Chapter 10

10.6K 671 257
                                    

Happy 6k, TSLR! Thank you, everyone!


#TSLsRetribution10


NAG-IIMPAKE AKO NG mga damit ko at gamit dahil napagdesisyunan kong umuwi ng dalawang araw sa bahay.

The hell week is over. Matiwasay na nairaos ko ang midterms examination ko. Sana nga lang pumasa ako.

The past days made me miss my family so much. Pakiramdam ko sampung taon na simula nang huli ko silang makita. I feel like I could chill in our house more than here in the condo.

I'm also bothered and down by the thought that he would leave me soon. Alam ko na hindi ko 'to dapat nararamdaman kasi talagang aalis naman siya kapag natapos ko na ang kailangan niya sa akin.

I hate to admit it, but I've fallen in love with a man who would eventually leave.

"Here's my old phone. I still have my old number there. Sinubukan kong loadan at gumagana pa naman ang sim. Naka-connect dito sa wifi niya kaya for emergency na lang din ang load niyan," I said. "Text or call me if anything happens, okay?"

The publishing company gave me this phone when I released my sixth volume. A gift daw dahil isa ako sa mga highest paid talents nila doon. Tinabi ko na lang din 'yang phone ko dati kaysa ibenta dahil ang dami kong pictures doon at mga mahahalagang files.

"Alright," he uttered.

"Two days lang naman ako doon. Sure ka ba na ayaw mong sumama sa akin?" tanong ko.

"You deserve to spend some time with your family. Besides, they don't even know me and I don't want to complicate things."

Yeah. Aalis ka rin naman kasi.

"Okay. Nilagay ko na 'yung number ko diyan ha," pagpapaalala ko ulit. He nodded. "I'll go . . . ahead," mabagal na paalam ko.

Sinabayan niya ako sa paglalakad hanggang sa elevator. Mabigat ang bawat hakbang ko at parang ayokong umalis. Pinanood ko ang likod niya na dala-dala ang mga gamit ko. Pinindot niya ang button sa elevator at nakangiting bumaling sa akin.

Inabot niya ang mga 'yon ng bumukas ang elevator. I smiled at him before I went in. Kinawayan ko siya at nakangiti lang siya sa akin habangd dahan-dahan na nagsasara ang pinto.

My shoulder fell as soon as the elevators closed. I suddenly don't want to leave. I just want to stay in my condo and watch some Netflix series with him.

But how could I insist to stay? He doesn't even care that I am going away. Handang-handa siyang ihatid ako at ngiting-ngiti pa siya.

Dalawang araw lang akong aalis nito at alam kong pagbalik ko ay nandoon pa rin siya pero ang hirap na.

Paano pa kaya kapag tuluyan na siyang umalis at iwan ako?

Pumara ako ng taxi para ihatid ako sa terminal. I decided not to bring my car kasi pagod na nga ako mula sa hell week tapos magda-drive pa ako ng malayo. Nainform ko naman na sila mommy na magko-commute lang ako kaya susunduin na lang daw nila ako sa babaan.

'Yung lungkot na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng saya habang bumabyahe ako pa-Tagaytay. I'm sure my mom would go big now that I'm coming home again after four months.

Natulog lang ako buong byahe. Nagising ako nang malapit na ako sa babaan. Ang tanging nasa isip ko lang ng mga oras na 'yon ay makikita ko na ulit ang mga magulang ko. Both of my brothers have visited already and they stayed for a week. Kaya ayos lang kila mommy na ako na lang ang pupunta ngayon.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon