kabanata 37

1.4K 64 12
                                    

IRIS'S POV:

Andito na kami sa byahe ngayon at nagda-drive si Cali. Tinanong ko pa sya kung kaya nyang mag-drive ng 8 hours dahil mahaba-haba ang byahe namin. Basic lang naman daw. Napaka-yabang.

Andito na kami ngayon sa NLEX ata matataw ang papalubog na araw rito dahil 6:00pm palang naman kaya kinuha ko ang camera ko para kumuha ng picture.

Nabigla naman ako kaya nabitawan ko ang camera ko dahil sa biglang pag-preno ni Cali. Dinampot ko agad ng camera ko at nadismaya nang makitang nabasag ang lens. Tinignan ko pa kung malinaw pa dahil isang guhit lang naman ang basag. Nang tignan ko ay kalat kalat na ang ink sa loob ng screen ko. Naiintindihan ko naman na nasira na sya agad dahil 5 year's na 'to sa'kin pero nakakalungkot lang dahil wala pa 'kong ipam-papalit. Ayaw kong humingi ng pambili kila Mommy dahil lang may 'wants' ako.

"What happen?" Tanong ni Cali.

Umiling nalang ako dahil nalungkot na talaga 'ko bigla. Hindi ko naman in-expect na masisira 'to ngayon. Though may memory card naman akong gamit kaya hindi mawawala yung mga pictures.

Naramdaman kong dinahan-dahan ni Cali ang pag-mamaneho habang inaabot ng kanang kamay nya ang camera ko at tinignan ito.

"Matagal na rin kasi yan kaya mabilis nang nasira." Tumango naman sya at binalik sa'kin ang camera.

"I'm sorry.." sambit nya.

"Hindi mo kasalanan! 5 year's na 'yan eh." Sagot ko naman at bahagyang natawa dahil parang na-guilty sya.

"You're a sentimental person. Aren't you?" Tanong nya pa at saglit na lumingon sa'kin.

"Iningatan ko lang. Hindi ko naman kasi pera ang mga pinambibili ng mga gan'tong gamit ko eh." Sambit ko habang tinatago ang camera.

Tumango-tango sya ulit at tinuon na sa pagda-drive ang atensyon.

"Can I connect?" Tanong ko habang tinuturo ko ang connection ng phone dahil gusto kong magpa-tugtog.

Agad nyang kinuha ang wire saka inabot sa'kin kaya nag-connect ako agad at may kung ano pa syang pinindot sa harapan namin.

Nag-simula naman na 'kong pumindot sa phone ko para magpa-tugtog. "What wong do you want?" Tanong ko sa kanya.

"Anything you want." Sagot nya naman. Ano kaya yun? Masusuntok ko sya!

Hindi ko na sya kinulit at nag-hanap nalang ng song. I'm swiftie so I played my Taylor swift playlist.

Hinayaan ko munang mag-simula ang kantang 'enchanted' hanggang sa hindi ko na natiis at sinabayan ko na papuntang chorus.

"This night is sparkling, don't you let it go
I'm wonderstruck, blushing all the way home
I'll spend forever wondering if you knew
That this night is flawless, don't you let it go
I'm wonderstruck, dancing around all alone
I'll spend forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you" pag sabay ki habang naghe-head bang pa.

"This is me praying that
This was the very first page
Not where the story line ends
My thoughts will echo your name, until I see you again
These are the words I held back, as I was leaving too soon
I was enchanted to meet you
Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you
Please don't be in love with someone else
Please don't have somebody waiting on you." Hindi ko na mawari kung kumakanta pa ba 'ko o sumisigaw nalang.

Hindi ko alam kung bakit komportable akong kumanta sa harapan ni Cali. Hindi ko ito karaniwang ginagawa sa mga taong kakakilala ko palang. Kapag nga may event ay pinipilit pa 'ko ni Mommy na kumanta para iflex ako.

Maria Imelda TrioWhere stories live. Discover now