Kabanata 1

42 10 0
                                    







I woke up to the sun's rays hitting my skin. It was so painful that I immediately got up. Hindi sanay ang balat ko sa araw dahil sa sobrang sensitive ko.



Iginala ko ang paningin ko sa aking paligid at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na kwarto. Ang disenyo nito at parang sa panahon pa ng mga kastila or espanyol.


Bumukas ang pintuan at iniluwa non ang isang babae na hindi ko kilala. Nanlaki ang mata niya at napatakip sa kanyang mga labi.


"Señora! Gising na po ang Binibini." Malakas niyang sigaw at tumakbo palabas. Naningkit ang mata ko dahil don. What the heck was that?



Humarap ako sa salamin na nasa aking likuran at tinignan ang repleksyon ko rito. Nakasuot ako ng engrandeng baro't saya at nakaayos ang aking buhok. Is this true? Tinapik tapik ko ang mukha ko para magising pero nakaramdam lamang ako ng sakit.



Fuck! Where i am? Don't tell me hindi ito panaginip?



Nagulat ako ng biglang pumasok ang isang babae na sa tingin ko ay ka edad lamang ni Mommy. She was wearing the same clothes as mine. Tumitig ako sa mata niya at bakas dito ang pag-aalala.



"Gracias a dios estas despiert (Thank god you're awake) Kumusta ang pakiramdam mo." Tanong niya habang hinahaplos ang mukha ko.




I was about to answer her question ng biglang pumasok ang isang lalaki na ka edad lamang ni Daddy.




"Gracias a dios estas bien".(Thanks God you are okay) Sigaw niya at mahigpit akong niyakap. Alam kong spanish na lenggwahe ang ginamit niya ngunit hindi ko ito masyado maintindihan. Ang naintindihan ko lamang ay nagpapasalamat siya dahil gumising na ako.



"W-who are y-you?" Pautal utal kong tanong sa kanila at biglang nanlaki ang kanilang mata. I already have an idea kung sino sila pero ayaw mag sink in sa utak ko kung totoo ba ito.



"OH DIOS MÍO! QUE LE PASO A MI HIJA?" (OH MY GOD! WHAT HAPPENED TO MY DAUGHTER?) Naiiyak ang ginang habang sinasabi ito.


"Humimahon ka Esmeralda." Maowtoridad na sambit ng lalaki. "Ipatawag mo ang doktor upang magamot ang aking anak." Sambit niya.



Dahil sa sinabi niya ay unti-unting nabuo ang konklusyon sa aking utak. Mabilis akong tumingin sa kalendaryong nakasabit sa pader.


Fuck! I'm in the year 1867? What the hell! Ibig sabihin ay nasa katawan ako ni Lola Isabella? The hell!


Dumating ang doktor na pinatawag nila. Pinahiga nila ako sa aking kama at dahan dahang sinuri.




"Ikinalulungkot ko pong sabihin Señor Alejandro pero natitiyak ko po na siya ay nawalan ng memorya. Dahilan siguro nito ang pagkabagok niya. Hindi ako nakasisiguro Kung kailan babalik ang ala-ala niya ngunit gagawan ko po ito ng paraan" magalang na sambit ng doktor.




"Es mi culpa.(It is my fault)Kung hindi sana kita sinama sa aming proyekto ay hindi mangyayari ito sa iyo Hija. Patawarin mo ang iyong ama." Lumuhod ito sa aking harapan at umiyak.



"I-im fine." Sabi ko at nangunot ang ulo niya. "I mean ayos lang po ako Papa. Huwag kang mag-alala sa akin." Nakita kong sumilay ang ngiti sa kanyang labi at tsaka ako niyakap.




"Esmeralda! Naaalala ako ng ating anak." Masayang sambit niya kaya mabilis na lumapit sa amin ang ginang.




"Paano naman ako Isabella hija? Naaalala mo ba ako?" Tanong niya sa akin. I have no choice kundi magpanggap na si Lola Isabella.


Fated To Love You(On-going) Where stories live. Discover now