04

56 6 0
                                    

                                 04


It was my 5th birthday when I heard my parents fight about something. Hindi ko akalain na dito pala magsisimula ang lahat ng problema namin.

“Happy Birthday, agápi mou” Bati sa akin ni daddy sabay halik sa pisngi. “Here’s my gift for you”

Agad kong binuksan ang regalo at napatalon sa tuwa. A doll house. Matagal ko na itong gustong ipabili. I immediately hugged and kissed dad.

“Thank you so much, dad. I’m the happiest” Masigla kong sabi.

“Anything for you my princess”

Naiwan ako mag isa sa living room dahil abala sila mommy sa pagluluto. Habang naglalaro ako, napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si mommy at sinundan ng mga basong nabasag. Dahan dahan akong natungo sa kusina para alamin kung ano ang nangyari.

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang mga salitang binitawan ni mommy.

NAGKABALIKAN NA PALA KAYO NI IMELDA! HOW DARE YOU!”

“You don’t have the right to talk to me like that, Imelda was my first love, may anak ako sa kanya, alam mo yon Amanda. Pinakasalan kita dahil sa parents mo then Janick came . Tandaan mo yan!” Walang prenong sabi ni Daddy.

I heard my mom crying. “Sila pa rin pala hanggang ngayon. So, you will choose them?”

“I will always choose them, Amanda

Nagising ako sa katotohanan ng bigla akong kinurot ni Novie. Sinamaan ko siya ng tingin at iniwan siya sa classroom.

“Ang lalim ng iniisip mo ah” Rinig kong sabi niya habang naglakad ng mabilis para masabayan ako.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ni Tita tungkol kay daddy. Hindi ko alam ko ano ang mararamdaman ko. Ang alam ko lang ngayon ay hindi ko pa siya kayang patawarin at ayoko ko munang makipagkita sa kanya. Mahirap pa rin tanggapin ang katotohanang mas pinili niya sila Ali.

“Okay ka lang ba talaga, Nick? Kanina ka pa talaga tulala girl, may lagnat ka ba?” Tanong niya sabay sinapo ang noo ko.

“Never felt better” Sagot ko at nagtungo sa booth namin para tumulong.

Abala na ang lahat dahil bukas na ang Acquaintance Party. They were all excited lalo si Novie, lagi niyang bukambibig ang acquaintance party. Siya na raw bahala sa hair and make- up ko bukas.

“Is there no class today?” Tanong ni Novie habang naglilinis sa harap ng booth namin. I nodded. “ Sayang, wala akong matututunan today” Dagdag pa niya at sumimangot.

“Ang feeling mo, hindi ka nga nakikinig sa discussion” Tumawa ako nga bahagya. She glared at me and showed her middle finger. “Puputulin ko yan”

“Nagbibilang ako Janick, iba iniisip mo”

“Nagbibilang? Iba pala ang pamamaraan mo sa pagbibilang.”

“I’m unique, you know” Pagmamayabang niya.

“Hi unique!” Saad ko at tumutulong na rin sa paglilinis.

Napatigil ako sa paglilinis ng bigla akong kausapin ni Sheila.

“Hi, good morning” Bati niya at Saka nilapag ang dala niyang box.

I smiled at her and greeted her as well.

“ Isa ka sa mga tutulong dito bukas ah, kaya kailangan maaga ka dumating bukas, okay?”

“Okay.”

Mapakla akong ngumiti at saka nagpatuloy sa paglilinis. Nakakainis! Balak ko pa naman sa after-party nalang ako pupunta. Nilapitan ko si Novie para makiusap na siya nalang ang tutulong bukas.

“Hi, gorgeous” Tawag ko sakanya.

Her brows furrowed. “ Anong kailangan mo?”

“Pwede ba ikaw nalang pumalit sa akin?” I pouted my lips. Cringe!

“Saan?”

“ I am of those assigned para tumulong sa booth bukas”

“Ayoko nga”Mabilis nitong sagot

“I will treat you kahit anong gusto mo”

“No.” Matigas niyang sabi. “Ayoko talaga, mababagot at mapapagod lang ako”

“K. Fine” 

I rolled my eyes at her at hinampas siya ng mahina.

“Hanggang anong oras ka tatambay dito?” Tanong ni Novie habang kinukuha ang order ko.

“Around 5pm”

Napagdesisyunan kong tumambay muna dito sa café. Mababagot lang ako sa bahay, baka bigla na naman dumating si Ali. He’s very persistent, and I hate that. I’ve known Ali for how many years, he’s a smart guy and genuine. But I hate him for being persistent, I know he's doing this for dad.

Nalaman ko rin na siya ang tagapagmana ng company ni Dad. And that’s okay. I am not after the company.  I don’t expect anything from dad.

“Here are your order boss madam”  I just stared at Novie habang nilalapag ang order ko. “Ganda ko ba, boss madam?”

“Oo naman, pero nagsisinungaling din ako minsan eh”

“Grabe ka sa akin boss madam. It runs in our blood kaya”

“Will you please stop calling me boss madam for Pete's sake”

She nodded. “Okay boss madam” Mabilis itong umalis bago ko pa siya hampasin.

I took a sip of my Frappe at saka itinuon ang tingin sa labas ng café. Minsan napapaisip ako, paano kaya kung hindi nag away sila mommy noon, are we still a happy family? Hindi ito ang pinangarap kong pamilya. Nangako ako sa sarili ko na kung magkakaroon ako ng pamilya, hinding hindi ko hahayaan na maranasan ng mga anak ko ang mga naranasan ko. Everyone deserves to have a happy and complete family.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makakita ng masayang pamilya na papasok sa café. I felt that before. Nawala ang ngiti ko ng makita sila Ali na papasok din sa Café. Kasama niya lahat ng tropa niya. To be honest, Symone is the most attractive, lahat sila pogi pero there’s something about Symone that you can’t help yourself in staring at him. Agad kong inalis ang mga tingin ko sa kanila.

Pag sinuswerte ka nga naman. Kung sino pa yung iniiwasan mo, sila pa ngayon yung andito. Makalipas ang limang minuto, hindi nila ako pinapansin. Aalis na sana ako kaso may inabot sa akin ang waitress.

“Here’s your Vanilla Bean Frappe.” Nakangiting sabi ng Waitress.

Tiningnan ko siya na may halong pagtataka. “ Last time I checked, hindi ako nag order niyan”

“Yes po, pinabibigay po ma’am”
Sa tingin ko, si Ali ang nagpapabigay nito.

“ Yung lalaki bang nakasuot ng White V-neck shirt ang nag utos sayo?”

Agad umiling siyang umiling. “ Hindi po ma’am. Enjoy your drink!” Wala akong nagawa kundi tanggapin ito.

I was about to go out ng nahagip ng mga mata ko si Symone, he stared at smiled a bit. Don’t tell me, siya yung nag order at yung nagpapabigay nito. What’s wrong with him. Mabilis akong naglakad palabas dahil hindi ko kinakaya yung titig at ngiti niya.
Wait, what? What’s wrong with me golly gosh.

Nang may nakita akong batang namamalimos , agad kong binigay sa kanya ang frappe. Binigay ko nalang kesa masayang. Hanggang nakauwi ako sa bahay, iniisip ko pa rin kung bakit niya ako binigyan. Baka pinagtritripan niya lang ako , ang tigas ng mukha mo.

“Ang lakas ng trip mo Symone” sambit ko

“Sino si Symone, Janick?”
Nagulat ako ng biglang nagsalita si Tita. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko si Tita.

“Po? Symone? Hindi ko po kilala”

“Bakit sabi mo ‘Ang lakas ng trip mo Symone’"

Napakamot ako sa ulo bago sagutin si Tita. “ Wala po akong sinabing ‘Symone’”

“Ah ganun ba, pasensya ka na tumatanda na yung tita mo”

I awkwardly smiled. “ Sige po, akyat muna ako kwarto ko”

Damn you Symone, kasalanan mo 'to!










----
I'm open to criticisms! Spread love and positivity<3 Ily mwa!!!



OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Onde as histórias ganham vida. Descobre agora