Special Chapter #7

2.6K 74 31
                                    




Change is Inevitable.

Hindi mo pala talaga maiiwasan ang pagbabago. Pagbabago sa sarili, sa buhay, sa minamahal, sa mga kaibigan at sa kung ano-ano pa. Minsan malulungkot ka na lang kasi kahit masaya ka sa isang bagay kailangan may mag bago para mag-grow pa lalo ito, ikaw. Thinking about how i was 7 years ago when I was just planning for my college. Yung pagdating ni Karina. Ang daming nagbago sa buhay ko. May mga masasaya may mga hindi. Siguro, parte ito ng tinatawag na growing up.

Minsan nakakatakot na magbago yung isang bagay na nakasanayan mo na. Yung pamilyar ka na. Nakakatakot magbago yung isang bagay kasi everything kailangan mag-adjust. Ang hirap parang minsan gusto mo the situation remains the same o yung bagay o yung tao na yun remains the same. Pero wala ka namang magagawa kasi hindi mo kontrolado ang lahat.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Parang tanga lang na ginagawa kong malungkot ang sarili ko. Ganito lang lagi ang epekto ni Karina sa tuwing wala sya sa bahay at naiiwan akong mag-isa maghapong naghihintay sa kanya.

Siguro ganito lang talaga ako kasi hindi ko pa fully na-eembrace ang buhay dito sa America. Sa pilipinas kasi less lonely ka kahit na maiwan kang mag-isa sa bahay. Hindi ka makakaramdam ng gaanong lungkot kasi may mga kapitbahay kang chismosa, mga tambay sa kanto na maiingay at may kaibigang laging mapupuntahan.

Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako masaya rito sa America kasama si Karina. Siguro nakakaramdam lang talaga ako ng ganito kasi hindi ako sanay sa ganito.

Nakaka-miss lang yung kapag mag-isa ako sa bahay pupunta lang ako kila Gi tapos tatawagan namin si Ning at si Ryujin. Tapos maghapon na kaming magda-daldalan.

Miss ko na rin talaga ang mga bruhang yun. Kahit na may pagka-siraulo ang mga yun mahalaga sa'kin ang mga bruhildang yun.

Nakaka-miss lang ang maarteng pagsasalita lagi ni Gi tapos yung mga reklamo nya sa baranggay namin. Si Ningning din. Miss ko na yung pagmama-ganda nya lagi. Tsaka kashungahan ni Ryujin.

Mag-chikahan kaya kami ni Sungchan? Mabait naman yang neighbor ni Karina eh.

Ang buhay talaga parang life.

Umangat ang tingin ko sa wall clock na nasa itaas ng pinto. Maya-maya naman ay nandito na rin si Karina.

Naging permanent na kasi si Karina sa company nila. She's a woman in action daw. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi nya kay Tito nung minsang mag-dinner kami rito sa bahay.

"Inaalagaan ko sya Dad ng mabuti. And I don't want her to work, ayoko yung napapagod o nahihirapan sya." tinignan nya pa ako bago magpatuloy sa mga sinasabi nya. "If work lang ang pag-uusapan, I can do all that. Mas gusto ko pang makita sya dito sa loob ng house na naghihintay sa'kin na dumating ng bahay from work. And we'll hug each other everytime na bubuksan nya ang pinto para salubungin ako."

Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko sa may hagdan.

Agad na uminit ang mga pisngi ko habang sumasagi na naman sa isip ko ang bagay na yun.

Para na talaga kaming mag-asawa.

Kinikilig na naman tuloy ako.

Saglit na tinignan ko sa kusina yung maaga kong prinipare na hapunan para sa'ming dalawa. Iinitin ko nalang ulit to mamaya.

Nililinis ko lang ulit yung dining table ng marinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Karina sa labas ng bahay. Agad akong napangiti at patakbong pumunta ng pinto.

Pagkabukas ko nito ay nakita ko si Karina na madaling sinasara yung pinto ng kotse nya.

Mabilis syang nakarating sa harap ko at kaagad akong niyakap.

The Great Wall of KarinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon