Problem #28 (@SweetScentStrawberry)

1.1K 77 4
                                    

Problem #28


Yan : H-Hello po, manong Jongdae.

Jongdae : Yo.

Yan : Hihingi po sana ako ng payo.

Jongdae : Go.

Yan : Ahm. Manong Jongdae, pano ko po ba papataasin ang selfconfidence ko? Nagagawa ko po ng maayos pag mag-isa ako, pero po pag may kasama na po akong iba kahit po family ko, tumitiklop ako! Ano po bang gagawin ko para po tumaas ang self confidence ko?

Jongdae : Be socialize, makipag-kaibigan ka, kapalan mo ang mukha mo. Parang practice na rin yun. Pati pag may kaibigan kang iba habang asa harap ka ng maraming tao, hindi ka matitiklop kasi alam mong may sumosoporta sayo. Pag narinig mo na yung cheer nilang 'Go! Yan' promise nakakataas ng self confidence yun.

Author Eys : Mag-shashare na din ako ng experience. Baka makatulong. Nung tumungtong akong high school, kinabahan ako. Kasi kaunti lang ang kilala ko, and tbh, im not that socialize wala akong masyadong kaibigan sa labas ng classroom pero pag sa loob ng classroom halos lahat barkada ko. Dumating yung nomination ng student council, nominated ako as Grade 7 Rep. ngayon kabang kaba na ako. Siyempre, kailangan ko din ng grade kaya ginalingan ko talaga. Isa lang naman ang iniisip ko nung mga panahon na yun. Grades (Para sa concert na gusto kong puntahan! HAHA. Actually kaya ako nakapunta ng BOB kasi mataas ang grades ko! Yey). Pag may inspiration ka kasi, nakakataas siya ng self confidence. Hahaha. *Lumabas na*

Jongdae : Edi sana ikaw na lang ang nagpayo! Bwiset.

Yan : Hehe. Manong Jongdae, may tanong pa po ulit ako!

Jongdae : Ano naman yun?

Yan : Ano po sa iyo ang tunay na kaibigan?

Jongdae : Sila yung mga taong ang lakas tumarantado sayo. Pero kahit ginagago ka na nila, alam mo sa sarili mo. Ito ang kaibigan ko. Yung lagi ka na lang pinapahiya at pinag-titripan pero di ka man lang nag-tanim ng sama ng loob kasi katuwaan lang. Meron din part na pinag-tutulungan niyo yung isa niyong kaibigan. Ganun ang tunay na kaibigan, yung pag umaga imbis na 'Good Morning' ang bati mo sa kanila babatiin mo sila 'Oy futa! Puyat ka! Anong pinanood mo kagabi?!' (A/N: opo ganyan po kami magkakaibigan. hehe). Yung pare-pareho kayong inis sa mga jejemon at hipon. Pinag-titripan niyo pag nag-gm ng jeje language. HUAHUAHUA. Hehe. Yun lang, for me, ang kaibigan parang cellphone, kahit na nag-loloko importante sayo. Kasi alam mo sa sarili mo, importante ang memory sa loob nito. WHOGOAT.

Payo ni Manong Jongdae | exo ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon