Chapter 4- Storm's Announcement

1K 42 4
                                    

"This is Breeza Jane Mandatu, she is mine. At ang sinumang kumanti sa kanya, physically, literally or even verbally ay mananagot sa akin."

NAPAPIKIT ng mariin si Breeza Jane habang nasa ilalim ng shower. Halos hindi siya nakatulog ng nagdaang gabi dahil parati niyang iniisip ang sinabi ni Cloud. Naghahalukay siya sa isip ng mga bagay-bagay na pwedeng maging dahilan kung bakit di niya nagustuhan si Storm Serge.

She doesn't hate him but she doesn't like him either. Pwede pala ang ganoon?

Pwede nga ba? Talaga bang hindi niya gusto si Storm Serge? At bakit niya ba iniisip ang ganoon? Malapit na ang exam ng kapatid niya at nagtext na sa kanya kung may pera ba siyang pwedeng ipadala para pambayad sa tuition nito. Iyon ang dapat niyang unahin at hindi ang walang kabagay-bagay na nagpapagulo sa utak niya.

May kumatok sa shower room. "Hey, Breeze! You're not yet done pa rin ba? You're so tagal naman! I'm getting late na with my first class."

Sa palagay niya ay gusto ng mag-alsa sa EDSA ni Hurricane sa sunod-sunod na pangangatok nito. Kinatok niya rin ang dahon ng pinto para pahintuin ito. Bawat dorm room ay may tig-iisang banyo na share-share ang magkaka-roommate.

"I'm done! Sandali lang."

Nang lumabas si Breeza Jane ay nakasimangot na mukha na naman ni Hurricane ang nabungaran niya. Napailing na naman siya ng mapatingin sa wall clock. Alas sais pa lang ng umaga. Alas-nuebe ang unang klase nito. Gumigising ito ng maaga dahil tatlong oras ito kung mag-ayos ng sarili.

"You're so tagal. I thought, nalunod ka na sa loob." Anito at dere-deretsong pumasok sa loob ng shower room.

Kasasarado lang nito ng pinto ng may maisip siyang kalokohan. Kinatok niya ang pinto.

"Why? Did you left something? I make hubad my clothes na eh."

"Huwag kang sisigaw kapag may maramdaman kang kumapit sa likuran mo, ha? Putol na kamay lang naman iyon. Huwag kang lilingon sa salamin dahil makiki-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin at narinig na niya ang malakas na sigaw ni Hurricane. Nagtititili ito habang papalabas ng banyo. Tumakbo naman siya ng mabilis bago pa siya masabunutan nito.

Tawa pa rin siya ng tawa habang nagbibihis. Kahit kailan, napakaduwag talaga ni Hurricane. Kung sila nga ni Cloud ay grabeng magtakutan, pero pinagtatawanan lamang nila ang isa't-isa. Ito namang si Hurricane ay ayaw na ayaw na maririnig ang mga nakakatakot na bagay kaya't kaawa-awa ito kapag napapag-trip-an nila.

May naramdaman si Breeza Jane na pumalo sa kanyang balikat. Nang tingalain niya iyon ay ang nakatapis pa ring si Hurricane. Kanina pa nitong ginigising at kinukulit si Cloud para samahan itong maligo at natatawa nalang siya sa tuwing uungol lamang si Cloud. Napasobra yata ang pananakot niya kay Hurricane.

"Do you really mean na takutin ako, so I'll make alis na? Do you want to make solo my Rain?" Muli ay ang nambibintang na mga mata ni Hurricane ang sumalubong sa kanya.

Napabuntong-hininga siya at itinirik ang mga mata. Kagabi pa ito... ah, hindi. Parati na at minu-minuto nalang na bukambibig nito si Rain. Pati naman siya ay pinagseselosan na nito ngayon.

"Hindi ah. Wala akong naiisip na ganoon. At ang pinakagusto kong linawin sayo sa lahat, wala akong gusto kay Rain."

"Good." Ngumiti na si Hurricane. Para itong bata na galing sa pagtatampo at nabigyan ng lollipop. "Pero what if magkagusto siya sayo. Are you making sagot him?"

"Ha?" Umiling-iling nalang si Breeza Jane habang nagpupulbos sa harap ng salamin.

"Answer me na! I'm not matatahimik until you make sagot my question."

WFT 1 Breeze's Protector (Completed)Where stories live. Discover now