Mountain Top Of Love

20 5 20
                                    

☁︎ ☁︎ ☁︎

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

☁︎ ☁︎ ☁︎

"France, lapitan mo kaya yung kano, wala yatang dalang tubig eh. Sobrang init pa naman." udyok ng baliw kong kaibigan habang inaakyat namin ang matarik na daan patungo sa Mount Hibok-Hibok.

Ikalabing-isang araw ngayon sa buwan ng Hunyo, at para kaming iniihaw na isda sa sobrang init ng panahon.

Tinignan ko ang tinuturo ni Sazza, and I can say that he is rougely handsome. He is tall, muscular--but not bulky, and he has this aura around him that draws anyone's attention.

"Gaga ka! Kung ikaw kaya ang lumapit dun, total makapal naman pagmumukha mo." pabiro kong tugon kay Sazza at umiwas na ng tingin sa lalake., Si Sazza ang babae kong kaibigan na nag-presintang samahan ako sa mga trip ko sa buhay.

"Dali na kasi! Afam siya beks, ito na yung chance mong lumandi para naman makamove-on kana!" pamimilit niya habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko, kung saan naroon ang kiliti ko.

"Anong silbi ng pagpunta ko rito para magmove-on kung paulit-ulit namang binabanggit ng bunganga mo yung ex ko, kingina ka!" pabulong kong asik sa kaniya dahil may iilang turista rin na siyang kasabay namin sa pag-akyat ng Mount Hibok-Hibok.

Yeah. What you heard is right. One of the reason why I choosed to go here is because I want to move on from my bastard ex, and I thought that going here might help me move on or forget about him a bit.

"Sige na beks, lapitan mo na. Libre kita ng buffet paguwi natin mamaya kapag binigyan mo siya ng tubig. Dali na!" biglang nagpantig ang tenga ko nang  marinig ang tungkol sa pagkain, dahil kung tatanungin niyo ako kung ano ang kahinaan ko ay malamang, pagkain ang una sa listahan.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil alam na alam talaga ng babaeng 'to kung ano ang kahinaan ko. tsk. "Fine, deal. Walang bawian, kundi uututan sa bunganga ang 'di tutupad sa usapan." banta ko kasabay ng pagsang-ayon sa gusto nito.

At narinig ko pa ang pabulong pang cheer sa'ken ng baliw kong kaibigan. Bebs, para sa pagkain. Para sa pagkain kayanin mo! Paulit-ulit kong paalala sa aking isip bago magpakawala ng buntong hininga at magsimulang maglakad.

Habang papalapit sa kinatatayuan ng gwapong afam, hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang kalabog ng puso ko na para bang kagagaling ko lamang sa matagal na pagtakbo.

Nang makalapit ako sa pwesto ng kano ay hindi ko alam kung ano ang unang gagawin ko, lalo na nung bigla itong lumingon. Dahil do'n, bigla akong natuod ng makita ko na ang kaniyang mukha, lalo na nung makasalubong ng aking mga mata ang itim na itim nitong mata, na animo'y kayang higupin ka.

Mountain Top Of Love (One-Shot)Where stories live. Discover now