-15-

128 7 4
                                    

|Chapter Fifteen|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Fifteen|

Other Person's Point of View

"Bella, dito!"

Hinila ni Dave si Bella papasok ng opisina niya. Bago niya isinara ang pinto ay sumilip muna siya kung may nakakita sa kanilang dalawa.

Nang wala siyang nakitang tao sa paligid ay agad ng isinara ni Dave ang pinto at hinarap si Bella.

"D-Dave, thank you!" Kiming pasasalamat ni Bella

"I'm doing this for Sandro, Bella. Go get dressed!" Itinuro ni Dave ang nakatuping nurse suit kay Bella na nakapatong sa ibabaw ng couch ni Dave.


"Ipatong mo na lang 'yan" Utos ni Dave. Tumalima naman agad si Bella at isinuot ang nurse suit.


"Bella, you only have 15 minutes. Kayo ni Adi ang makakasama ko sa loob while doing MRI for Sandro"

"O-Okay, Dave"

"Kung kaya mo pakiusapan si Sandro, do it Bella. Baka ikaw ang makatulong sa kanya para bumalik ang isip niya sa realidad"

Tumango ng sunod-sunod si Bella habang nangingilid ang mga luha "S-Sisikapin ko, Dave. Sisikapin ko"

"Okay, get ready"

Kinuha ni Dave ang phone niya at idinial ang numero ni Adi.

"Hello, Adi. Get ready. Abangan mo kami ni Bella sa MRI Section"

"Okay, Dave. Punta na ako dun ngayon"

Pagbaba ng tawag ni Dave ay agad silang nagtungo ni Bella sa kwarto ni Sandro.

Hindi na pinapasok ni Dave si Bella at pinaghintay na lamang ito sa labas para hindi makahalata ang pamilya ni Sandro.

"Simon, dadalhin ko na si Sandro sa MRI Section" bungad ni Dave. Naroon ngayon sina Vinny, Simon, Bong at Liza. Napaisip si Dave na mabuti na lamang ay hindi niya isinama si Bella sa mismong kwarto ni Sandro.


"Dave! Hanggang kailan mo ito gagawin sa anak ko? Tutustahin mo ba talaga ang utak ni Sandro?" Galit na sambit ni Liza

"Tita, this is the normal procedures of taking tests to our patients here in the hospital. Kailangan namin ma-check ang utak ni Sandro"


"Mom, let Dave do his job. Please!" Pakiusap ni Simon na may halong iritasyon ang boses.


Hindi na kumibo si Liza at hinayaan na lamang si Dave na kunin si Sandro.


"We'll be back after 20 minutes" ani Dave at inilabas na nila ng kwarto si Sandro.


Paglabas pa lamang ni Sandro ay halos mawalan ng balanse si Bella pagkakita sa dating nobyo.

LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon