CHAPTER 10- Staying Beside Her

1.1K 44 0
                                    

"Alam mo kasi Breeze, minsan, kailangan mo ding tanggapin na mahina ka. Na hindi mo kaya. Na kailangan mo ng tulong ng iba. And I'm here, willing to help and protect you. Magsabi ka lang, I'll be there in a heartbeat."

HINDI pinansin ni Storm Serge ang masamang tingin na ipinupukol ni Breeza Jane sa kanya. At paano ba naman nga itong hindi sasama ang tingin sa kanya gayong chillz at pizza mula sa Greenwich ang iniabot niya rito matapos nitong umakyat sa rooftop.

"Akala ko ba, may lasagna?" sita sa kanya ni Breeza Jane. "Bakit pizza ito?"

"Naubos na 'yung lasagna. Ang tagal mo kasi. Tsaka, di ba, kumain ka na? Bakit naghahanap ka na naman ng pagkain?" pagsusuplado niya. Minsan, gusto niyang isipin kung talaga bang pumapasok sa katawan nito ang kinakain dahil hindi naman ito tumataba.

Hindi siya nakabili ng lasagna dahil naisip niya na mahahalata nitong hindi si Cloud ang gumawa noon kung ilang meal lang ang bibilhin niya. Kaya sa huli, pizza nalang ang binili niya at idinahilan na naubos na.

"Hindi ako naghahanap. Ikaw naman ang nagsabi na meron kaya nagtatanong ako." Tila naiinis na saad nito.

"Nagutom ako kaya inubos ko na. Tutal kumakain ka naman kasama ang Jule na iyon." Yamot na pumalatak siya. "Humanda saken ang isang 'yun." Pabulong na dugsong niya.

"Huwag mo nga siyang kakantiin! Hindi ka naman inaano nung tao."

'Aba't pinagtanggol pa talaga!'

"Bakit mo siya pinagtatanggol? May gusto ka ba sa Jule na iyon?"

"Ano?" Pinaikutan siya ng eyeballs ni Breeza Jane.

"O baka naman gusto mo lang subukan kung magseselos ako? Ano? Pinagseselos mo ako ano?" nang-aasar na ngumisi siya.

Malakas na dagok ang napala niya kapag kuway binuksan nito ang pizza box at kumuha ng isang slice saka dinala iyon sa bibig.

"Kapal talaga ng mukha mo, kahit kailan." Anito na naupo sa isang bench na naroroon sa roof top.

Ilang bench rin ang nagkalat roon dahil nag-request sila sa care taker para kapag tumatambay sila. Dapit-hapon na. Gusto niyang ikaasar na nagtagal ito bago nakauwi. Nag-enjoy ba ito na kasama si Jule?

Ah! He made a mental list of what he'll going to do to that brute tomorrow. Para layuan na ng asungot na iyon si Breeza Jane.

"Sus! Alam ko namang nagtitimpi ka lang sa kagwapuhan ko at hindi mo gustong aminin kaya papatulan mo nalang si Jule. Come on, Breeze. You don't have to do that. Just admit it to me that you like me and I'll accept you with open arms." Ibinuka niya ang dalawang braso sa paraang inaaya itong lumapit sa kanya.

Masyado nga sigurong cool at malandi ang paraan niya ng pang-aasar rito. Pero ano ba? Iyon nalang ang paraan para kahit paano ay mailabas niya ang nag-uumapaw na damdamin niya para kay Breeza Jane. Hindi siya maka-tiyempo na makapagtapat rito sa romantikong paraan kaya't kung may pagkakataon ay idinadaan nalang niya sa malanding pang-aasar sa dalaga.

Tinadyakan siya ni Breeza Jane sa binti. Napaigik siya. Hindi ito matangkad at hindi rin malaking babae pero mapwersa ito.

"Ang sweet mo talaga kahit kailan, Breeze." Nakangiwing komento niya habang hinihimas ang nasaktang binti.

"Iyan ang bagay sayo." Sabi nito at bigla nalang tumalikod. Pababa na ito ng rooftop. Sa kanang bahagi ito dumaan. Iyon ay deretso na sa third at second floor.

"Where are you going? Hindi ka pa tapos kumain!" pasigaw na tawag niya rito.

"Busog na ako. Duduty pa ako e."

WFT 1 Breeze's Protector (Completed)Where stories live. Discover now