Chapter 2

549 24 1
                                    

MATHEO ANGELO CONNER'S POV:

"Kuya Dominic, asan yung mga kaibigan mo? Kala koba sasama siya satin papuntang palengke?" Nagtatakang tanong ko kay Kuya Dominic na ngayon ay nagsisigarilyo sa labas ng bahay

Nandito kaming lima sa labas ng bahay nila Mama at Papa, pumuntang simbahan sila Mama dahil ayaw niya raw na itigil ang pagsisimba nito daahil iyon ang itinuro ni Lola na pumanaw na

"Hindi na raw sila tutuloy dahil mag-b-bar daw sila. May birthday yung isang tropa namin na babaero at sa bar nila napaghandaan ang birthday niya" sabi naman ni Kuya Dominick kaya napataas ang isang kilay ni Ezra, Kuya Lucius, Ako at Kuya Isaac

"Bat hindi ka sumama kanila John kuya? Birthday pala ng isa sa tropa niyo, eh. Hindi ka sumama para makipag-celebrate ng birthday ni Lloyd" sabi ni Kuya Lucius kay Kuya Dominic pero umiling lang ito, alam na agad namin ang rason niya kung bakit

Andon kasi ang Ex niyang si Angel, kahit naman nalaman niya na ipinagpalit siya nito para sa isang babae ay ayos lang naman daw dahil balak narin namang nilang maghiwalay noon hindi naman umiyak si Kuya, bagkos ay natuwa pa ito at binati niya panga si Angel

Ang rason niya ay kung bakit niya ayaw ay naghahanap si Angel ng babae para kay Kuya Dominic sa Bar na pinuntahan nila ng Jowa niyang si Nicole

"Ano? Tara na sa palengke at bumili na tayo ng panghapunan natin bago pa dumating sila mama at baka mapalo tayo noon" sabi ni Kuya Dominic kaya agad kaming tumayo at nagsimula ng maglakad

Nasa high way nakami at malayo na sa bahay ng makarinig kami ng bangga, as in may parang bumangga dito sa High way kaya agad kaming tumakbo kung saan nanggagaling ang ingay

May isang sasakyan ang bumangga sa isang puno, lumapit kami hanggang sa may nakita kaming isang babaeng na nasa loob ng sasakyan kaya dali dali namang itong pinuntahan ni Kuya Lucius atsaka nito binuhat ang babae

Habang tumatakbo kami pabalik ng bahay ay tinignan ko ang mukha ng babae, kahit na meron itong dugo sa ulo niya ay maaaninag mo parin ang kanyang maganda at maamong mukha kaya iniwasan ko nalang ang mapalingon dahil parang nag-init ang aking pisngi

Nang malapit na kami sa bahay ay pinagtitinginan kami ng mga kapit bahay namin dahil nagtataka sila na merong babaeng buhatbuhat si Kuya Lucius na duguan ang ulo nito, kahit ang damit nito ay merong mancha ng dugo

Nangmakapasok na kami sa loob ng bahay ay agad namang inilagay ni Kuya Lucius ang babae sa Sofa, okay lang naman dahil malaki naman ang sofa. Tinignan naman namin ang babae at namangha kami sa angkin nitong ganda pero agad na umiwas kami, nakita ko pang namumula ang pisngi ni Kuya Lucius at Ezra

"Kukuha lang ako ng balde at bimpo, saglit lang" sabi ni Kuya Isaac kaya napatango si Kuya Lucius, inutusan muna nila Kuya Dominic na sila Ezra muna ang bumili ng panghapon sa palengke agad namang umalis si Ezra bahay

Tinignan ko ang maamong mukha ng babae, ganoon rin si Kuya Lucius, alam naming woman hater sila Kuya Dominic at Kuya Isaac, may dahilan si Kuya Isaac kung bakit ayaw niya sa babae


~•~•~
Third Person's POV:

Nang maka rating si Isaac na may dala dalang maliit na balde at bimpo ay agad na kinuha iyon ni Lucius ang bimpo at balde, agad naman nitong binasa ang bimpo bago nito pinunasan si Hakira na kanina pa walang malay

Nagtaka naman ang tatlo sa action ni Lucius dahil First time nitong maging ganyan sa babaeng kakakilala niya palang, kahit na nagtataka si Matheo, Isaac at Dominic ay inalis nalang nila ito sa kanilang isipan

"Ano kayang nangyare sa kanya, Noh? Bat kaya siya duguan? Alam ko kung bakit dumudugo ang ulo niya pero, bakit pati damit niya ay may mancha ng dugo?" Wika ni Matheo na nag-iisip pa kung bakit nga ba may dugo ang damit nito

"Bakit kaya di muna natin siya dalhin sa Hospital kuya?" Sabi naman ni Isaac kay Dominjc pero hindi sumagot ang binata sa sinabi ni Isaac dahil naka tuon lang ang atensyon niya sa mukha ng dalaga, agad namang umiwas ng tingin ang binata sa babae habang nag-iisip ng malalim

What have you done to me, you woman?

~•~•~
Ehehehehe☺️

Facebook: Precious Nicole Gammad Caranto
Twitter: PreciousCMTC
Instagram: stitch.ilystich
Neobook: CallMeTeacherCheeze


You're Stuck With UsWhere stories live. Discover now