Chapter 1

70 8 6
                                    

Chapter 1
The Swimming Doyen

-

I was never a fan of gossip, much more being the subject of one. I hated being talked about, or talking about someone about some things because what good would that bring to me? Wala naman talaga. Hindi rin ideal na pagchismisan ang isang tao for the sake of entertainment. That's too immature and petty. Ang daming tao o buhay ang nasira dahil sa chismis.

And now... because I helped someone, I became a subject of one.

Yeah right! Parang naging kasalanan ko pa tuloy na tinulungan ko lang si Bastian para tigilan siya ni Julpha that night.

Nang mabasa ko ang post ng The Gossip Hive tungkol sa nangyaring kiss, para ko na ring isinumpa si Bastian, Julpha, at ang mga taong nasa likod ng gossip account na 'yon sa Twitter.

The account was dedicated solely to all the gossip, rumors, and pressing issues around Pacific Oak University. Walang may alam kung sino ang nagmamay-ari o nasa likod sa lahat ng mga naging posts nito. The school administration already tried to track the origin but had no luck. Considering the tightness of its security and being able to get away from being known, it was rumored to be someone skilled with computers or programming.

Pero nasa isip ko ang mga punyetang mas gusto ata na almusal ang chismis sa buhay ng ibang tao.

Sa sobrang inis ko, I blocked the account. Binaha ng mentions ang personal kong Twitter kaya minabuti ko ring mag-logout para makaiwas sa lahat ng notifications na natatanggap.

I tried my best to stay away from anything that could put me in the spotlight. Ever since, ang gusto ko lang ay ang payapang college life. At hindi ko rin pinangarap ang kahit anong may kinalaman sa pagiging kilala sa school. Pero siguro hindi maiiwasan lalo na at kaibigan ako ng iilang halos sambahin sa POU. Still, I tried my best to stay low profile.

Milan is a Tennis Doyen, and the life of the party. Jorge, the best Football striker in POU, also a Doyen with a colorful reputation. Sa kanilang dalawa pa lang, halos latagan na ng red carpet kahit saan magpunta. Paboritong pag-usapan ng kahit sino dahil sa mga kabulastugan na ginagawa. Bastian is as famous as the two. He's a Doyen and a Captain of the Swimming Team who is always known for their unbeatable records. Mas lalo na dahil mayaman at matalino rin siya.

Nang makababa ako sa kotse, hindi pa naman ako nag iisang minuto sa pag-tapak sa lupa ay kaagad akong nahanap ni Juana. Mabungisngis niyang ngisi ang sumalubong sa akin nang napalapit na siya.

"Hi babe–"

"Not a single word about the tweet, Zanhuesa!" I hissed. "Hindi ako magdadalawang-isip na sakalin ka."

Abot hanggang langit ang inis ko simula pa lang noong umaga na nabasa ko ang tungkop sa nangyari. Dagdagan pa ng ibang problema sa bahay. Halos durogin ko kanina ang cereal na kinakain dahil sa intensidad ng inis ko para sa maraming tao.

Walang good sa morning ko ngayong araw.

Natawa siya at itinaas ang dalawang mga kamay nang mapansin niyang hindi ako nagbibiro sa sinabi. Pabirong umakto si Juana na sumusuko.

"Okay, okay... I'll let you breathe first. Pero syempre, magkukukwento ka sa akin mamaya dahil hindi pwedeng hindi. For now, good morning to you, bestfriend!"

Umirap ako at napapikit ng mariin.

"Fine, shut up na muna ako. You look murderous and I don't want to be your first victim." May ibinulong pa siya pero hindi ko na itinanong kung ano 'yon.

Hindi ko mapapantayan ang pagkabibo niya ngayon. Masyado pang maaga para maging jolly at excited lalo na't unang araw ng pasukan. Kung dati ay masyado kong inaabangan ang ganitong araw dahil hindi ko kailangan mamalagi sa bahay, pero iba ata ngayong semester. Parang mas gugustuhin kong manatili sa bahay kesa pumasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Things I Never Told You (Pacific Doyens #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon