prologue

5 1 0
                                    

I am looking at my current school. Hindi ganon kaluma ang paaralan at makikitaan ito ng ganda.

Kasalukuyan akong nasa Harpet academy. Bagong paaralan, bagong buhay.

Pero sino maniniwala? Sino nga bang niloloko ko?

"Class 4 section devil. Pinaka magulo sa lahat, kaya mo ba pumasok sa paaralang iyon?"

Tumatak saakin ang katagang sinabi nya. Class 4 section devil. Nasa harapan ako ng building nila, parang abandonado pero mukang bago pa.

Sa second floor daw nila ang room. Hindi ko maiwasang napailing, dito daw ako nababagay, dito ako nararapat.

Nakakatuwang isipin na ayoko na ng gulo, pero bakit sila ang kusang nalapit sakin?

"Miss, naliigaw ka ba?"

Isang matangkad na lalaki ang lumapit sa'kin. Nakabukas ang long sleeve nito at kita ang sando.

Kung ang natural na babae ay baka nahimatay na dahil sa itchura n'ya. Gwapo naman kaso 'di ko type.

"No, dito ang class 4 section devil 'di ba?"

Sumeryoso s'ya, mukang hindi maganda ang nasabi ko. Nilingon n'ya ang building bago lumingon saakin.

"Kung ako sa'yo, mas mabuti kung lumipat ka nalang kaisa pumasok d'yan." Tinalikuran n'ya ako.

Nag salubong ang kilay ko dahil sa rudeness n'ya. Kapal ng muka n'yang balaan ako tapos tatalikuran n'ya na parang walang nangyari.

Umakyat ako sa taas, saktong pag tapak ko sa second floor ay may nakasalubong akong tatlong kalalakihan.

Matatangkad ito at may nakakatakot na awra. Humarang sila sa harapan ko na ikinainis ko.

Laki laking nilalang haharang harang.

"Miss, kung isa ka sa babae ng 4-Devil mas maganda na kung umalis ka nalang. Hindi maganda kung tutuloy ka pa." Sabi ng isa.

Tinignan ko ang name plate n'ya. Charon ang nakasulat d'on, mukang pangalan n'ya.

"Do I look like a slut?" Hindi ko maiwasan mairita.

Ang aga aga ito ang bubungad sa'yo.

Tinignan nila ako mula ulo hanggang paa na mas ikina irita ko pa.

"Dammit! Umalis na nga lang kayo d'yan."

Sinubukan kong lumusot sakanila pero hindi nila ako hinayaan. Hinawakan ako ng isa at pabalyang ibinalik sa pwesto ko kanina.

Halos sumamba ako sa lahat ng santo dahil muntikan na ako nahulog sa hagdan, kung sakali ay baka basag ang bungo ko.

"Leave this place." Sabi nito.

Lumangitngit ang ngipin ko. Ayoko ng gulo sa unang araw pero mukang gulo ang may gusto sakin.

"How dare you. Who do you think you are?!"

Pinag iinit nila ang ulo ko.

"Miss... Zhi. Mas naganda pa kung aalis ka nalang at layuan ang 4-devil. mas magiging maganda pa ang buhay mo." Sabi ni Charon.

Tumawa ako ng walang ka humor-humor.

"Sana nga ay ganon lang kadali, but sadly..."

Itinaas ko ang ID ko. Nakasulat ron ang section ko. Mukang natigilan silang lahat at hindi agad nakagalaw.

Shock lang?

Kinuha ko yun pag kakataon na yon para makalampas sakanila. Hindi naman sila umangal pa kaya nakarating ako sa classroom ko.

Nag kakagulo sila sa loob, akala mo may party silang lahat at nag kakasiyahan. Kanya kanya sigawan at bagsakan ng gamit.

Sandali, Kasiyahan ba yun o gulo?

Tinted ang bintana, hindi ko nakikita anong nangyayari sa loob kaya napag desisyunan ko na buksan ang pinto.

Pero bago ko pa mabuksan 'yon ay kusa na itong bumukas.

"Gago, may tao!"

"Hoy, may babae!"

"Yung bola!"

Isang baseball ball ang lumilipad patungo sakin, hindi ako nakagalaw, miski pag kurap ay hindi ko nagawa.

Dammit!

Ilang metro nalang ang layo non saakin ng may isang tao ang humarang non at hinampas ng baseball bat.

Isang pag basag ng salamin ang nakapag patahimik sa lahat. Maya maya ay nag kanya kanya sila mura na hindi ko pinag tuunan ng pansin.

Nakatingin lang ako sa lalaking ito na nakatitig lang din saakin. Bumagsak sa sahig ang hawak n'yang bat.

"Miss, are you alright?" Mahina ngunit malamig nitong sabi.

Hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang muka n'ya hanggang makarating yon sa name plate n'ya.

Acheron. Yun ang pangalan nya.

"Yeah, I'm fine." Get yourself together, Zhi.

"Miss, may boyfriend kaba dito?"

"Bakit may babae?"

"Anong kailngan n'yan?"

"Eligor, babae mo ba 'yan?"

"Gago!"

Hindi ko sila pinag tuunan ng pansin. Napa buntong hininga ako bago pumasok.

Pipigilan pa sana nila ako ngunit naka pasok nako. Magulo ang buong lugar, akala mo dinaanan ng gera dahil bagsak lahat ng upuan at puro kalat.

Napahilot ako sa sintido ko, hindi ko akalain na ito ang sasalubong saakin pag pasok ko. Una: isang rude na lalaki, panglawa: yung tatlong pinag kamalan pakong babae tapos muntikan pakong mamatay sa bola.

S'werte ko naman.

"Miss, bawal kasi ang babae dito." Lumapit sakin ang isa, pinapaalis ako. Sapakin ko to.

Bumuntong hininga ako't hinubad ang Id ko bago ibigay sakanila.

Pinag kaguluhan nila yon habang ako ay nasa gilid lang. Pinag mamasdan sila hanggang mapunta kay Acheron ang paningin ko.

Nakatitig lang din ito saakin.

"Totoo pala yung sinabi ng admin." Gello

"Gago, may babae nanaman?" Dagon

Napairap ako, hindi ko naman balak mag tagal rito lalo na at ganito kagulo ang lugar na to.

Mag papa lipat nalang ako ng section or aalis sa paaralang ito.

"Zhi, right?" Tumango ako. "Sigurado ka ba na dito ka inilagay? Wala ng babae ang napupunta sa section na to." His name is Apollo. Muka naman s'yang mabait.

Kinuha ko sakanya ang Id ko. Hindi pa rin sila makapaniwala na andito ako at magiging kaklase nya.

"This is all boys section. Wala pang babae ang tumatagal dito."

I sigh. Miski ako ay ayoko rito, hindi rin ako mapapanatag kung puro lalaki ang kasama ko at mukang isa pang takaw gulo.

Sana ibinalik nalang nila ako sa states.

"Then I'll be the first girl who will be last in this section." Napangisi ako. Wala akong balak na tumagal dito.

I am Zhiara Zacharie Cleveland for pete's sake.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Class 4 Section Devil: The DestroyerWhere stories live. Discover now