Chapter 11

26 1 0
                                    

Gulf's POV

Isang buwan na nanliligaw si Mew sa loob ng isang buwan na yon napakaraming masasayang nangyare, naroon na ang inaya ako nito mag-amusement park, mag-movie at mag-road trip.

Nandito kami ngayon sa condo ko wala kasi akong trabaho ngayon at si Mew naman ay nakaleave for 2 days dahil ang tatay miya daw muna ang mamamhala sa company nila.

Magkatabi kami sa sofa, nakahiga ako sa hita niya habang nanonood kami hinihilot hilot niya ang ulo ko at dahil doon nakakramdam ako ng antok.

"Are you sleepy kitten?" tanong nito.

"Yeah nakakaantok kasi paghilot mo eh" simangot ko sa kanya.

"Ang cute mo! Sige na tulog kana po kung inaantok ka"

Gusto ko pa sana manood talaga kaso antukin talaga ako kaya natulog nalang ako.

I opened my eyes and immediately paused the movie in front of me. Napansin ko ring wala na si mew sa upuan dahil ang nasa ulo ko ay unan na. Napasimangot ako kasi umalis ito kaya babalik nalang ako sa pagtulog.

Pabalik na ako sa tulog nang magkalansingan ang kutsara. Napabangon ako at tumingin sa likod ko agad kong nakita si Mew na nagluluto. Napangiti ako bago tumayo. I feel so special nilulutuan niya ako.

Grabe, the way he treat me sobrang natotouch ako.

"What are you cooking?" tanong ko. Nag-tiptoe ako sa likod niya para silipin ang niluluto niya. He looked at me and smiled. Hinugasan niya ang kamay niya tyaka humarap sakin.

"Can I?"

I smiled and nod to him. There, he snaked his arms around my waist before pulling me to give me a soft kiss sa nose. Napangiti ako sa ginawa niya.

Tuwing ginagawa niya yan mas lalo akong kumbinsido.

Hinayaan ko lang siya na i-kiss ako sa nose.
"Crispy Pork Basil, your fave. I also made strawberry shake for later. Kaso di ko pa nagagawa though"

"Can I help you?" tanong ko.

Hinila niya ako malapit sa may stove. Nakayakap parin siya sakin. Never wanting to let go.

And, I really hope we can stay like this forever.

Naamoy ko yung pabango niya. Sobrang manly talaga niya. Boyfriend Material talaga, pangiti naman ako na iniisip kong boyfriend ko siya. Hindi ko pa nga sinasagot.

"You really smells so good" sabi ko habang magkayakap parin kami.

Gusto ko na siya sagutin sa totoo lang, kaso sabi niya willing to wait siya no need to rush everything daw. Pero ako itong kating kati na.

"Mew?"

"Hmm?" habang patuloy na naghahalo ng niluluto niya.

Sasabihin kona ba?

"I love you!" sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya.

Napatigil siya sa pagluluto dahil sa sinabi ko. Ang usapan kasi namin yan ang sasabihin ko kapag gusto ko na siya maging boyfriend. Though lagi siya nag i-i love you sakin pero 'di ko sinasabi pabalik.

FLASHBACK

Magkausap kami via video call nasa thailand nanaman kasi siya dahil kasal ng tiyahin niya.

"How's my kitten's day?"

"Okay naman wala naman ginagawa" simangot ko.

Nagkwento siya about sa mga nangyare sa kanila sa Thailand.

"Nga pala kitten, I want you to know na kapag sasagutin mo ako just say the 3 words okay?"

"But im not in rush kitten. Sabi ko nga sayo diba? Im willing to wait kahit gaano pa katagal"

Natouch ako sa sinabi niya.

"Okay if you said so" ngiting sabi ko.

END OF FLASHBACK

"Really kitten?" tanong niya habang hinahaplos ang likod ko.

Tumango tango ako sa balikat niya. Naiiyak ako kasi feeling ang worth it ng pag-hihintay niya para sakin.

Hinila niya ako at hinawakan ang pisnge ko , "Why are you crying baby?" tanong niya.

"Nothing. Im just so happy na boyfriend na kita!!" sabi ko habang pinupunasan niya ang mga luhang pumapatak sa pisnge ko.

"I LOVE YOU SO FUCKING MUCH!!!!" Sigaw niya!!

Natuwa naman ako sa reaksyon niya.

"Stop!! Don't shout love." sabay hampas ko sa braso niya.

"WHAT DID YOU JUST SAY???!?!?!??!" Sigaw niya ulit.

"DID YOU JUST CALL ME LOVE???"

"Hmm. Yes Ayaw mo ba?" tanong ko.

"NOOOO! I freaking love it baby, lalo na kapag sayo galing"

"Baby kahit sinagot mo na ako, araw araw parin kitang liligawan dadalan ng bulaklak, tulad noong nililigawan palang kita" Sinsersong sabi niya.

Ganito pala feeling ng may boyfriend kana. Masaya sa feeling buti nalang pala nag-take ako ng risk.

Natapos na ang niluluto ni mew, naghanda na kami ng plato at kumain. Ang sarap talaga magluto ng boyfriend ko.

Tinuloy namin ang movie, nakahiga ulit ako sa lap niya habang siya ay minamasahe ang ulo ko.

"Are you still sleepy babe?"

"No, I want to finish the movie with you nakatulugan na nga kita kanina eh"

"Okay if that's my baby wants"

Natapos na ang movie at alas onse narin ng gabi. Hindi ko alam kung uuwi ba siya or hindi.

Pero sana hindi kasi gusto ko siya makatabi matulog. Habang iniisip kong uuwi siya 'di ko maiwasan ang sumimangot.

Nakita ko siya sa kwarto nagsasalamin at nag-aayos ng sarili mukang uuwi nga siya. Mas lalo akong nalungkot mag-isa nanaman ako sa condo. Im so attach to him na.

Paglabas niya ng kwarto napabugtong hininga ako tyaka tumayo para salubungin siya ng yakap.

"Im going home na po baby ko"

Hindi ako nagsalita at niyakap ko lang siya ng mahigpit. Unang araw as a boyfriend ang clingy ko na baka hiwalayan niya ako.

"Why is my baby sad? What happened?"

Napa-bitaw ako sa pagyayakapan namin, "Can you please sleep here tonight?"

Itrtry ko lang alam ko namang hindi 'to papayag pero malay mo magbago ihip ng hangin diba?

Napabuntong hininga siya nag-iisip bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya, "If hindi pwede it's fine."

"I'm sorry my love, but no po." mahinahon na sabi niya.

Niyakap ko nalang siya ulit. I knew it na hindi siya papayag. Kasi sabi niya noon kung magiging kami raw ay 1 month muna bago kami magtabi or matulog magkatabi.

Hindi ko rin alam bakit 1 month pa. Bakit may dahilan pa siya.

Naglalakad lang kami habang magyakap hinatid ko siya sa pinto, "Bye! I love you call me kapag nakauwi kana ah"

"Of course . i love you too!"

Sinara ko ang pinto pagkalabas niya. Napapaisip ako na sobrang clingy ko ba sa unang araw namin? Dapat bang dumistansya ako? Baka magsawa siya sakin.

Unang araw palang namin magjowa pero inaatake na agad ako ng insecurities ko. Ano bayan matutulog nalang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bago Mahuli Ang LahatWhere stories live. Discover now