PART IX-𝐅𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐁𝐚𝐭𝐭𝐥𝐞

10 0 0
                                    

𝐗𝐀𝐍𝐙𝐂𝐇𝐀 𝐏. 𝐎. 𝐕.


Pinagtulungan namin ni Raffy si Alexa. Wala akong alam sa pakikipaglaban, o kahit sa self defense. Dahil sa masidhing galit sa puso ko kaya nagawa kong lumaban sa kampon ng kasamaan.

"Pagbabayaran niyo ang lahat ng kasamaang ginawa niyo!" sigaw ko bago sipain sa mukha si Alexa. Sunod na umatake si Raffy at sinipa niya sa tiyan ang babae.


Dumating si Kelly at hinataw kami ni Raffy ng bakal na hawak niya. Napaigik ako nang tumama sa ulo ko ang bakal at dumugo. Nahilo ako at natumba.

"Xanzcha!" nag-aalalang dinaluhan naman ako ni Raffy.

Palapit sa amin si Kelly habang nakangisi, pero biglang humarang si Haru at sinakal nito si Kelly.

"Hindi parin ako makapaniwalang mga estudyante lang din pala ang may kagagawan ng lahat ng ito," bakas ang galit sa boses ni Haru.

Umatake naman si Alexa at sinipa si Haru, saka malakas na tumawa. "Nakakagulat ba ang katotohanang kami lang ang may gawa ng lahat ng ito? Sabi nga ginagamit ng diyos ang mahihina. At dahil mahina kami ng kakambal ko kaya ginamit niya kami para palakasin,"

Lalong tumaas ang galit sa dibdib ko at pinanlisikan si Alexa. "Huwag mong idamay ang 𝐷𝑖𝑦𝑜𝑠 sa kasamaan niyong magkapatid!"

"Hay naku, ang dami niyo namang satsat. Bored ako. Masaya ba kayong kalaro?" sabi naman ni Kelly.

Muli namin silang nilabanan, pinagtulungan ulit namin ni Raffy si Alexa, at si Haru ay si Kelly ang pinuntirya.


K

akaiba ang lakas ni Alexa, bihasa din siya sa pakikipaglaban kaya natatalo niya kami ni Raffy. Hinila ni Alexa sa kuwelyo si Raffy, napakalakas niya para buhatin ang kaibigan ko saka iuntog ang katawan sa wall.

"Raffy!" sinugod ko si Alexa at sinipa, nahulog naman siya sa hagdan, pagbagsak niya sa baba ay nagsisigaw siya nang atakehin siya ng mga zombies. Tumakbo ako at dinaluhan ang nanghihina at namimilipit na si Raffy.


Nagpatuloy ang labanan hanggang maubusan ng bala ang mga baril ng mga kasamahan namin. Dumating naman sina Lissandra at Katara, at napansin kong umatras ang mga zombies paglapit nina Lissandra.

"Bakit sila umaatras?" tanong ni Chloe, takang-taka.

"Dahil sa dugo ni Lissandra," tugon ni Katara, inalalayan ko si Raffy at lumapit kami sa kanila.

"Dugo ni Lissandra? What do you mean?" Axis asked confusing.

"Kagabi, akala ko magiging zombie narin ako dahil nakagat ako ng mga infected," kuwento ni Lissandra at ipinakita ang mga kagat sa leeg, braso at hita niya. "pero nagtaka ako dahil namatay ang mga zombies na kumagat sa akin, at hindi ako naging zombie. Hindi rin ako inaatake ng mga zombies at nilalayuan nila ako kapag naaamoy nila ang dugo ko,"

"Maybe your blood is the cure, Lissandra," hula ni Yumi.


"

Ohmygash! Haru!" bulalas ni Chloe kaya napalingon kami. Kagat-kagat ni Haru sa leeg si Kelly.


Pagkatapos patayin ni Haru si Kelly, bigla namang sumulpot si Alexa, puro kagat sa katawan at halos mapunit ang uniform. 𝐵𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑒𝑝𝑢𝑡𝑎!

RUNNERSWhere stories live. Discover now