Chapter 5

259 7 1
                                    

Scarlet POV


SA ARAW na ito ay ang araw ng pagtatapos ko sa kolehiyo. Masaya ako, dahil sa wakas ay makakapagtapos na ako at matutulungan ko na sila mama at papa. Isang ngiti ang namitawi sa akin mga labi. Di talaga ako makapaniwala na magtatapos na ako sa kolehiyo.

"Congratulation, anak!" madamdaming sambit ni mama sa akin. Ngitian ko ito at tsaka niyakap.

"Salamat 'ma, para po sa inyo ang lahat ng 'to." Di ko mapigilan ang umiyak, dahil talagang ginapang nila ang pag-aaral ko, at talagang susuklian ko ang mga paghihirap nila sa aking pag-aaral.

Sumilip si papa mula sa labas. "Halina kayo, baka mahuli tayo," saad ni papa sa amin. Nagdra-drama pa kasi kami dito sa kwarto ko. Agad kong inakay si mama papalabas ng kwarto. Nag-aantay na sa sala namin si papa at mga kapatid ko.

Ilang minuto din ang b'yahe namin. Medyo may kalayuan ang paaralan na pinapasukan ko sa aming bahay. Pagdating ko sa gate ay sumalubong sa akin ang mga estudyante na abala at may saya sa mukha nila.

"Jane!" May tumawag sa akin kaya nilingon ko iyon. Nakangiting mukha ni Mayla ang sumalubong sa akin. Agad kong inihanda ang matamis kong ngiti para sa matalik kong kaibigan.

Agad itong tumakbo papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Congratulation. Ang ganda mo today," masayang sambit ni Mayla.

"Congratulation din sa iyo. Ikaw din naman maganda ka." 

Sabay kami ni Mayla ngayon na magtatapos sa kolehiyo. Masaya ako, dahil narating na din naming dalawa ang goal namin na makapagtapos. Nangako kami sa isa't-isa ni Mayla na aabutin namin ang aming mga pangarap ng sabay ay di nga kami nabigo, ngayon ay makakamtan na namin ang aming minimithi, at alam ko na ito na ang simula.

Agad kong iginala ang paningin ko sa paligid. Hinahanap ko ang isang tao na nagparamdam sa akin ng kakaiba. Una sa akin ang lahat ng ito, hindi ko alam kong saan patungo ang nararamdaman ko. Alam kong mahirap itong abutin, dahil ayon kay Mayla ay CEO ang pinsan niya at maraming negosyo. Mayaman pala ito. Parang di ko kayang abutin si Lance.

Alam kong di kami bagay, mahirap lamang ako at mayaman siya. Pero paano ko pipigilan ang sarili ko, kung sa tuwing nakikita ko siya ay para bang hinihigop ang aking lakas, na sa bawat tingin niya ay para bang kailangan kong may mahawakan, dahil hinahalukay nito ang buo kong pagkatao.

Napatingin ako sa isang sasakyan. Particular na sa kanya iyon. Bumaba ito at umikot sa kabilang bahagi ng sasakyan. Pero agad din akong nanlumo nang may bumabang babae mula sa katabi nitong upuan. Maganda, sopistikada, sexy, at mayaman, katulad ng antas nito sa buhay. Doon pumasok sa aking isipan na imposible talaga na magustuhan niya ako. Dahil sa kasama niyang babae lang ngayon ay sobrang layo ko na.

Agad kong iniwas ang aking mga mata kay Lance at sa kasama nito. Ngunit, sadyang makulit si Mayla. Tinawag nito ang binata. Pipigilan ko sana si Mayla, kaso tinawag na nito si Lander.

"Lance!" Tawag nito sa lalaki. Di na ako nag-abala pang tumingin, dahil di ko kaya na makita itong may kasama na babae. Nasasaktan ako, hindi ko pa pangalanan ang damdamin ko sa ngayon. Dahil bago sa akin ang lahat ng ito.

"Mayla, congrats," sabi nito sa kaibigan ko. Pero nanatili ang tingin ko sa unahan. Di ako lumingon sa kanila. Ayaw kong magtama ang aming mga mata, dahil baka di ko kayanin ang mga tingin nito sa akin.

"Best, nandito si Lance oh!"

Lumingon ako, tapos ay nginitian ko ito, na para bang wala lang sa akin ang presensya nito. Dahil nauna na sila mama at papa sa loob, ay no choice ako kundi pakisamahan sila.

Art Of Temptation: Her Sweet Revenge (COMPLETED)Where stories live. Discover now