CHAPTER 3

292 95 6
                                    

"Sino ka?" tanong ko habang nakatingin sa lalaking nakatayo at nakatalikod sa akin. Hindi siya lumingon kaya naglakad naman ako palapit sa kaniya.

Madilim ang paligid, tanging ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag.

Ngunit napatigil ako sa paghakbang at tiningnan ang paligid.

"Nasaan ako?" mahinang tanong ko sa sarili.

Tanging malawak at madilim na lugar na may ilang puno at mga bulaklak ang nakapalibot sa akin, I mean sa amin.

Muli akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko ngunit wala na ito doon kaya napalingon ako sa likuran.

Nakita ko siyang naka-side view sa gawi ko, naaninag ko pa na nag curve ang bibig niya para bang ngumiti siya kasunod ang biglang pagbukas ng mga mata ko at ang pagtitig ko sa kesame ng kwarto.

Na nanaginip na naman ako. Ilang gabe na ako na nanaginip na palaging nasa lugar na may mga puno, may nakikitang anino, at may nakikitang lalaking hindi ko naman nakikita ang muka.

Yun lang naman ang palaging napapanaginipan ko, maging ang mga nararamdaman kong kakaiba sa paligid lalo na pag mag-isa lang ako sa loob ng ilang araw na palaging ganon.

Bumalik ako pagtulog nang makitang 1:30am palang, halos two hours palang ang tulog ko.

Naging maganda naman ang gising ko kinaumagahan, naging maganda na kasi ang tulog ko.

"Good morning, 'La." Agad na bati ko kay Lola ng makita ko siyang nag pre prepare ng breakfast.

"Good morning, apo. Mukang maganda ang gising natin ah." Nakangiti niyang sabi habang inilalagay sa mangkok ang ulam na kaniyang niluto.

"Maayos kasi naging tulog ko." Nakangiti kong sabi at nagsimulang tumulong sa kaniya.

Maayos naman talaga naging tulog ko ng bumalik ako sa pagtulog. Hindi na ako nanaginip ng ganon after. Parang once lang siya nangyayari. If managinip ako ng ganon then nagising sa kalagitnaan ng gabe, kapag muli akong matulog, hindi na ako nananaginip ulit ng ganon, hindi ko nga alam kung na nanaginip ba ako kasunod non. Yun lang ang tanging panaginip na naaalala ko pag gumigising ako, at parang aware rin ako na nananaginip ako ng ganon. Ewan, hindi ko maintindihan.

"Mag dedeliver nga pala ngayon ng mga baboy at bukas naman e dedeliver ang karne ng baka na gagamitin natin para sa fiesta." Sabi ni Lolo habang nasa kalagit-naan kami ng agahan.

"Mamalengke at mag go'groceries naman kami ni Arley bukas." Sabi naman ni Lola.

"Sige, ipapasama ko nalang sa inyo si Nanding para may taga buhat ng mga pinamili niyo. Hindi naman kasi pwede na wala ako dito sa bahay bukas." Ani naman ni Lolo.

"Apat na araw nalang pala fiesta na." Bulong ko naman at sumubo ng pagkain.

Two weeks na pala ako dito. Halos hindi ko namalayan dahil sa mga nangyari at nangyayari sakin.

Ilang araw at ilang gabe na ba ako na nanaginip at nakakaramdan ng ganito? Hindi ko na alam. Hindi ko mabilang. Basta ang alam ko, naging maayos lang ang pagkiramdam ko dito nong bago at ilang araw palang akong nakatira. Basta bigla nalang ako nakaramdam ng mga weird na bagay lalo dahil sa mga panaginip ko.

Buong araw ay nasa bahay lang kaming lahat. Hindi umalis si Lolo at Lola dahil wala namang trabaho ngayon. Nag linis rin kami ni Lola, syempre tinulungan ko siya. Si Lolo naman ay may inayos sa sasakyan niya, katulong niya syempre si Tiyo Nanding na palagi niyang inaasahan sa mga trabaho habang hinihintay nila ang pagdating ng mga baboy na inorder nila para sa fiesta.

Nang hapon naman ay nasa hardin kami ni Lola, para ayusin at linisin ang hardin niya. Katulong namin si Tiya Tesie ang asawa ni Tiyo Nanding.

Masaya palang magtanggal ng damo at magtanim ng bagong halaman. Hindi ko naman ginagawa ito sa Manila, wala naman kaming hardin doon. Lahat ng halaman ni Mama ay naka flowerpot. Dito naman ay nasa lupa at ginawang landscape ang iba.

UNKNOWN ADMIRER (COMPLETED)Where stories live. Discover now