Chapter 26: Wrong Affection

46 0 0
                                        

Cinyla’s POV

MAAGA akong nagising kahit na mamaya pa ang pasok ko, umupo ako pansamantala sa sofa na katabi ng kama ko at nang tingnan ko ang orasan sa kabilang table na nasa tabi ko ay alas tres na pala ng umaga. Masyado pang maaga para magising, pero heto ako nakaupo at iniisip ang lalaking iyon.

Bakit ba t’wing nakikita kita, iba ang dating mo? Bakit ganito mo pabilisin ang tibok ng puso ko?

I know he has a purpose of coming yesterday in our house but when I try to tease him with my simple actions, I knew it. But my heart telling something, iba ang nararamdaman ko, iba rin ang takbo ng isip ko. My heart starts beating so fast and I am now thinking that his love is genuine. Napahawak ako sa puso ko. Wait, ano ba ’tong nararamdaman ko?

Calm down heart! Hindi ka dapat mahuhulog lalo sa kanya. Masisira ang mga plano mo. Para akong nasisiraan ng bait para diktahan ang nararamdaman ko at isipin na lahat ng pagiging mabait at sweet sa kaniya ay parte lamang ng mga plano.

Honestly, I don’t want to fall in love anymore pagkatapos ng mga nangyari sa akin, pakiramdam ko pare-pareho lang naman sila na magaling sa simula. They are good in promising, but when things getting hard they cannot stand on it, they will forgot it. Bumangon na lang ako at dumiretso sa banyo para mag-asikaso  para pumasok sa opisina ng maaga.

Isang oras ang nilaan ko sa pag-aasikaso at saktong pagbaba ko ay nakita ko si mommy na abala sa paglilinis.

“Mommy, papasok na po ako.”

Tumigil ito sa ginagawa niya at napatingin sa akin.“Ang aga mo yata ngayon, hindi ka na ba kakain?”

Ngumiti ako bago nagsalita, “Gusto ko pong matapos agad yung trabaho ko ngayon eh. Hindi na mommy, busog pa naman ako. Sige mom, alis na po ako.” Kumaway ako bilang pagpapaalam at diretsong lumabas na rin para makapaghintay ng sasakyan.

Habang naghihintay ng masasakyan, napatingin ako sa pulang kotse ko na nasa loob. Sa totoo lang limang taon na rin pala ang tagal ng paghinto ko sa pagmamaneho. Tumigil na rin kasi ako dahil pakiramdam ko anytime pwede akong makabangga, lalo na madalas akong mag-isip ng kung ano-ano. Sa totoo lang ang hindi ko naman totally binatawan ang pagmamaneho, ayoko lang maaalala si daddy na isa sa dahilan bakit ako natuto.

Maya maya pa ay may tumigil na sasakyan sa harapan ko.

“Sakay na! Hatid na kita,” wika ni Joshua.

“Bakit nandito ka?” takang tanong ko dahil hindi ko akalain na maliligaw siya sa subdivision namin.

“Naglibot lang at nakita kitang naghihintay rito ng taxi, kaya tara na, sakay na.”

Dahil masamang tumanggi sa biyaya at pumayag na rin ako at dali-daling sumakay sa kotse nitong panlaban dahil sa ganda.

Uupo na sana ako sa likuran pero nagsalita siya, “Dito ka na lang sa harapan dito sa tabi ko para naman may kausap ako.”

“H-ha?”

“Dito ka na lang sa unahan para magkausap tayo.” muling pagpapaliwanag niya dahil iba ang pagkakaunawa ko sa unang nasabi niya.

Tumango na lang ako at umupo sa tabi niya dahil kailangan ko na rin makarating sa opisina. “Salamat, Joshua.” Ngiting pangungusap ko habang nakatingin sa kanya.

Ngunit lumapit lang ito dahilan ng pagpikit ko. “Always wear your seatbelt for your safety.” Sinuot niya ang seatbelt sa akin at dumilat na rin ako. Nakakahiya ang mga iniisip ko!  Hindi ko akalain na iyon lang pala ang gagawin niya. “Ohh, salamat Joshua. Sige na ako na ang mag-aayos magmaneho ka na lang,” nahihiyang tugon ko at inayos nang mabuti ang seatbelt sa katawan ko.

Unforgiven SinsWhere stories live. Discover now