CHAPTER 08

320 28 5
                                    





HUMAKBANG pa ng dalawa ang lalaki palapit kay Grizelda at umangat ang dalawa niyang kamay upang dumepensa nang iunat nito nang mabilis ang mga kamay.

"Pa-autograph ako, idol!" Malakas na sabi ng lalaki. Hawak nito ang receipt mula sa inorder nitong kape na siya ang nagbayad.

Ang buong akala niya ay aatakihin siya nito kaya naging maagap ang kaniyang pag-depensa.

Pinamulahan ng mukha si Grizelda nang makita niyang napatingin ang ilang tao sa coffee shop sa kaniya. Nakikita niya sa mukha ng mga tao na inaalam ng mga ito kung sino ba siya at gustong magpa-autograph sa kaniya ng lalaking nasa kaniyang harapan. Parang gusto na tuloy niyang lamunin ng lupa sa labis na kahihiyaan.

Next time, kapag may sasalihan siyang fighting match ay buong mukha na niya ang tatakpan niya para wala na talagang makakilala sa kaniya.

"Nagkakamali ka. Hindi ako 'yon." Pagtanggi niya.

"One grande iced white mocha blonde for Miss Zelda!" sigaw ng barista.

Nanlamig si Grizelda. Ngayon ay nagsisisi na siya kung bakit ang palayaw niyang iyon ang sinabi niyang pangalan niya sa may counter. Paano pa niya itatanggi sa lalaki na hindi siya ang nakamaskarang Zelda na nakita nito sa fighting match na napanood nito?

Well, pwede namang hindi ko na lang kunin 'yong kape ko! Sabi niya sa sarili.

"One grande iced white mocha blonde for Miss Zelda!" Ulit ng barista.

Pero noong isang araw pa siya nagke-crave sa favorite coffee niya. Ang swerte nga ng lalaking iyon kasi matitikman nito ang paborito niyang kape dahil iyon ang inorder niya para rito. Nahalata niya kasi na hindi nito alam kung ano ang oorderin kaya kesa sa humaba ang pila ay siya na ang umorder para rito.

Kitang-kita ni Zelda ang pagliwanag ng mukha ng lalaki. "Ikaw si Zelda, e! Kunin mo na 'yong kape mo!" turan pa nito.

Tuluyan na sana itong lalapit sa kaniya pero inunahan niya ito ng pagtayo. Dumirteso siya sa may barista at kinuha na ang kape niya. Ang balak niya sana ay sa mismong coffee shop niya iyon inumin pero dahil sa weird na lalaki ay sa sasakyan na lang niya. Sa tingin niya kasi ay hindi siya titigilan ng lalaking iyon hangga't hindi siya umaamin na siya nga talaga 'yong Zelda na nakita nito sa isang fighting match.

Nakayuko at malalaki ang hakbang niya patungo sa exit door.

"Idol, wait lang! Kahit picture na lang pala. Huwag nang autograph!" Habol na sigaw no'ng lalaki.

Binalaan niya ang sarili na huwag na huwag siyang lilingon. Kunwari'y wala siyang narinig. Diretso lang siya sa paglalakad nang mabilis.

Nang makarating si Grizelda sa may exit door ay binulungan niya ang guard. "Kuya, stalker ko po 'yong lalaki na sumusunod sa akin. Help me, please!" At pagkatapos ay dumiretso na siya sa paglabas ng coffee shop.


-----ooo-----


NAKUMPIRMA ni Conan na ang babaeng nasa coffee shop ay si Zelda nang marinig niya ang pagtawag ng lalaki sa pangalan nito tapos ang babae ang kumuha ng kape. Ang lakas talaga ng pakiramdam niya at ang talas pa ng memorya niya. Hindi talaga siya nagkamali sa kaniyang hinala. Kahit itinanggi iyon ni Zelda ay hindi pa rin siya naniwala rito. Talagang ang ganda pala nito sa malapitan at kapag walang suot na maskara. Hindi mo ito mapagkakamalan na nakikipagbakbakan.

The Mafia Boss' Only PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon