PROLOGUE

190 14 6
                                    

(A/N):

So Let's start the story...

[Yuki's POV]

NAGISING ako sa tunog ng alarm clock ko, dahan-dahan kong iminulat ang kaliwang mata ko sunod ang kanang mata at kahit antok na antok pa ang pakiramdam ko ay bumangon na ako at pinatay ang alarm.

Matapos kong ayusin ang hinigaan ko ay tumuloy na ako sa banyo ng kwarto ko pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Nadatnan ko pang abala sa pagbabasa ng dyaryo habang sumisimsim ng kape ang Lolo ko.

"Magandang umaga Lolo!"bati ko ng makalapit ako sakanya sabay yakap at halik sa pisngi nito.

"Hohoho, magandang umaga din apo. Halika kana at samahan mo akong mag-agahan."sabi naman ng Lolo ko sabay halik sa pisngi ko.

"Sa school nalang ako kakain Lolo."nakangiting sagot ko bago lumapit sa Lola ko na abala sa pagluluto ng agahan.

"Magandang umaga Lola!"bati ko din sa Lola ko sabay yakap at halik sa pisngi nito.

"Magandang umaga din apo. Ikaw talagang bata ka masyado pong maaga para pumasok kaya kumain ka muna."umiiling-iling na tugon ni Lola sakin habang nagluluto.

"Parang hindi niya naman ako kilala Lola, alam niyo namin na nature kona talagang pumasok ng maaga."pagla-lambing ko kay Lola na nakayakap pa rin sakanya.

Maya-maya pa ay pinatay na nito ang apoy sa kalan bago ako tuluyang hinarap.

"Oh siya, sige na pumasok kana. Heto nga pala allowance mo na bigay namin ng Lolo mo."sabi nalang ni Lola sabay kuha ng sobre sa bulsa ng apron nito.

"Naku Lola, hindi na kailangan may allowance napo ako. Remember my graduation gift from Mommy and Daddy, they gave me a black credit card since I'm already in High School. Plus may extra money pa Lola, kaya itago niyo nalang po yan."iiling-iling na tanggi ko sa ibinibigay na allowance ng lola ko.

"Iba naman ito apo, galing ito samin ng Lolo mo. Huwag kang mag-alala apo, naka-budget na ang lahat pati na din ang allowance na ibibigay namin sayo, tanggapin muna."sagot naman ni Lola sabay lagay nong sobre sa kamay ko.

"Pero-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hawakan ni Lola ang dalawang kamay ko at pinagpatong sa sobre.

"Tanggapin muna Apo kung hindi, sige ka magtatampo kami ng Lolo mo."pananakot ni lola sakin sabay pisil sa kamay ko.

"Aww, your spoiling me Lola."biro ko.

"Hanggang kaya namin ibigay ng Lolo mo, ibibigay namin apo."dagdag pa ni Lola na nginitian ako.

"Ang swerte kopo talaga sa inyo ni Lolo."nakangiting sabi ko. "Mahal na mahal kopo kayo."dagdag kopa sabay yakap kay Lola ng mahigpit.

"Aysus, binula mopa ako. Sige na pumasok kana. Goodluck sa unang araw mo."sabi nalang ni Lola sakin.

Ngumuso naman ako, kunyari nagtatampo, "Hindi naman kita binubula Lola eh" pinalungkot kopa ang boses ko para lalong convincing.

"Teka, malungkot kaba apo?" napangiti ako sa tanong niya, agad ko namang inalis yong ngiti ko sabay tingin kay Lola, "Hindi kana kasi naniniwala sa sinasabi ko Lola." mas pinalungkot kopa ang boses ko.

"Apo naniniwala naman ako sa sinasabi mo, binibiro lang kita. Alam mo naman siguro na swerte rin kami ng Lolo mo kasi, ikaw ang Apo namin. Kaya wag kana malungkot."mahabang sabi ni Lola sakin habang hinihimas ang mukha ko.

"Totoo po?"tanong ko kunwari, hindi rin ako naniniwala sa sinabi nito.

"Oo naman apo, kasi mahal ka namin."sagot pa ni Lola sakin sabay ayos ng buhok ko.

TAMING THE SILENT ROOKIEWhere stories live. Discover now