Talata isa

0 0 0
                                    

Maria PoV

Isang put tatlong taon na ang naka lipas nung kinuha ako ng mga lalaking sumalakay sa bahay ni lola Lita ang isang put tatlo na taon na din na di ko nakikita ang kapatid kong si Val, at ngayung dalawang put apat na ako, at si Val naman ay dalawang put isa.

Di man lang ako naka punta sa mga kaarawan ni Val at si lola di ko alam kung mag kasama paba sila o si Val nalang.

Ito yung lagi kong iniisip ngayun ay nasa mundo ako ng mga engkanto at isa akong Prensisa ng mga pangalawang angkan ng engkantong musika at bali ako na ang susunod na reyna ng kaharian ng engkantong musika.

At nalaman kong hindi lang pala iisa ang angkan ng engkantong musika kundi marami din pala kung sa mundo ng mga tao ay may mga kamag anak sila ng mama ko pero di ko sila tinuring ganun dahil di sila tao.

Ngayun ay nandito ako sa aking silid nag kukulong nanaman dahil ayaw kong makita ang pag mumukha ng reyna na kapatid ni mama di naman ako galit sa reyna pero may unting inis lang ganun, si mama sana ang reyna ngayun pero sa dahilang nag pakasal si mama sa ibang angkan ng engkanto kaya itinakwil sila.

Dahil merong sinosunod ang bawat angkan na palatuntunin na dapat ang isang angkan ay maari lamang mag pakasal sa parehong angkan pero sinuway ito nila mama at papa kaya sila ay parehong itinakwil ng parehong angkan.

Tuwing hapun ay dapat nag aaral ako ng mga tungkulin ng isang reyna pero lagi ko itong iniiwasan at nag tatago minsan at sinasadyang hinahayaan, kaya ang reyna ay minsan di nalang ako pinipilit at minsan naaawa na din ako sa kapatid ni mama na si Reyna Harmony ang nag iisang kapatid ni mama na lagi nalang ako umiiwas sa mga gawain na dapat kong ginagawa, di naman sila mag kaaway ni mama nag hinayang nga din siya nung itinakwil sila ng kanilang magulang wala ding magawa si Reyna Harmony dahil baka pati siya madamay.

Nag pasiya akong libangin nalang ang aking sarili sa pag togtug ng piano, habang nag pya-piano ako ay ipinikit ko ang aking mga mata at iniisip sila Val at Lola Lita na subra ang pangungulila ko sakanila, at habang tumatagal ay di ko namalayan na lumuluha na pala ako at di ko itinigil ang pag tugtog ng piano hanggang sa hindi ko matapos itong ginawa ko para sakanila, iniisip ang masasayang pangyayari na kasama ko silang dalawa.

At maya-maya ay napa hinto ako sa pag pya-piano at minulat ko ang mga mata ko dahil sa katok sa pintuan ko
"mahal na Prensisa, pinapatawag ka po ng mahal na reyna." sabi ng isang alalay ko "sege po," yan lang ang nasabi ko at pinahid ko ang mga luha ko at inayos ang aking sarili at lumabas ng kwarto.

Nag lalakad kami ni Chin papuntansa reyna, si Chin pala ang lagi kong kasama na alalay ko at mas matanda lang ako sakanya ng dalawang taon, habang nag lalakad kame papunta kay Reyna Harmony ay  meron itong kausap na isang binata, papalapit na kami ni Chin ng biglang tumigil sa pag sasalita si Reyna Harmony at tumingin silang dalawa sa akin "o Maria nandito kana pala," naka ngiting sabi ni Reyna Harmony.

Yumuko ako bilang galang sa Reyna "sabi po kasi ni Chin ay pinapatawag niyo po ako." sabi ko habang naka yuko ang ulo ko "ah oo nga pala Maria ito nga pala si Prensipe Fransisco Gulian, isang engkantong musika din siya na kagaya sa atin," pag papakilala ni Reyna Harmony kay Fransisco sa akin na ika tatlong angkan ng engkantong musika, inahon ko ang akin ulo at yumuko kay Fransisco at ganun din ang ginawa niya "magandang hapun Prensisa Maria." naka ngiting sabi nito "magandang hapun din sa iyo." tipid na sagot ko, at inahon ko ang aking ulo at mag sasalita pa sana ako ng biglang may sumingit ng boses sa aming likuran.

"pasensiya na at kame ay na huli Reyna Harmony!" sigaw ng isang tumatakbong lalaki at napa lingon kami sakanya at meron itong kasamang dalawang lalaki sa likod na medjo mag kamukha.

The Power of Music (on going)Where stories live. Discover now