Chapter 15

9.2K 565 538
                                    

TW: Sexual Harassment, Self-harm. Read this chapter at your own risk.


#TSLsRetribution15


I FELT DRAINED all of a sudden.

Hindi lang si Tyler ang ginano'n niya. Jad is lucky kasi hindi siya sinampahan ng kaso ng mga taong 'yon. Tyler told me that almost every guy who tried to court or date me, experienced the same.

Ang iba raw ay sinulatan ang mga sasakyan nila gamit ang dugo, at may iba rin na hinabol pa ni Jad at inabangan sa mga bahay o condo nila.

Pakiramdam ko, hindi ko talaga nakilala si Jad sa tagal ng pagkakaibigan namin. Was everything he showed to me fake? May motibo ba talaga siya sa akin simula pa lang no'ng una? Why didn't I notice it sooner?

I started doubting everything he did to me. Naging totoo ba siya sa akin kahit isang beses lang?

Napaiyak na lang ako at napasabunot sa buhok ko. I feel scared, and I felt betrayed. I can't think of any possible reasons why it has to be me. I don't feel safe anymore.

I should be at a group meeting right now sa library para sa isa namin na elective class. Next next week pa naman ang deadline no'n pero gusto na kasi namin matapos dahil tambak na tambak kami ng mga requirements.

But with my state right now, I don't think I could write a sentence, even a word. So, I texted my group members that I won't be able to attend our meeting. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko. Luckily, they agreed. Send na lang daw nila 'yung part ko.

I texted Rush after, to pick me up. Sinabi ko rin na nasa Shot Café ako. I bought a warm tea to relax and some garlic bread. Para akong hihimatayin anytime.

Napatayo ako nang makita ko ang sasakyan na huminto sa tapat ng café. Hindi ko na siya hinayaan na pumasok pa sa loob. Lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto, kaya lang, bahagya pa akong natapilok dahil nanghihina ang mga tuhod ko.

"Sorry. I just feel a little sick," I said then went inside the car with him assisting me.

"It's a good thing I cooked some soup. It'll be easier for you to eat," he said while driving. "Have you taken any meds, yet?"

"Hindi pa. This will be gone rin naman in no time. I'll just eat lang and sleep for a bit—"

"No. Take a complete rest. Huwag mo muna isipin ang mga dapat mong gawin. Believe me, walang maayos na lalabas sa utak mo kapag ganyan."

"Okay, my Lord," pagbibiro ko na ikinatawa niya. "But can we go at the mall first? I just need to buy something."

Sinunod naman niya ako at pumunta kami sa mall. Sa Watsons ako nagtungo at sinubukan maghanap ng pepper spray doon. Binayaran ko 'yon nang makakita at sunod ay sa department store. Bumili rin ako ng mga pang-emergency and safety tools na pwedeng dalhin, anytime.

"Para saan 'yan?" tanong ni Rush.

Umiwas ako ng tingin. "May seminar kami for self-defense next week. Sinabihan kami na magdala ng ganito para sa mga demonstration at right way of usage nitong mga 'to," tukoy ko sa mga binili ko.

I don't want him to worry about me. He has enough problems on his plate and he did so much for me already. Ayokong maging abala sa kanya habang nandirito pa siya.

Habang binabayaran ang ibang mga binili namin, napalingon ako sa likod ko dahil parang may nakatingin sa akin. I creased my forehead when I saw that no one seems to be suspicious. But I felt it again. I scanned my eyes around the place.

The Second Lead's Retribution (Reincarnation #2)Where stories live. Discover now