang kasal ngunit wala na, hindi na matutupad.

Mula noong nagproprose si Denver sa akin sa mismong church na iyan, ay diyan na rin naming napagkasunduang ikasal.
Last two weeks, ay nagpractice pa kami ni Denver kasama ang mga abay, bridesmaid at grooms ngunit tila ako lang ata ang walang kaalam – alam na hindi ko pala iyon kasal dahil kasal pala iyon ng aking bridesmaid, ang taksil kong kaibigan.

“Kung ako sa iyo ma’am, makikinig ako sa aking kaibigan. Hindi naman ho sa nanghihimasok ngunit marami pa naman hong ibang lalaki diyaan. Di ka po mauubusan Hahahahha! Makakahanap ka rin para sa iyo!,” kumindat pa ito mula sa salamin at saka ako nginitian ng mapang-asar.

“Eww! Seriously? How dare you say that! Wala kang alam sa nararamdaman ko!,” malalakas kong boses saka nagngitngit sa inis ang aking mga mata. Labis na ang pag-ubo ko ngunit hindi ko iyon pinapansin. Grrrrrrr!!!! Napupuno na talaga ako sa lalaking ito!

Sa galit ko ay kinuha ko sa aking tabi ang small bouquet na dala ko at inihagis ito sa kanya. Para sana iyon sa taksil kong boyfriend ay EX na pala dahil di lang siya manloloko, mukha pa siyang pera! Ngunit nasayang lang dahil sa mukha pa ng pakealamerong lalaking ito tumama.

“Aray! Ma’am ha!”, aniya nito nang subukang umilag ngunit huli na. Sapong sapong nito ang kaniyang ulo habang ang bulaklak ay nagkabuhol buhol nang mahulog.

Natigil agad ang taxi sa biglaang pagpreno nito saka parehas kaming natama sa aming mga harapan. Sa biglaang pangyayaring iyon ay nagdulot iyon ng matinding pagsakit ng aking ulo at hilong hilo na ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Rinig na rinig ko pa ang pagsigaw nito habang papalapit ang dalawa nitong kamay sa akin.

“Ma’am, m-may dugo ka! May dugo!,” mabibilis nitong sabi saka dali – daling bumaba ng sasakyan at binuksan ang pintuan.

Huli na nang mapagtanto kong punong – puno na nang dugo ang aking mga kamay. Umubo pa ako nang umubo at kasabay niyon ang paglabas ng mga dugo mula sa aking bibig. Sa gulat ko ay nanlaki ang mga mata kong tumingala sa lalaking nasa harapan ko, nakaface mask na ito at may gloves na sa mga kamay. Umakyat agad sa katawan ko ang matinding kaba.

“Shit! Kailangan mo nang madala sa ospital!”, aniya sa naaalarmang reaksyon. Nawala agad ang pagkataranta niya nang may humintong ambulasya sa aming harapan. Umatras agad ang buong katawan ko nang akmang lalapit na ito sa akin.
“Ma'am, kalma lang,” sabay na sabi ng mga dumating na lalaki. Marami pang dumating at kapwa pare parehas ang kasuotan nila.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat at pagkabalisa. Habang papalayo kami sa sasakyang   iyon ay tuluyan nang tumulo ang aking luha pakiramdam ko ay para bang nawalan na ako ng pag-asa. Yung plano ko. Wala, sira na!
Hindi pwede! Paano na? Paano ko na sila mapipigilan pa? Ayoko silang maikasal at maging masaya habang ako ay nasa ganitong kalagayan.

Tulongggg!!!!!

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Aug 10, 2022 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Hospital LoversNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ