CHAPTER FOUR

66 6 1
                                    


[YUKI'S POV]

MONDAY morning maaga na naman akong pumasok, dumaan muna na ako sa locker room ng mga first year department para ilagay ang binili kong training shoes at medyas ni Sakuragi. Mamaya ko nalang ibibigay after ng practice ng buong basketball team.

Pagkatapos ng huling klase namin para sa araw na iyon ay dumeretso na ako sa headquarters ng Shohoku.

"Mukhang ako nalang ang hinihintay."sabi ko sa isip ng makita kong medyo nakabukas na ang locker ni Ayako.

Habang naglalakad ako papunta sa gym para sa practice ng basketball team ay nagulat pa ako ng makakita ako nang tatlong estudyanteng babae na nagsitakbuhan galing sa direksyon ng gym.

Pagkapasok ko palang ay kitang-kita ko kung paanong hila-hilahin ni Sakuragi ang baba ni Lolo hindi pa ito nakuntento pinagdri-dribble pa nito ang tiyan nito.

"Tama na yan, Sakuragi!"pigil ko sakanya ng makalapit ako.

"Oh.. Ikaw pala Yuki! Kilala mo ba ang santa clause na ito? Hindi naman siya member pero pumasok siya." tanong ni Sakuragi.

Bago pa ako makasagot ay inumbagan na siya ni Captain Akagi sa ulo.

"Pacensiya napo kayo Coach Anzai. Kayo napo ang bahala sa kanyang magiging kaparusahan."hinging paumanhin ni Captain Akagi sabay yuko ng konti.

"Hohoho. It's okay.. Ayos lang naman ako.. Hindi niya lang kasi ako kilala."sabi ni Lolo.

Tumango naman si Captain Akagi. Napapailing naman ang ibang miyembro habang napa-facepalm naman ako.

"Siya ang Coach."nagtatakang sabi ni Sakuragi sabay himas sa ulong inumbagan ni Captain Akagi.

"Napakalaking eng-eng mo talaga.. Siya si Coach Anzai bihirang-bihira lang siya kung pumunta dito.. Player siya dati sa national team."natatawang sabi ni Ayako.

"Ano.. ang taong yon?"hindi makapaniwalang sabi ni Sakuragi.

"Syempre, hindi muna mahahalata kasi mataba na siya ngayon.. Pero ang balita ko dating terror ng gym yan.. Kinakatakutan nang mga estudyante.. Ang tawag nga sakanya ay white-haired demon."sabi ni Ayako.

"Ha.. ano?"gulat na tanong ni Sakuragi.

Napatingin naman ako sakanya nang parang ini-imagine nito na ang sinabi ni Ayako.. Napailang naman ako.. Hindi naman na ako nagulat sa sinabi ni Ayako dahil alam ko ang tungkol sa bagay na iyon.

"Parang nai-imagined ko na nga eh."sabi ni Sakuragi, natawa ako kasi tama nga ako.. na ini-imagined niya.

"Pero hindi na siya terror ngayon kaya ang palayaw niya ay white-haired buddha."dagdag ni Ayako.

Napatingin naman kami kay Lolo ng huminto sa paglalakad at lumingon samin.

"Oo nga pala.. Meron nga pala kayong isang practice game.. Doon sa Ryonan High School."sabi ni Lolo.

"Ha.. Sa Ryonan?"sabay-sabay na sabi nilang lahat maliban samin nina Ayako, Sakuragi, Rukawa at Captain Akagi na nagulat lang.

"Umabot sila sa semi-finals noong isang taon."gulat na sabi ni Kogure.

"Wow!"sabi naman ni Ayako.

"Talaga?"tanong ng ibang miyembro.

"Exciting!.. Ito ang unang laro na mapapanuod ko ang buong team."sabi ko naman.

"OKAY.. ASSEMBLE!"sigaw ni Captain Akagi.

"OPO!"sagot nilang lahat.

Humilira at nagsilapitan naman silang lahat bago umayos ng tayo.

TAMING THE SILENT ROOKIEWhere stories live. Discover now