• CHAPTER 2 •

3 1 0
                                    


• CHAPTER 2 •

Caught you...



Itinaas ko ang suot kong butterfly sunglasses at naglakad lakad dito sa loob ng mall. I need to chill. Ayokong mawala ang poise ko dahil lang sa may mga taong pinapainit ang ulo at pinapakulo ang dugo ko. They don't deserve the Queen's attention. Ano sila, swerte?

I laughed in my head. Hindi pala. Malas sila kapag nakuha nila ang atensyon ko.

Nakita ko ang isang boutique at nakuha ng isang naka-display na damit dito ang taste ko. I immediately made my way to that boutique to buy that dress. For sure, Aira will be pretty jealous if she see me walking off wearing that dress. I smirked at my thought.

"Bibili po kayo, Ma'am?" Sinalubong ako ng sales lady. Tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niya.

"What else should I be here? To eat? Of course to buy a dress!"

Napipi ang kausap ko at sinundan ako. Itinuro ko ang dress na nagustuhan ko at nagpakuha ng size ko.

Isinukat ko ito at napangiti ako ng makita kong bagay sa akin. Actually, lahat naman ng damit bagay sa akin. I'm a Queen that's why.

Binayaran ko kaagad sa counter ang binili ko at palabas na ako nang marinig kong bumulong ang sales lady ng "Maldita." Tumikwas ang kilay ko at nilingon siya.

"Maldita? At least I'm beautiful. E ikaw?" Umiwas siya ng tingin. Bitch! Akala ko sasagot pa pero yumuko na lang ito kaya lumabas na ako. Damn, nakakaasar ang mga ganoong tao! Argh!

Since nabwisit lang ako, I need to cool down. Pumunta ako sa DairyQueen to have an ice cream.

"Blizzard for Ms. C."

Kinuha ko ang order ko at umupo. Nilabas ko ang iPhone 13 ko at binuksan nang sabay-sabay ang Twitter, Facebook, and IG.

Napataas ang kilay ko nang makitang laman ako ng balita. The news saying that I hit Fiona the Gorilla and Babaela. Halatang edited ang picture dahil puno ng kalmot ang dalawa.

Sure I kicked and grabbed Gorilla's hair, but damn, hindi ko siya binugbog. Hindi pa!

I gritted my teeth. Talagang magpapakalat na lang ng balita, mali pa?

May message na dumating at pagkabukas ko noon ay si Aira ang nag-send. She's asking if I'm alright. Anong tingin niya sa akin, weakling! Psh!

Gigil na gigil na nag-type ako ng message. For sure, nakarating na naman ito kay Mom. That fúcking retarded Shrek and Gorilla!

"Miss, are you okay?" inangat ko ang tingin ko at may isang lalaking mukhang snatcher ang nasa harap ko. Napataas kilay ako. I'm sorry for judging him but he really looks like one. Duh.

"Of course I am!" I snapped and rolled my eyes.

"Ah, I thought you're not. Pwede bang makuha ang number mo?"

"One."

"I mean your phone number." Nagkamot ito ng ulo at lalo akong nainis sa pagtagal niya sa harap ko. Hindi ako pumapatol sa pangit. Like eww.

"Bakit wala ka bang sariling number kaya kinukuha mo ang number ko?"

"Eto na lang, Are you free tonight?"

"I'm priceless."

"C'mon, pa-hard to get ka pa, Miss. You wanna have some fun, right?"

Tumayo ako ay binuhos sa mukha niya ang tubig na nakalagay sa mesa ko. Everyone from DairyQueen gasped when they saw what I did to this frog.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Heartbreaker's Game (FSH #5) Where stories live. Discover now