31

45 0 0
                                    

                                  31

                                

"Buti nalang napapayag ko si Alina" wika ni Novie.

"Thank you for coming Alina, despite your busy sched"

I smiled. "Yeah, bago ako bumalik sa states, I'll spend more time with you guys"

Binalingan ko si Zeus.

"Muntik na kita makilala kanina,"

"Why? Uh maybe it's been 7 years, maraming nagbago" aniya

"May girlfriend ka na siguro, pakilala mo naman kami" pang aasar ko sa kanya

Sa loob ng pitong taon, minsan lang kami mag usap ni Zeus. Wala masyado akong alam sa buhay ni Zeus. Baka kasal na nga ito o may anak na. Pero, ang laki ng utang ko kay Zeus. He's one of the people who comforted me.

He shook his head. "Wala akong girlfriend. How about you, may boyfriend ka ba?"

"Wala,"

"Walang nagtangka?"tanong ni Sheila.

"Meron, pero binasted agad ng gaga" sagot ni Novie.

I make face and rolled my eyes at her. Novie knows everything about me. Pati ang mga nangyari sa akin sa New York. Dinaig niya pa si mommy.

"Ireto mo naman kami sa mga kaibigan mo sa New York" natatawang sambit ni Miles.

"Sige ba, subukan ko"

Napuno ng tawanan ang table namin dahil sa mga baon nilang kwento. Ang tanging ginawa ko lang ay tumawa, makinig at sumagot sa mga tanong nila. Ang saya lang kahit hindi naman ako nagtagal sa University pero ang pakikitungo na sa akin ay ganoon pa rin.

Bandang 10pm ng mag- aya sila na mag club. Sumang-ayon ako sa plano nila dahil minsan lang naman ito. Nang makarating kami sa BGC, agad kaming pumasok sa isang sikat na club.

"Let's get wasted!" Sigaw ni Novie saka kumuha ng maiinom.

Umupo ako sa tabi ni Zeus na ngayon ay deritso ang tingin sa akin. He handed me a Mojito Drink. Konti lang ang iinumin ko ngayon dahil magmamaneho pa ako pauwi. I took some photos of us and posted them on my Instagram account.

"Are you staying here for good?" Zeus asked.

"Hindi eh, next month siguro babalik na ako"

He nodded and took a sip of his drink.

Natatawa akong nanood sa pinsan ko na nasa dancefloor. Ilang oras ang nakalipas, dumami na ang tao dito sa club. Kanina pa ako huminto sa pag iinom dahil konti nalang malasing na ako. Habang ang iba kong kasama ay nasa dancefloor.

"Let's dance, Alina"

Tumayo si Zeus saka naglabad ng kamay. Agad ko naman itong tinanggap. Iginiya niya ako papuntang dancefloor at sinabayan ang kanta.  This is life!

Nagulat ako ng biglang lumapit si Zeus sa akin at may ibinulong. We're too close that I can almost hear his heartbeat.

"Let's date," he said.

Hinampas ko siya ng mahina.
"You're drunk"

Natatawa akong nagpatuloy sa pagsasayaw. Medyo nahihilo na ako dahil sa alon ng mga tao. Napamura ako nang bigla akong higitin ni Novie. May sinabi siya sa akin pero hindi ko ito lubusan marinig dahil sa lakas ng music.

"What?!" I shouted.

"Symone is here!" She shouted.

Ngumuso ito para ituro kung nasan si Symone. There I saw Symone, holding a glass of champagne while intensely looking at me.

OVER THE MOON [CAMPUS SERIES #1] COMPLETED Where stories live. Discover now