CHAPTER 01

1.7K 75 6
                                    




"PAPA, hindi ka ba talaga makakapunta sa birthday party ko?" Malungkot na tanong ni Grizelda sa kaniyang papa habang kausap niya ito sa phone.

That moment, she is facing her vanity mirror in her glamorous and girly bedroom. Kakatapos lang siyang ayusan ng make up artist at hairdresser na pinapunta ng papa niya sa kanilang bahay. O mas tamang sabihin na mansion?

Ang papa ni Grizelda ay full-blooded Italian na na-inlove sa isang Filipina na siyang kaniyang mama. Matagal nang naninirahan sa Philippines ang papa niya kaya naging fluent na ito sa pagsasalita ng Tagalog. Sa papa niya nakuha ang kaniyang matangos na ilong at bluish-grey eyes. Then the rest ay sa mama na niya. Pero madalas pa rin siyang napagkakamalan na "may lahi". Mukha raw talaga siyang foreigner. At kahit marami ang nagsasabi na maganda siya ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mga bully lalo na noong high school. Hindi raw siya dapat nakatira sa Pilipinas kasi hindi siya purong Pilipino. Sa Italy daw dapat siya nag-aaral. Sinasabi ng mga ito na para bang pagmamag-ari ng mag ito ang Pilipinas at sila ang may karapatan na pumili kung sino lamang ang pwedeng manirahan dito.

Maya maya ay narinig ni Grizelda ang paghinga ng kaniyang papa nang malalim bago ito nagsalita. "My princess, I am so sorry. Pero hindi talaga kaya. Bigla akong nagkaroon ng urgent meeting at papunta na ako ngayon sa airport." She can feel her papa's sadness on his voice.

Ang papa niya, busy talaga ito palagi.

"Hindi ba pwedeng dumaan ka muna rito sa house saka ka pumunta sa airport?" Pamimilit ni Grizelda.

"Grizelda, alam mo na kung kaya ko ay gagawin ko iyan. But I am in a hurry now. Don't worry, pagbalik ko after three days ay magce-celebrate tayong dalawa ng 16th birthday mo. Just the two of us. Gusto mong magpunta sa Siargao, right?"

"Yeah." Malungkot niyang tugon. "Okay, papa. I guess I will celebrate my birthday without you. But promise me na you'll be safe."

"I promise. And enjoy your special day, my princess. Happy birthday! And always remember that I love you. Always."

"Thank you, papa. Take care... I love you too."

Nakapout na in-end niya ang call nang magba-bye na ang papa niya. Malungkot niyang ipinatong sa tabi ng vanity mirror ang kaniyang phone at tiningnan ang reflection niya sa salamin.

Mas masaya siguro kung meron pa siyang kapatid kahit isa lang. Para sana kahit wala ang papa niya ay meron siyang makakasama. Kaso, wala, e.

Hindi na nagkaroon ng chance dahil namatay ang mama niya noong three years old pa lamang si Grizelda. Car accident. Her mama was driving one stormy night. Ang sabi sa kaniya ng bestfriend ng papa niya na si Ninong August ay umalis bigla ang kaniyang mama sa bahay para hanapin ang papa niya. Then the accident happened. The road is too slippery. Nawalan ng control ang nanay niya at bumangga sa poste ng ilaw ang kotse. Hindi na ito nakaabot pa sa hospital. Her mama was dead on arrival.

Whenever Grizelda imagine that scene ay nakakaramdam siya ng sakit sa kaniyang puso. Hindi niya ma-imagine ang sakit na naramdaman ng mama niya nang maaksidente ito. She know, hindi pa gustong mawala ng mama niya kasi gusto pa nito na magkasama silang dalawa. Wala naman sigurong nanay na gugustuhing mahiwalay nang forever sa only daughter niya, 'di ba?

Si Ninong August ang palaging kasama ni Grizelda kapag wala ang papa niyang si Stefano Russo. August is in his 40's but still look young.

Kagaya ng nasabi ni Grizelda, palaging busy si Stefano sa mga business nito. Palagi nitong sinasabi na kaya hindi ito tumitigil sa pagpapalago ng business nito ay para mabigyan siya ng good and comfortable life. Pero para sa kaniya, mas gusto ko pa rin niya ang time ng papa niya. Iyong nakakapag-bonding sana sila kahit every weekend. Tapos, sa bahay ito uuwi every night. Tabi silang matutulog para ma-share niya rito ang mga nangyayari sa kaniya sa school. Kung sino na ba ang latest crush niya at kung anu-ano pa.

The Mafia Boss' Only PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora