Kabanata-6

28 9 0
                                    

Mabilis akong tumakbo palabas. Mabuti na lamang at hindi ako napansin nila Ina a Edward. Kinuha ko ang manipis na panyo na nasa aking bulsa.



Fuck! why am i crying? this is bullshit! kaya ba ganito ang nararamdaman ko ay dahil iisa kami ni Lola Isabella?


Ibig sabihin kaya ako nasasaktan ay dahil nasa katawan niya ako? Damn.


Uuwi na ako! hindi na kinakaya ng katawan ko ang sakit. Akmang lalabas na ako ng tarangkahan nila ay may biglang nagsalita.



"Binibini, maari ko bang tanungin kung bakit nasa labas ka ng aming tahanan at wala ka sa loob.'' natigil ako sa paglalakad ng marinig ang malamig niyang boses.


Mabilis kong pinahid ang aking luha ng panyo at humarap sa kanya.


"Damn you! bakit mo sinasaktan si Lola ng ganito!" inis kong sigaw sa kanya. At bakit pa kasi siya lumabas, baka may makakita sa amin dito at kung ano pa ang isipin.


"Pardon me?" nagulat ako ng bigla siyang mag english. Ngunit naalala ko na may lahi nga pala siyang amerikano.


Lola, ayaw kong nasasaktan ka ng ganito kaya patawarin mo ako sa aking mga gagawin. Babawiin ko ang taong pag mamay-ari mo.



"Akala ko ba mahal mo ako Sebastian? bakit kay dali sa iyo na ako'y palitan.'' hindi ko alam kung saan nagmumula ang mga binibigkas ko ngunit alam kong galing ito mismo sa aking puso.


"Ano ba ang iyong sinasabi Binibini?'' naguguluhang tanong niya.


"Ako na lang ulit ang mahalin mo. Please, I want you back." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanya at tumingkayad.



Sorry Lola kung magnanakaw ako ng halik sa mahal mo. Pero ginagawa ko lang ito para maging maganda ulit ang love life mo.



Mabilis kong inilapat ang labi ko sa kanya at siniil siya ng halik. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya kaya mabilis din akong bumitaw. Gulat na gulat ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Dahil sa hiya ko ay tumakbo ako palabas ng gate nila.



Damn! yung first kiss ko huhu. Pulang-pula ang mukha ko ng sumakay ako sa kalesa. Mabilis naman gumalaw si manong kaya nakaalis kami kaagad. Pagkarating sa mansyon ay sinalubong ako nung tatlo. Gulat ang mga mata nilang nakatingin sa akin.



"Binibini? bakit tila yata napaaga ang uwi mo? nasaan ang Señor at Señora?'' Si Victoria ang unang nag tanong.



Should I tell them the truth? mapagkakatiwalaan naman sila. At baka matulungan din nila ako.


"Mahabang kwento, bukas ko na isisiwalat sa inyo. Kayo na bahala kila Ina at Papa. Sabihin mo sumakit ang aking puson kaya ako umuwi." mabilis silang nagtanguan sa sinabi ko.



Iniwan ko sila agad at nagmadaling umakyat papasok sa aking silid.




Tama ba yung ginawa ko? fuck! Sorry Lola Isabella, yun lang kasi yung paraan na alam ko ihh. Kanina pa ako pa lakad lakad sa aking silid at hindi mapakali.



Biglang bumukas ang pintuan ko at pumasok si Ina.



"Nasabi na sa akin ni Victoria ang dahilan kung bakit umalis ka kaagad. Maayos na ba ang lagay mo hija?" nag aalalang tanong niya.



"Paumanhin Ina kung hindi ako nag paalam. Sasabihin ko na lang po kay Andres ang nangyari upang hindi na siya mag-alala.'' tumango naman siya bago ako iwan. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na siya nag alinlangan sa paliwanag ko.



Fated To Love You(On-going) Where stories live. Discover now