Part 3

1.1K 46 0
                                    

Dean's POV

Dali daling bumaba si Jema ng sasakyan ko ng makarating kami sa kanila. Sinundan ko lang sya ng tingin..

Alam kong naiinis sya dahil ayaw kong sumama sa kanila..

Napabuntong hininga ako, pagkatapos bumaba na ako ng sasakyan..

"Awtts.." rinig kong daing ni Jema kaya mabilis akong napatingin sa kanya, nakita ko syang nakaupo sa lapag, dahil sa pag aalala ko agad akong lumapit sa kanya..

"Anong nangyare?" tanong ko sa kanya, umupo ako para mag pantay kami.. Nakatingin sya sa tuhod nya.. naka skirt kasi sya.

Nakita kong may sugat yung tuhod nya..

"Tsk! hindi kasi nag iingat!" kunot noong sermon ko sa kanya

"Ikaw kasi, nakakainis ka!" sabi nya naman, kinuha ko yung panyo ko at dahan dahan kong pinunasan yung sugat nya.. hinipan ko din yon para mabawasan yung hapdi..

Napatingin ako sa kanya, at nahuli ko syang nakatingin sakin..

"Gwapong gwapo ka na naman sakin.." asar ko sa kanya

"Kapal mo, naiinis ako sayo.." sabi nya sabay irap

hayy! mukhang hindi ako titigilan nito hangga't hindi ako pumapayag na samahan sya..

Inalalayan ko syang tumayo, nang makatayo na sya, nauna na syang maglakad sakin..

"Jema.." tawag ko sa kanya, kunot noo naman syang lumingon sakin, "Ok, sige, sasama na ako.." sabi ko sa kanya, dahan dahan naman syang napangiti at tumakbo palapit sakin at agad akong niyakap..

Napangiti din ako..

"Ayiiiee!!! the best ka talaga!!" sabi nya, pagkatapos tumingin sya sakin at pinisil yung pisngi ko

"Pumayag na nga ako, nananakit ka pa.." sabi ko habang nakanguso at nakahawak sa pisngi ko

"Ay sorry heheh kiss ko nalang.." sabi nya, pagkatapos hinalikan nya yung dalawang pisngi ko..

Natawa nalang ako dahil sa ginawa nya

"Oo na.. tara na at baka hinihintay na tayo nila Tita.. nagugutom na ako eh.." reklamo ko sa kanya..

Nang makapasok kami sa bahay nila, agad kaming sinalubong ni Tito Jesse

"Dean, naku! buti nalang at nakasama ka dito.." masayang sabi ni Tito Jesse

"Hi Tito, hinatid ko lang po si Jema.. sabi nya kasi dito na ko mag dinner kaya napapayag po ako.. hahaha!" sabi ko, natawa naman si Tito Jesse

"Wow ha! talagang pagkaen lang yung nakapagpapayag sayo na ihatid ako dito at ipinunta mo dito ha!" sabi ni Jema,

"Namiss ko yung luto ni Tita Fe.." sabi ko, inirapan nya lang ako bago sya umakyat sa kwarto nya

"Osya.. halika na, kakaen na tayo.." sabi ni Tito sakin, inakbayan nya ako at naglakad na kami papunta sa lamesa..

Nang makaupo ako sa upuan, napatingin ako sa ulam na nakahain.

"Wow.. mukhang masasarap to tita.." sabi ko sa mama ni jema

"Masarap talaga yan.." sabi ni Tita Fe habang nakangiti

Nagkwentuhan muna kami habang hinihintay si Jema na bumaba..

"Kuya Dean, hindi ka nagdala ng iced coffee.." sabi ni Mafe

"Aay oo nga pala, hayaan mo Mafe, papadala ko bukas sa ate mo.." sabi ko sa kanya, napangiti naman sya

"Talaga ha.." paninigurado nya, tumango naman ako

"Mafe, gabi na, iced coffee parin hanap mo..." sermon sa kanya ni Tito, natawa nalang ako..

Palagay ko, Mahal kita.. Where stories live. Discover now