CHAPTER 13

28 3 0
                                    

ZUELIAH

Nang pumayag sila ay sobrang pasalamat ko.
Siguro ito na ang oras na maging payapa naman ang buhay ko,malayo sa lungsod.




Di pa naman ako nakakapunta sa Mindoro kaya inaaliw ko nalang ang mga mata ko sa mga ilaw ng kalsada.


Bumyahe na kami ngayon at andito sa pantalan upang sumakay ng barko papunta na sa kanila.
Nang nakasakay na kami ay umidlip muna ako dahil madaling araw na din at gusto ko na talagang makatulog.



"Zue,andito na tayo iha."
Di ko na malayang nakarating na pala kami kung hindi lang ako ginising ni Mama Rosa.
Tumango naman ako dito at pumanaog na sa barko at sumakay ng tricycle na kay Papa Gino.
"Isuot mo muna ito Zue at lumalamig na masyado."
Ibinigay naman sakin ni Mama Rosa ang jacket nito at saka ko naman ito kinuha.


Napatingin naman ako sa paligid at  ang daan ay may mga puno ng palm tree na naka tanim sa gilid.
Siguro ang ganda nito kapag umaga.

Huminto naman kami sa isang bahay na di gaanong kalaki pero ang ganda niyang tignan dahil sa ancient design nito na gustong gusto ko naman.
Ang bahay naman ay pinapalibutan ng mga puno.

"Halika na Iha wag kang mahiya samin ha,welcome na welcome ka dito."
Napangiti naman ako kay Mama at saka ito niyakap,at pati na rin si Papa Gino.

"Thank you talaga ng marami Mama Rosa at Papa Gino,sobrang saya ko."

"Oh siya,pumasok na tayo at may naghihintay pa sa atin sa loob."
Pumasok naman na kami sa bahay at mas namangha ako sa mga design sa loob,di na talaga ako aalis dito.
Sobrang saya ko!

"Mama Rosa ,Papa Gino sa wakas ay nakarating na kayo."
Napalingon naman ako sa nagsalita at tulala ko itong tinignan.
This can't be happen!
Kumurap muna ako saglit at inaaral ang mukha nito.
kahit nasa high school pa kami noong nawala siya ay agad ko itong nakilala,di ako nagkakamali.
Pero mas nangibabaw ang pagkasabik ko dito kaya nilapitan ko nalang ito bigla at niyakap.

"Ate Zein..."
umiiyak lang ako habang yakap yakap parin ito.
Hindi naman ito nagsalita pero hiyaan parin akong yakapin ito.
"Ate..."
Ilang minuto akong ganun at saka ito tinignan.

Nabigla naman ako dahil napahawak ito sa ulo niya at bigla nalang nawalan ng malay.

"ATE!! ATE ZEIN!"
Sigaw ko naman dito at dinaluhan kami ni Mama at Papa,
"Anong nangyayari Mama?"
Hinawakan lang ni Mama Rosa ang kamay ko at pilit akong pinapakalma,
Binuhat naman ni Papa Gino si Ate at dinala sa tricycle nito at pupunta sa malapit na hospital.

Dali dali din kaming sumakay ni Mama at hawak hawak ko lang ang kamay ng ate,

"Ate Zein,"
iyak parin ako ng iyak at pati na rin si Mama ay umiiyak na rin.
Nang pagkarating naming hospital ay dalidali naman siyang inilagay sa strecher.

Napaupo naman ako sa bench at dinaluhan ako ni Mama,si Papa naman ay andoon sa labas ng silid kong saan andoon si Ate.

"Alam mo Zue,noong unang kita ko sayo sa gilid ng kalsada habang humihingi ka ng tulong ay akala ko na ikaw si Liah."
"Pero nang natuklasan ko kanina ay magkamukha pala talaga kayo pero hindi ko naman alam na baka ikaw yung totoong pamilya niya."
Nagtataka naman akong napatingin dito.

"Hindi naman namin totoong anak si Liah,natagpuan lang namin siya sa sasakyan na naaksidente at humihingi ng tulong,mabuti at napadaan kami ni Gino at tinulungan si Liah,pero ang nakakalungkot dahil nawalan ito ng alaala,at ang tanging makakabalik lang nito ay ang isang mahalaga sa kanya."

"Siguro nahimatay si Ate dahil pamilyar ako sa kanya."
Umiiyak ko parin wika.
"Ang akala ko,...Di ko na makikita pa ang Ate.."

"Kaya nga din kami pumupunta ng Manila dahil nagbabakasakali kami ni Gino na mahanap ang totoong pamilya ni Liah,naaawa na kasi kami  ng Papa mo kay Liah dahil nabubuhay itong walang kaalam alam sa totoong pamilya nito."
"Minsan nga Zue pinipilit ng Ate mo na isipin at ibalik ang mga alaala,kaya imbes na makaalala ay sa hospital ang bagsak dahil di niya kinaya."


Habang iniisip kong ganyan ang sitwasyon ng ate ay mas lalo akong nahirapan,bilang kambal niya ay mahirap ding isipin na ganyan na pala ang sinapit ng ate.

"May possibilidad po bang bumalik na ang mga alaala ni Ate,.Mama Rosa."

"Sa nakikita ko ngayon Zue,,possibleng makaalala na siya,,magdasal lang tayo."
Ilang oras kaming naghihintay ng sa wakas ay lumabas na ang doctor at inanunsyo na okey lang ang ate at pwede na itong puntahan sa silid nito.
Sobrang pagpapasalamat ko dahil okey lang ang Ate.
Sana...Sana maalala na niya ako.



Pumasok naman kami sa silid at napalingon naman ito samin,
ngumiti muna siya kay Mama Rosa at Papa Gino,pero nung napabaling naman siya sakin ay biglang kumunot ang noo nito na para bang ayaw niya akong andito.

"IKAW!"
turo niya sakin at galit na tumingin.
"Umalis ka,,ayaw kitang makita!"








MARSHMALLOWBERRIES

Mr.Vocalist  ||  Shatterproof Series 2  [Completed]Where stories live. Discover now