Chapter 6: Interview

412 9 0
                                    

Mariella

"Si BBM po"

Biglang may kung anong tumama sa dibdib ko nang marinig ang sinabi ng anak ko. Nilingon ko si Julianne para ipa-klaro ulit sa kanya kung tama ang pagkakarinig ko sa taong pumulot umano sa kwintas niya.

Muli akong napaupo kung saan ako pumwesto kanina at muling tinanong si Julianne.

"Anak, s-sino kamo ang nakapulot sa kwintas mo?"- tumingin siya sa akin at nagsalita.

"Si BBM po. Si Bongbong Marcos po. Siya po yung nakapulot sa kwintas kong nahulog. Buti na nga lang nakita niya. Naiiyak na kaya ako nun nung di ko makita yung kwintas ko."- tugon ni Julianne.

Dahan-dahan kong napasandal. Habang hindi inaalis ang tingin ko sa kanya.

"Talaga Ate? Nakita mo siya ng personal?!"- napalingon ako kay Karen at kita sa kanyang reaksyon ng pagkamangha.

"Oo at grabe ang tangkad tapos ang gwapo kahit matanda na. Haha! Si Ate mo Jelay nakakatawa eh. Sabi ba naman kung may isa pang BBM jojowain daw niya"- dinig kong sabi ni Julianne at nagtawanan sila ni Karen.

Nanatili akong tahimik habang pinakikinggan ang dalawa.

Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Sorry Ma. Hindi ko po pala nasabi sa inyo na doon po sa headquarters niya kami magpapasa ng mga papeles namin. Umaasa kaming apat na matatanggap kami. Malay niyo, makapasok kami sa Malacañang. Eh kung hindi naman, ayos lang. Kasi alam naman naming maraming mas magagaling sa amin"- sabi niya sa akin at tumayo siya mula sa kinauupuan niya.

Bumaba ang tingin ko sa mesa habang pilit na itinatatak ko sa isipan ko ang kuwento ng pagkikita nila ni Marcos.

Sigurado ako, na kilala ni Marcos ang kwintas ni Julianne. Alam kong magiging pamilyar sa kanya ang locket na iyon. Dahil ipinasadya niya iyon noon sa isang kaibigan sa ibang bansa.

Hindi ko lubos maisip, na mangyayari ang kinatatakutan ko.

Ang magkita silang dalawa!

"Grabe alam nyo bang sobrang kaba ko tapos nakakagulat kasi hindi ko inexpect na makikita ko siya ng harapan! Di nga ko makapagsalita kanina"- pagpapatuloy ni Julianne sa kuwento niya.

"Eh nandoon ba si Sandro Ate?"- pasimple akong tumingin kay Karen.

"Hmm di ko siya nakita eh... Parang wala siya doon"- tugon ni Julianne.

Hindi ko na magawang magsalita sa pinag-uusapan nila dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Ma? Okay ka lang? Ang tahimik mo"- napabalik ako sa huwisyo nang tapikin ni Karen ang kanang braso ko.

"Ahh... Ano... Kayo na muna ang bahala dito ha? Papasok lang ako sa kwarto. May aayusin lang ako"- at tumayo ako mula sa kinauupuan ko tsaka dumeretso sa kwarto.

Pagkasara ko sa pinto ay ni-lock ko iyon.

Dahan-dahang tumungo ako sa tokador kung nasaan nakalagay ng picture frame ng asawa kong si Ricardo.

Kinuha ko iyon at pinagmasdan.

"Mahal... Anong gagawin ko?"- umiinit ang gilid ng mga mata ko habang pinagmamasdan ang litrato ng namayapa kong asawa.

"Si Julianne... Nagkita sila ni Sir Bongbong! Anong gagawin ko?! Yung kwintas... Sigurado akong gagawa ng paraan ang taong iyon para alamin ang nangyari sa anak niya!"- nanginginig ang buong katawan ko at patuloy ako sa paghagulgol hanggang sa mayakap ko ang picture frame.

Ang matagal na lihim na itinatago naming mag-asawa...

Hindi ko kayang sabihin kay Julianne.

Ang totoo sa tunay niyang pagkatao.

The Descendant: Marcos FanfictionWhere stories live. Discover now