Part 10

1.1K 42 0
                                    

Dean's POV

"Dean!!" sigaw ni Jema mula sa labas ng kwarto ko

Tok! Tok! Tok!

"Dean! open the door!" sigaw nya uli..

Mabilis akong nahiga sa kama ko at nagpanggap na tulog..

Maya maya, narinig ko yung pagbukas ng pinto ng kwarto ko..

"Thank you po tita.." rinig kong sabi ni Jema..

Tsk! binuksan na naman ni mom yung kwarto ko..

"Dean.. tulog ka pa? anong oras na oh.. 5:30 PM yumg laro ng creamline.. 4 PM na.." rinig kong sabi nya

Bahala ka dyan...

"Dean.." gising nya sakin

"Dean naman eh! malilate na tayo oh.." inis na sabi nya

"Dean! gising na.." yinugyog nya yung balikat ko, pero nagpanggap parin akong tulog..

Maya maya....









"DEAAAAANNNNN!!" sigaw nya sa may tenga ko, halos mabingi ako dahil sa ginawa nya kaya napabalikwas ako paupo, inis akong tumingin sa kanya..

"Aaaawwwww!! Jema ano ba..!" saway ko sa kanya

"Yan! nagising ka din, ang hirap talagang gising ng nagpapanggap eh noh?.. maligo ka na don! malilate na tayo.." utos nya sakin, wala naman akong magawa kundi ang sumunod..

"Oo na!" yamot na sabi ko, naglakad ako papasok sa CR..

Sinadya kong bagalan yung galaw ko habang naliligo..

Maya maya, kinatok na ako ni Jema

"Dean! ano ba? may itatagal ka pa ba dyan?!" tanong nya sakin

"tsk! Patapos na..." sagot ko

"Bilisan mo.." alam kong inis na sya dahil sa tono ng boses nya..

Nag bihis na ako, pagkatapos lumabas na ako ng CR, ang sama na ng tingin sakin ni Jema..

Nang makapag ready na ako, agad kaming umalis..

Ilang oras din nasa Araneta na kami..

Dahil late kami, pag dating namin doon, 2nd half na..

Lihim naman akong napangiti, sabay tingin kay Jema.. nakatingin sya sakin ng masama.. agad kong binawi yung ngiti ko..

"Ang saya mo ha..." inis na sabi nya, "Tingnan mo! hindi natin naabutan yung laro.." dagdag nya pa

"Jema, 2nd half palang oh.." sabi ko sa kanya

"Kahit na! hindi natin nasimulan! ang tagal mo kasi!" sermon nya sakin, napangiwi naman ako..

Naupo kami sa upuan, pagkatapos nanood na si Jema..

Napakamot ako sa ulo ko..

Hmmp! Eian na naman.. hay! Ma injury ka sana..

Maya maya may nag sigawan..

"Awwwwwww!!" sigawan ng mga nanonood..

"OMG!" rinig kong sabi ni Jema, napatingin ako sa court, hindi naman kasi ako nanonood.. .

Nakita kong nakahiga sa lapag si Eian..

Lols... buti nga..

halos buong 2nd half hindi pinalaro si Eian, kaya ang ending, malungkot itong katabi ko..

Lagot ako nito..

Pagkatapos ng game, nauunang maglakad si Jema..

"Jema.." tawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinapansin..

Palagay ko, Mahal kita.. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon