Kabanata IV

88 38 1
                                    

KINABUKASAN, malapit nang sumikat ang araw. Kulay asul at itim ang kalangitan, maririnig na rin sa labas ang tinig ng mga palakang tila'y naghahanda sa pagpatak ng ulan.

"May dadating na mga bihag mamaya."

Manghuhula ba siya o ano?

Napabalikwas na lang ako nang higa at tinapunan ng tingin si Mateo. Nakaupo na ito sa kaniyang higaan at kasalukuyang tinutupi ang kaniyang polo.

"Saan mo nakuha ang impormasyon na iyan?" tanong ko pa at tumayo na, pilit inaninag ang durungawan nang sa gayon ay masilayan ko nang maayos ang nangyayari sa labas ng gusali.

"Wala akong pinagkunan ng impormasyon, sadyang halata lang na may gagawin silang pagdaluhong sa karatig bayan sapagkat naghahanda na sila kaninang madaling araw pa."

Tumango na lang ako ng ilang beses at bumalik na sa aking pwesto. Hindi ako mapakali!

"Mateo?" pagtawag pansin ko sa kaniya sabay ngatngat ng aking kuko.

Umangat ang tingin nito sa akin at pinasadaan ng tingin ang aking kabuuan, "May ibig ka bang ipag uutos sa 'kin, Señorita?"

"Wala, ano kaya sa tingin mo ang gagawin nila sa 'tin kapag hindi na nila tayo kailangan? Batid kong may gagawin silang masama kapag naisipan na nilang lisanin ang lugar na ito," naguguluhan kong saad at napasabunot na lang sa aking buhok na pinusod.

Nakita ko pa sa aking bisyon na naglalakad ito pabalik-balik sa aking harapan na parang sinilaban ng maanghang na siling labuyo ang puwit. Nahihilo ako sa ginagawa niya.

"Ang kapalaran ng buhay natin ay nasa kanilang mga palmera, Señorita. Kung makakaalis pa tayo dito ng buhay o..." lumingon ito sa akin at pumikit na lang nang pilit. "Dito na tayo ililibing," dagdag pa nito.

Ang pangit kausap ng isang 'to, mamamatay ako lalo sa nerbyos.

LUMIPAS ang ilang araw na pananatili sa gusali ay hindi ko na mawari kong ano ang nangyayari sa labas. Wala akong balita sa aking ama at ang ginagawa lang namin ni Mateo parati dito sa loob ay ang magluto ng kamote at mais. Kudkod dito, kudkod doon.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa selda ng mga bagong bihag.

"Kuya Berto!"

Sumenyas na lang ako sa dalagita na 'wag itong maingay. Para akong uod na gumagapang sa lupa at pinuslit sa rehas ang dala kong pagkain na nakalagay pa sa bao. Habilin iyon ni Heneral Amasawa na ipuslit ang mga pagkain tuwing hating gabi dahil ang patakaran ni Koronel ay isang beses lamang sa isang araw pakainin ang mga bihag.

"Huwag kang maingay at baka marinig tayo ng mga sundalo. Ako ay nakatitiyak na mahimbing ang kanilang hipig subalit kailangan pa rin nating mag-ingat," saad ko pa gamit ang aking panlalaking boses at tinapik ang ulo nito.

Sa loob ng ilang linggo ay may dumatal na mga bihag. Kadalasan ay pawang mga kababaihan kaya't mas lalong nadagdagan ang aking pangamba na gawin din silang parausan ng mga Hapones.

Dito ko nakilala si Mercedes ang dalagitang 'di alintana ang hirap na iniinda sapagkat palagi itong nakangiti. Kasama niya ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Soledad. Napansin ko nitong mga nakaraang araw ay panay ang tingin nito sa 'kin.

"G-Ginoong Berto," napabalikwas na lang ako ng upo at napatingin kay Soledad.

"May sasabhihin ka ba, Señorita?"

Umiling lang ito at marahang napangiti. Mababakas sa kaniyang tindig na galing ito sa mayamang pamilya gayundin ang kaniyang nakababatang kapatid.

"Paano ka nakapuslit dito sa aming selda gayung isa ka ring bihag? Paumanhin at naitanong ko sa iyo ang ganitong katanunangan."

AishitemasuWhere stories live. Discover now