Eowyn IV

43 2 0
                                    

Sana'y habang buhay na lamang siyang paslit. Iyon ang hiling na aking paulit-ulit na ibinubulong sa tuwing tinitignan ko ang maliit na mukha ng aming paslit.

Kung maaari lamang na hindi na kami tumanda ni Gustave, at kung maaari lamang na huminto ang oras, hindi ako magdadalawang isip na ito'y paunlakan sapagkat wala na akong ninanais pa sa mundong ito kun'di ang ikalinga at alagaan habang buhay ang anak ko.

"Nana, tagal tagal pa Ama po?" ang malamyos at napakaliit niyang tinig ay araw-araw na musika sa aking pandinig.

Nakakulong siya sa kanyang kuna at hindi ko na namalayan na nakatayo na pala siya doon at marahil ay nagsawa na sa kanyang mga laruan. Habang ako'y nakaupo sa silya at abala sa pagbuburda ng bagong gawa kong kasuotan para sa kanya.

"Hindi ko alam, mahal ko. Hindi ba't nagpaalam naman siya sa iyo na mahuhuli siyang umuwi?" malambing kong sabi at ibinaba muna ang pinagkaabalahan upang siya'y lapitan.

Malawak ang kuna ni Eveanna kaya malaya siya sa kahit anong gawin niya sa loob. At kahit tatlong taon na siya'y hindi siya masisikipan dito, kahit maglimang taon pa siya'y walang problema. Nakahawak ang maliliit niyang kamay sa barikada at kahit lumaki na siya'y hindi pa din sapat ang kanyang taas upang makababa dito mag-isa.

"Peyo sabi, punta Eve ate Pinshesa po. Punta tayo po, Nana." nakakagigil siyang kumurap kurap, kay sarap panggigilan sa lahat ng oras.

"Ngunit gabi na, anak. Baka nagpapahinga na ang iyong ate." malumanay kong wika at hinaplos ang kanyang malambot na mukha.

Hinagod ko din ang kanyang buhok na wala na sa ayos dahil sa ginawang paggulong gulong sa loob ng kanyang kuna. Nagkalat ang kanyang mga laruan, ang mga unan ay napunta na kung saan saan. Napakalikot ng paslit na ito.

"Ang kalat mo, anak. Doon ka muna sa kama at aayusin ko ang iyong kuna." nakangiti kong pinulot ang mga laruan na naaabot ko sa loob.

"Ayos ko lawuan ko po. Tapos punta na ate po." pakiusap niya, ngumunguso at puso ko'y napuntirya sapagkat sadyang kaakit akit siya.

"Ang kulit kulit ng paslit." gigil na ako sa kanya subalit hindi ko siya nasasaktan nang pisilin ko ang kanyang mga pisngi.

Humagikgik siya at nagtatalon nang matanaw na kukunin ko na siya sa loob. Natawa ako at lalo siyang humagikgik nang maangat ko siya at pabirong hinagis sa ere.

"Nana!" palahaw niya at tuwang tuwa sa aking ginawa.

Lalo akong natuwa sa kanya kaya niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit at pinugpog ng halik habang bumabalik ako sa kama.

"Ihahagis ko na si Eveanna." kunwari ko siyang binubuwelo upang ihagis.

"Nana! Ayaw po!" malakas niyang hagikhik at todo ang kapit sa aking leeg.

Sa huli, binagsak ko ang sarili sa kama at nasa ibabaw ko siya nang mangyari iyon. Tawa ako ng tawa sapagkat nakakahawa ang kanyang mumunting bungisngis at kung paano niya ikapit ang kanyang mga braso at binti sa aking katawan.

Humangos ako nang mahimasmasan sa pagtawa at pakikipaglaro sa anak. Sinilip ko ang kanyang mukha na nakasubsob sa aking leeg. Hinalikan ko ang kanyang ulo at hinagod ang kanyang likod.

"Inaantok ka na?"

Sa tanong ko'y bigla siyang tumingala, namimilog ang mga mapungay na mata at maliit na nguso. Saka siya umiling-iling at naupo sa aking tiyan, rason upang mahina akong dumaing sapagkat mabigat ang kanyang timbang. Subalit ayos lang para sa akin at hindi pinakita sa kanya na nahihirapan ako na pasanin siya sa ganitong posisyon. Hindi katulad ng kanyang Ama na maigting ang pangangatawan at kaya niyang ipahiga si Eve sa kanyang tiyan kahit magdamag.

EowynWhere stories live. Discover now