Ika-24

16 0 0
                                    


Malakas na alingawngaw nang putok ng baril ang sandaling nagpatigil sa kanya sa pagtawag sa kanyang kapatid. Mabilis niyang itinulak ang pinto ng sasakyan at tumakbo pabalik sa loob ng Casa Sorbetes. Kaagad siyang sinundan at hinabol ng bumabang tauhan ni Miguel.

Pagdating niya sa harap ng pinto ay tumambad sa kanya si Luis na puno ng dugo sa damit habang nakaupo at nasa bisig nito ang babaeng duguan dahil sa tama ng bala.

"Gras..iya!!!" Sigaw ni Luis habang hinahaplos ang mukha nito at patuloy ang pagluha.

"Lu..is.."
"Dadalhin kita sa hospital."
"Mahal ko... patawarin mo ko."
"Hindi! hindi! Dadalhin kita sa hospital lumaban ka."
"Salamat sa mga sandaling naging masaya ako kapiling ka. Mahal na mahal kita." Sambit ni Grasiya habang pinipilit habulin ang kanyang paghinga.
"Sssh...please wag mo ko iwan, Mahal na mahal kita." Lumuluhang pagmamakaawa ni Luis. Hinaplos ni Grasiya ang mukha nito kasabay ng pagngiti at tuluyan nang bumitaw sa mga kamay ng lalaking kanyang lubos na minahal.

Unti-unting bumuhos ang malakas na ulan. Kasabay nito ang pagdadalamhati ng puso ni Luis. "Grasiya!!!" sigaw nito na halos magpaluha rin sa mga mata ni Tiana. Ngayon lamang niya nasaksihan ang pagluha ni Luis na madalas na itinatago nito noong sila'y mga bata pa.

"Hayup ka, Miguel!" Nanglilisik sa galit ang tingin at boses ni Luis ng makitang tumalikod at palabas na naglakad ito.

"Dalhin niyo na siya!" Utos ni Miguel at itinuon ang atensyon kay Tiana nang hindi tumitingin kay Luis. Nakatitig parin sa kanyang kapatid si Tiana at sa babaeng ngayon lang niya nakilala na wala nang buhay. Hinawakan sa magkabilang braso si Tiana ng mga tauhan ni Miguel.

"Bitawan niyo ko!" Pagpupumiglas nito.
"Anong gagawin mo sa kapatid ko!? Walang hiya ka talaga!" Gigil na sambit ni Luis. Bago sinugod ng suntok si Miguel. Hindi ito kaagad nakaiwas kaya't tumilapon ito sa sahig. Mabilis na itinutok ng mga tauhan ni Miguel ang baril kay Luis.

"Ayos lang ako, hayaan ninyo kaming dalawa." Awat ni Miguel at pinunasan ang dugo sa kanyang labi.
"Hindi ko lubos maisip na mamahalin mo ang ganyang klase ng babae Luis! Masyado ka niyang nalinlang dahil hindi mo alam na kabilang siya sa mga umuusig sa pamilya natin! Akala ko pa naman ay matalino ka." Pang iinsulto ni Miguel habang tumatayo. Napakuyom naman sa kanyang palad si Tiana dahil sa mga salitang binibitawan nito. Nakahawak parin kay Tiana ang mga bantay at siya'y pinipigilan makalapit.

"Wala kang karapatan pagsalitaan ng ganyan si Grasiya! Hayop ka! Lumapit ka dito at tayo ang magtuos." Hamon ni Luis at mistulang susugurin ito. Mabilis na sinuntok sa sikmura ang natamo ni Luis sa isa sa mga bantay ni Miguel.

"Kuya!" Sigaw ni Tiana habang pilit kumakawala sa kamay ng dalawang armadong lalaki.

"Hindi ko gustong mangyari sa atin ito Luis ngunit hindi ko akalain na pati ikaw ay kabilang sakanila." May puot sa bawat salitang binitawan ni Miguel.

"Bulag lang ang hindi makakakita at makakapansin sa ginagawa ng iyong ama Miguel!"

"Hindi ba't kasabwat rin naman si Mang Celso!? Kung tutusin siya ang gumagawa ng lahat ng kasinungalingan!" Napalakas ang boses ni Miguel at hinawakan sa damit sa dibdib si Luis.

Gabi ng Octobre ng masilip ni Luis na abala sa pagsusulat ang kanyang ama. Napansin niyang matagal pa ito sa ginagawa kaya't naisipan niyang gawan ito ng mainit na kape.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay dala ni Luis ang mainit na tasa at kumatok sa silid nito. Sinilip niya na nakaupo si Mang Celso at nakayuko na ito sa lamesa.

"Mukhang nahuli ako ng dating." Aniya ng makitang tulog na ito sa upuan. Inilapag niya ang kape at aalis na ng mahinto siya dahil sa liham na nahulog sa lamesa.

In The Middle of RevolutionWhere stories live. Discover now