32- Battle against the witches 2

857 40 0
                                    

(3rd Person POV)

Samanatala sa dako nila Grey, Lucy, Shia at Damon ay patuloy pa din nilang hinahabol ang witch. Napakabilis ng paglipad nito ngunit hindi sila nabahala dahil nasasabayan naman nila ito lalong lalo na si Damon na kanina pa nayayamot dahil kanina pa sila tumatakbo!

Hindi na nakapagtimpi si Damon, biglang nagliwanag ang kanyang mga mata, maya maya ay nagpaulan ito ng malalakas na kidlat sa witch. Nagulat ang witch ngunit naiwasan nitong lahat ang mga kidlat saka tinignan ang mga humahabol sa kanya.

"Sa wakas tumigil ka din sa pagtakbo" sabi ni Damon.

"Mukhang minamadali mo ang iyong kamatayan" nakangiting sabi ng witch na sininghalan ni Damon

"Huh! Kung may mamamatay man dito, ikaw yun at ang mga kasama mong ampapangit! " nainis ang witch sa sinabing ito ni Damon

Mabilis na pinalibutan ng awra ng witch ang kanyang katawan at akmang aatake ngunit tumalon ito matapos maramdaman ang paglabas ng matulis na yelo sa kinatatayuan nito, nasundan pa ito ng ilang yelo na lumalabas sa lupa at pilit na inaabot ang witch.

Sinamantala ni Lucy ang pagkakataon, habang nasa ere ang witch ay pinaulanan niya ito ng bala na gawa sa tubig. Sunod sunod ang kanyang pagpapaputok, ngunit baliwala lamang itong iniiwasan ng witch.

"She's fast" she said.

"But I'm way more faster" Damon said habang nababalutan ng kuryente ang buong katawan. Bigla itong naglaho at lumitaw sa likod ng witch na nasa ere at binigyan ito ng malakas na sipa sa likod ngunit nagulat siya dahil mabilis na nasalag ng witch ang kanyang paa gamit lamang ang kanyang palad. Mahigpit niya itong hinawakan saka malakas na tinapon si Damon sa lupa.

Bumulusok pababa si Damon at bumagsak sa lupa. Nagkaroon ng biyak ang lupang binagsakan niya ngunit mabilis siyang bumangon at inunat unat ang sarili.

"Aray!!!! Masakit yun ah! " sigaw nito habang tinitignan ang witch na nakangisi sa itaas.

"Alright, let's get serious" Grey said. Nawala na ang bagbibiro nitong ekspresyon at napalitan ng ngisi, saka nito hinubad ang damit.

Napangiti sila Damon, Lucy at Shia dahil alam nilang sa puntong to ay magseseryoso na ang isang Grey ng Ice palace. Alam nila na hindi nalalayo ang lakas nito kay Kael.

"Pwede kitang sagipin mula sa kamatayan kung papayag kang mapangasawa ko" malanding sabi ng witch kay Grey.

"Sorry pero may nagmamay-ari na sa akin eh"

Nainis ang witch dahil sa narinig. "Sabihin mo sa akin kung sino?!! " sigaw nito.

Itinuro ni Grey ang kinaroroonan ni Lucy. "Her"

Napasimangot si Lucy ganoon din ang witch. Walang sinuman ang umagaw ng nagugustohan niya! Nanggigil itong sinalakay si Lucy.

"Fuck you Grey! " sigaw ni Lucy bago sininulang tumakbo.

"Oh yes baby! " sigaw naman ni Grey bago sinundan ang dalawang naghahabulan.

Naglabas ng matutulis na yelo si Grey at inatake ang Witch, samantalang tumalon si Lucy ng mataas at hinarap ang witch na papalapit sa kanya, gamit ang dalawang baril ay itinutok niya ito sa witch at mabilis na pinaulan ng bala.

Tinamaan ang witch sa balikat dahilan ng pagbagsak nito sa lupa. Mabilis na gumapang ang mga ugat at iginapos nito ang witch ngunit agad na nasunog ito at inatake ng marahas na awra si Shia at Lucy.

Nagtagumpay na iwasan ni Shia ang atake ngunit direktang tinamaan sa tiyan si kaya tumilapon ito ngunit bago ito bumagsak ay mabilis itong sinalo ni Damon.

Shantell Reese in the Kingdom of MantaWhere stories live. Discover now