MRE C1

6 0 0
                                    


"Calista!" Sigaw ng kung sino sa akin. Lumingon ako para tignan kung sino tumatawag sa akin at paglingon ko'y isang hilaw na itlog ang tumama sa aking noo kaya kumalat ito sa aking mukha at pati na rin sa aking uniform.

Nagtawanan ang lahat ng estudyante dito sa Cafeteria.

Bumuntong hininga nalamang ako at umalis ng Cafeteria at dumiretso sa locker ko para kumuha ng extrang uniform para pamalit.

"All students na nasa Cafeteria kanina, pumunta kayong lahat sa may gymnasium. Again! All students na nasa Cafeteria kanina, pumunta kayong lahat sa gymnasium" boses na mula sa speaker na nakakabit sa bawat sulok ng eskwelahan. Dali-Dali akong nagpalit at agad na pumunta sa gymnasium. Lahat ng estudyante ay nagtataka kung ba't sila pinatawag, syempre naman, pati ako.

Tahimik lang ako na nasa sulok sa gymnasium, ayokong makita ako ng Annie na 'yun, ang Queen bee daw sa university 'ng aming pinapasukan.

"Listen everyone" panimula ng isang babae na nasa harapan ng gymnasium, Sa stage, to be exact. Kung kanina'y parang nasa palengke ka, dahil sa sobrang ingay ng mga tao, ngayon nama'y halos wala ka nang marinig mula sa kanila.

"I know you're wondering, why I asks you to come here. May nakapagsumbong sa amin sa nangyari sa Cafeteria kanina. So, may I call Ms. Annie Dimagiba and her group na pumunta dito sa harapan" tawag niya sa mga ito.

Buti nga sa inyo!

"What? Bakit niyo kami pinapatawag? Wala naman kaming ginagawang masama?" Sabi niya

Walang ginawagawang masama my ass! Tss.

"Sorry Ms. Dimagiba, but that someone said that you throw an egg daw sa mukha ng isang estudyante. Hindi ba iyon masama?" nakataas kilay na tanong ng babae kay Annie.

"Baliw ba may sabi nyan? Sino may sabi nyan? Yung babaeng nerd ba na natamaan ng itlog? Damn her!" Sabi niya

Tsk.

"Alam mo bang may punishment ang mga estudyante na lumalabag sa school rules?" Tanong ng babae kay Annie

"Paki ko dyan? Magkano ba kailangan mong pera? Name your price at ibibigay ko din ngayon kapalit ng punishment na sinasabi mo" nakangisi nitong sabi na tila ba'y kakagat ang babae sa offer neto.

Ngumiti ng malapad ang babae kaya napangiti din ng malapad si Annie.

"Clean the CR and Cafeteria for 1 month" nakangiting sabi ng babae sa kanya, nawala naman ang malapad na ngiti ni Annie dahil sa punishment niya.

Napangisi ako.

"And sa inyo naman" sabi niya sa kasamahan ni Annie

"You're 1 week suspended"

"Sa lahat naman ng tao dito, may isang medical mission bukas, bilang punishment ninyo, kailangan niyong sumama bukas para tumulong. Kailangang 2:30 ng madaling araw ay nakaready na kayo, at isa-isa na namin kayong susunduin bukas ng madaling araw." Anunsyo ng babae.

"Ma'am, wala naman po kaming kasalanan?" Tanong ng isang estudyante

"Well, kung sana tinulungan nyo ang estudyante imbes na pagtawanan, hindi Sana aabot sa ganto, hindi na sana kayo mapapasama sa mapaparusahan" sabi ng babae at diniinan ang pagkakasabe ng 'mapaparusahan' at tumingin kina Annie.

"May question pa kayo?" Tanong ng babae. Walang nagsalita kaya naman pinaalis na neto ang mga tao. Umupo muna ako sa aking kinauupuan para mauna munang lumabas ang mga estudyante para hindi nila ako mahalata.

"Tawagin niyo si Alexandro, kailangan nang mamatay ng nerd na'yun!" Sabi ni Annie.

Sorry bitch! Mauuna ka!

"Siguradong nakaalis na yung babaeng yun kaya dapat bukas, abangan nyo sya sa gate at kunwari makipagbati at makipagkaibigan kayo sa kanya. Pagkatapos nun, Alam niyo na ang susunod, tulad ng ginawa natin kina Andrea at Bella" mahaba nitong sabi sa kanyang mga kaibigan

Duh! Sorry ka! Naririnig ko mga plano nyo. Tapos anong umuwi? Andito lang ako!

---

Pagsapit ng gabi ay umalis ako ng bahay at inabangan si Annie sa kanilang bahay. Sa pagkakaalam ko, mag-isa lang siyang nakatira sa malaking mansyon nila.

May naghatid sa kanya at medyo lasing din ito. Limang minuto ang lumipas bago niya buksan ang pinto ng kotse.

Nang binuksan niya ang pinto ng kwarto niya ay nakangiti ko siyang sinalubong.

"Hi Annie" bati ko sa kanya

"Lasing ka ba?" Parang tangang tanong ko sa kanya.

"What are you doing here? Paano ka nakapasok?" Parang hindi parin siya makapaniwalang andito ako ngayon sa harapan niya.

"Hmm. Kung hindi ka lang sana tanga para iwang bukas ang bintana ng kwarto mo, hindi ko sana naakyat" nakangiti kong wika at parang mas lalo siyang nagulat.

"You bitch! Kakasuhan kita ng trespassing!" Galit nitong wika

"Talaga ba? HAHAHA" sabi ko at bigla nalang siyang sinakal. I don't care kung masaktan siya o mamatay siya. Yun naman talaga pakay ko kung ba't ako andito.

"O-Ouch. You remove your kamay out of me!" nahihirapang sabi niya

"Tsk. Mamamatay ka na nga lang, Ang arte mo pa" nakangiti kong sabi.

"I'll kill you" sabi niya.

"Ahh talaga? Paano mo'ko mapapatay kung uunahan na kita? Ahh. Narinig ko pala yung usapan nyo ng mga alipin mo, nakita ko rin kung paano mo pinatay sina Andrea at Bea" sabi ko sa kanya

"Gusto mo i-kwento ko sa'yo?" Nakangisi kong sabi at mas lalo ko pang diniinan ang pagkakahawak sa kanyang leeg. Galit ako! Kailangan kong pakalawalan ang galit ko sa pamamagitan ng pagpatay sa kanya

"I'm sorry" sabi niya at tuluyan na siyang nalagutan ng hininga kung kaya't pinakawalan ko na siya dahilan ng pagbagsak ng katawan niya sa sahig.

Bumukas ang pinto ng kwarto niya.

"Who are you?" Taranta kong tanong sa kanya.

"Calista" mahina niyang bulong pero sapat na para marinig ko.

"W-Who are you?" Tanong ko ulit. Kinakabahan na ako.

"Don't worry. I'll help you. Go! Umalis ka na, I'll just clean your mess" sabi niya. Tinignan ko siya sa kanyang mata dahil yun lang ang nakikita kong parte ng kanyang mukha.

Umalis na ako, baka patayin niya ako tulad ng ginawa kong pagpatay kay Annie.

---

Hanggang sa pag-uwi ko ay bumabagabag parin sa akin yung lalaki. Napakagandang tignan ang kanyang mga mata, Kulay Pula.

Sino ba siya? Anong ginagawa niya sa mansion nina Annie? Boyfriend ni Annie? Pinsan? Kuya? Paano kapag isumbong niya ako sa mga Pulis? Paano kapag patayin niya rin ako tulad ng pagpatay ko kay Annie?

Dahil sa malalim kong pag iisip, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mr. Red Eye (On Going)Where stories live. Discover now