CHAPTER 10

24 2 0
                                    

-medyo rawr🔞🔞

Charlotte POV

"HOY GIAN" kasalukuyan akong nasa isang restaurant kasama si gian. Hindi na ito dahil sa kaso na paiimbistegahan ko sa kanya. Ayoko na ungkatin pa yung kay tito ador dahil ako lang din naman napapasama. Di naman ako sobrang bobo.

Nakita ko ng tinataksil ako ng kaibigan ko na siyang rason bakit ko kinakalaban ang pamilya ko kaya naman para saan pa ang ginagawa ko?.. para pahirapan ang sarili ko??.

"Ano ba. Ang kulit mo. Ayoko nga" inis na sabi nito sabay subo

Patuloy ko siyang kinikita kasi kaibigan ko naman talaga si gian. Di yon magbabago. Kahit ano pa ang gawin ko. Kaya naman gusto ko mapanatili ang relasyon namin ngayon

"Para pupunta lang sa bahay ko. Napaka damot mo talaga pag dating sakin" kunwaring tampong sabi ko sabay subo ng marami na umukab na ang pisngi ko. Bigla naman siyang natawa sa naging reaction ko.

Sanay ako mag isip bata pag dating kay gian. Ganon din naman siya sakin. Ganon kami ka komportable sa isat isa.

"Baka kasi anong sabihin ng asawa mo.. ayoko. " pagmamatigas nito. Aishhhh

"Ang panget mo talaga. Sinasabi ko sayo mababaog ka. Matandang binatang toh" pang aasar ko. Agad na namula ang tenga nito. Tila ba nagpintig iyon sa narinig

"Anak ng--? Hoy ulitin mo nga ang sinabi mo"

"Matandang binata... nye nye nyeee"

"Aishhh bakit mo inulit" asar talo na sabi niya at natawa na lang ako. Ang immature namin sa ganitong style

Saka naman na ako nag seryoso

"Gusto ko ayusin ang relasyon naming mag asawa" biglang seryoso na ani ko. Sumeryoso naman din ito

"Gagamitin mo naman ako para pagselosin ang asawa mo?"

"Gaga hindi. Hindi yon magseselos sayo kasi wala rin naman yun nararamdaman sakin. Gusto lang kitang ipakilala. Baka kasi isiping lalaki kita maging rason niya pa para maghiwalag kami. Ayoko na ng ikasisira pa ng relasyon namin ngayon "sagot ko na siyang kinatawa nito.

"Lalaki mo naman talaga ako ahh" malokong ani nito sabay lip bite. Napataas naman ang labi ko sa kayabangan niya. Binato ko naman siya ng tissue

"Yuck" mas tumawa siya

"Pero sige na nga. Baka mamayang gabi free ako" sagot niya at napangiti naman ako

"Sabi mo yan haa"

----
Louis POV.

Hindi ko ma contact si Diane. Bakit ba siya biglang umalis? Bakit ba sanay na sanay siya sa ganong ugali niya. Bakit niya ako laging iniiwan. Bakit.

Kasalukuyan akong naglalango sa alak. Parang nauulit lang yung dati. Yung pinagkaiba lang wala ng  kuya ang dadamay sakin. At kasalanan ng babaeng yon bakit wala na siya. Kasalanan niya lahat. Kung bakit nagkakanda letse letse na sa buhay ko. Kasalanan ni Charlotte lahat

"Sir.. lasing na po kayo. Makakauwi papo ba kayo niyan?" Ani ng bartender. At namumungay ang mata kong tiningan siya pero muka ni Diane ang nakikita ko. Ohh damn.

"Hindi pako lasing. Mind your own business" ani ko saka muling lumagok ng alak.

Kung my isang bagay akong dapat gawin yun ay ang gawing miserable lalo ang buhay ni Charlotte. Ang gawing mas impyerno yon. Ang gawing mas maghirap siya. Putangina lahat na lang kasi kinaiinisan ko sa kanya.

"Hey boy" habang umiinom ako ay my isang babae na ang lumapit sakin. Napatingin naman ako sa kanya. Balingkinitan ang katawan niya at medyo may muka naman pero kung ikukumpara sa ganda sa naging babae ko sa buhay ay walang wala siya.

love After Hatred (love me mr. Louis)Where stories live. Discover now