Chpater 4

24 1 0
                                    

GULF POV

"Ang tagal tagal mo buwiset!" Bungad ko kay mild na kakasakay palang sa kotse. Kanina pa pami naghihintay ni kuya ivan sa kanya dito sa lobby ng condo niya.

Ang galing diba? Ako pa nagsusundo sa kanya. Hayup ka Mild!

Pero okay lang naman sakin, high school besties kami nito. Halos siya na rin kasama ko ultimo kibot ko, galaw ko alam nito. In short, mas kilala niya pa ako kaysa sa kung gaano ko kakilala sarili ko.

"Pasensya kana ah! Ikaw lang naman 'tong text na text kagabi sakin ng alas dos ng madaling araw!!" Sagot nito.

"Hahahahahaha sorry ha?" Sabi ko.

Tinanong ko kasi siya kagabi kung ano desisyon niya if pupunta ba ako bukas sa party or hindi.

FLASHBACK

Nakahiga ako sa kama ko, kanina ko pa kasi iniisip kung dapat ba akong tumuloy o hindi. Mas nangangalap kasi sakin ang magpahinga nalang kaysa umalis.

"Ay nako! Tatawagan ko nalang si Mild" Sabi ko sa sarili ko.

Dinampot ko ang cellphone at agad kong dinail ang number ni mild.

3 ring na, usually 1 ring palang nasagot na 'to napatingin ako sa orasan nang makita kong 2:13 am na pala.

"ANO BA GULF NATUTULOG NA AKO!!!" Bungad nito. Agad kong nilayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil alam kong ito ang ibubungad niya.

"Yes or no?" Agad kong tanong.

"Yes" Sagot nito.

"Okay goodnight" Sabi ko.

"T-teka nga bakit ka ba nagtatanong ng yes or no at sa ganitong kasarapan pa ng tulog ko!!????" Galit niyang tanong.

"Yes or no kung tutuloy ako sa aya ni win" Sagot ko.

"Okay, sige na goodbye" Sabay baba nito ng call.

END OF FLASHBACK

Pupunta na nga lang ako. As if may choice din ako diba? Sinabi ko na din na susunduin ako nito.

Papunta kami ngayon sa photoshoot para sa isang clothing line ng isang company. Ilang oras lang naman iyon at iyon lang din naman ang schedule ko ngayon.

"Hi, welcome to SJ Company!" Bati saamin ng staff.

"Hi din po!" Bati ko.

Nagumpisa na ang photoshoot, easy peasy nalang sakin ang ganito kasi sanay naman na ako.

Smile doon, fierce dito. Sa totoo lang nakakapagpd ngumiti masakit sa panga.

"Mild, samahan moko bibili lang ako bagong top" Habang nagaayos ng mga gamit namin.

"Okay, saglit lang tayo kasi didiretcho ako sa hospital kailangan ako ng tita ko." Paalam niya sabay nakatingin sakin

Nag-thumbs up ako senyales na okay lang tutal damit lang naman din lang talaga bibilihin ko para sa kupal na party na yan.

Nagpunta lang kami sa Ayala Mall, agad din kaming dumiretcho sa isang brand chineck ko lang yung ibang style tapos binayaran ko na rin.

"Una na ako" Paalam ni Mild.

Naglalakad kami ako pababa sa parking nandun na kasi si kuya Ivan, si Mild ay palabas na sa mall sasakay kasi ito ng public transpo para makarating sa hospital.

Nang nasa parking na kami ay dumiretcho na kami sa bahay.

"Kuya Ivan bukas wag ko na ako ihatid" Paalam ko dito.

"Sige kapag kailangan mo ng driver itwxt mo lang ako" Paalala niya.

Medyo malayo layo pa kami kaya naisipan ko muna umidlip.

Di naglaon pagkarating sa bahay ay 'di na ko kumain kasi antok na antok na rin ako at bukas sigurado akong pupuyatin ako ni win, kahit magpumiglas pa ako na umuwi.

Hobby na ata ni win yun, kapag gusto mo na umuwi kasi pagod or na-buburyong kana hindi ka niya hahayaan. Ilang beses na niya ginawa sakin yan halos dungkulin ko na nga pagkatao nun eh.

Nagpalit ako into pajamas pinatay ang ilaw, tyaka natulog.

----
This is such a lame update lol

Bago Mahuli Ang LahatWhere stories live. Discover now