Chapter 14

819 12 0
                                    

Chapter Fourteen

Dave

Napapitlag si Ruth ng marinig ang busina ng sasakyan. Dumating na si Dave. Nakatulog pala si Ruth sa sala, tinapunan ng tingin ang orasan at alas dyes y medya ng gabi. Pupungaspungas na bumangon at agad na nagbukas ng gate.

 "I am sorry hindi na ako nakatawag hon, nagkaroon kasi ng emergency meeting kanina." Turan nito ng makababa ng kotse at sinalubong ng halik si Ruth.

 "Next time sana tawagan mo nalang ako kesa naghihintay ako sa wala." May bahid ng tampo ang tinig ni Ruth.

 "I'm so tired. Sorry." Maikling tugon nalang nito. Tumahimik na lamang si Ruth, ganyan palagi ang asawa niya pag sila lang dalawa ang magkaharap.

 "Ayaw mo ng kumain?" Tanong pa ng babae.

 "Busog na ako. "

Buntong hininga na lamang ang pinakawalan ni Ruth. Ano pa nga ba ang bago? Ano ang aasahan niya? Nasasaktan siya sa pakikitungo ng asawa. Hindi na niya alam kung mahal siya nito. Kung ano ang dahilan bakit siya pinakasalan kung hindi siya nito mahal. Minahal niya si Dave kaya siya nagpakasal hindi niya akalaing pati ang pagmamahal niya sa lalaki ay unti unti ring naglalaho kasabay ng pagbabago nito sa kanya.

Napilitan na lamang siyang kumaing mag isa. Pasado alas onse na ng gabi ng makaakyat sa kwarto. Nakahiga na si Dave.

 "Dave gising ka pa?" Tanong niya sa asawa.

 "What do you need?" He asked.

 "I want to talk to you." Ruth said.

 "About what?" He uttered.

 "About us." Turan niya.

 "What about us? Wala naman tayong problema diba?" hindi man lan nito nakuhang lingunin siya.

"May galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali para ganyan ka makitungo sa akin? Nahihirapan na ako Dave." Pigil niya ang luha. Humarap si Dave sa kanya. Bumangon ito.

"Ruth pagod ako at pagod ka rin alam ko dahil nanggaling ka sa byahe baka pwedeng bukas na natin ito pag-usapan." Iwas ng asawa.

 "Mahal mo pa ba ako? Nagbabago na ang lahat Dave, hindi mo man sabihin alam ko may nagbago sa pagtingin mo sa akin.  Sabihin mo nalang kung ano tayo ng hindi ako mag assume. Dahil kaya ko namang makisama kahit wala ng LOVE.  Magsasama tayo ng dahil lang sa papel." Hindi na niya napigil ang kanyang luha.

Ang sakit sa pakiramdam na iniwan niya si Jeth para sa lalaking ito. Ang lalaking nagpaparamdam sa kanya na isa lang siyang tauhan. Si Dave na wala ng ginawa kundi bigyan siya ng sama ng loob.

Maging ang damdamin niya para sa asawa ay unti unting naglaho paglipas ng mga araw lalo sa tuwing hindi nito naaappreciate ang mga bagay na nagagawa niya para dito. Tinungo niya ang pintuan at doon sa guest room nagpasyang magpalipas ng gabi at pagpalipas ng sama ng loob.

Ruth's POV

Pabagsak kong inihiga ang aking likod sa kama. Malinis palagi ang guest room dahil dito ako pumupunta sa tuwing masama ang loob ko sa kanya. Sino ba si Dave at ano si Dave? Madalas tinatanong sa akin ng mga kaibigan. Lalo na ni Janice.

Ang sagot ko si Dave ay mapagmahal sa pamilya kita ko naman yun. Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang. Siya ay dedicated sa trabaho napakaworkaholic.  Siya ang tipong seryoso sa madaming bagay, mabait si Dave.  Responsableng asawa.

Pero nagbago lahat, mula ng makunan ako noong nagbubuntis mahigit isang taon na ang lumipas. I am four months pregnant that time. Sinabihan niya akong huwag ng pumasok at magtrabaho kahit maliit pa ang aking tyan. Pero naging mapilit ako lalo hindi naman ako pinabawalan ng doctor.

Ang sabi ko hindi na ako papasok pag anim o pitong buwan na akong buntis. Pero isang araw hindi ko alam ang dahilan ng biglang sumakit ng husto ang aking tyan. Nakunan ako. Halos gumuho ang mundo naming mag asawa ng mawala ang aming anak.

Hindi ko maiwasan ang hindi lumuha , ng araw na nawala ito sa amin hindi niya ako kinausap. Ni hindi kinamusta kung kamusta ang aking lagay, hindi niya ako pinapansin hanggang gumaling na lamang ako.

Hindi niya man sabihin ramdam ko ang pagdistansya niya sa akin. Sa tuwing kami ay magtatalik hindi ko na maramdaman ang kanyang pagmamahal . it is pure sex. Not making love. Ang tipong matapos niya akong gamitin agad na lamang tatalikod. Ni hindi na niya ako kayang yakapin sa tuwing kami lamang.

Ngunit normal na mag asawa kami sa harap ng karamihan, ng aming mga pamilya. Na animoy walang problema. Ngunit bawat gabi na nagdaraan bawat pahirap ang dapat lampas an. Hindi nya ako sinasaktan ng pisikal ngunit bugbog na bugbog ang aking kalooban. Hindi ko nalamayan na malalim na ang gabi at ako'y nakatulog.

Dave's POV

Hindi siya natulog sa kwarto naming kagabi. Ang totoo gusto ko naman talaga siyang lambingin namiss ko din naman siya . Pinilit kong umuwi ng maaga kagabi pero biglang nagpatawag ng meeting si Barbie. Ang aking business partner. Hindi ko maaring hindian dahil kailangan talaga lalo at nagkakaproblema kami sa factory. Hindi ko alam bakit ko siya nasungitan na naman, dinaig din ako ng matinding pagod maghapon kaya hindi ko na siya sinuyo pa kagabi. Hinayaan kong lumipas ang sama ng kanyang loob sa akin. And as usual gaya ng inaasahan kinabukasan magiging okay kami at babalik sa dati.

Nakahanda na ang almusal ng bumaba ako sa kusina.

 "Coffee with creamer o plain coffee?" Tanong niya. Pinagmasdan ko siya, mugto ang kanyang mata at hindi tumitingin sa aking mata.

 "With creamer please." Kako at umupo .

 "Ahmmm. Honey about last night." Simula ko.

 "Its nothing. Forget about it. Wala din naman patutunguhan pa kung makipag usap pa ako sayo. You are the boss and I'm going to obey you. Right?" Pang uuyam niya. Hindi ko gusto ang sinabi niya.

 "Look, pagod ako kagabi kaya  kung nakapagsalita ako ng hindi maganda sayo I am sorry. Please forgive me." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hindi siya gumalaw. Alam ko at ramdam ko na masama ang loob niya sa akin.

 "Mahal kita maniwala ka, sorry kung hindi mo yun maramdaman. Sorry kung tingin mo may nagbago pero swear walang nagbabago. Mahal kita Ruth." I saw her eyes filled with tears. I hate seeing her crying because of me.

 "Dave, kumain ka na baka ma-late ka pa. Tumawag si Barbie reminding me na dapat maaga ka daw umalis ng bahay maghihintay siya sa office." Umiwas siya sa akin.

"Am I forgiven?" Tanong ko sa kanya na nakangiti.

"Yes." Pinunasan niya ang mga luha. I kissed her forehead.

Gaya ng dati mabilis lang siyang suyuin. Yan ang gusto ko sa aking asawa. Hindi mahirap iplease, hindi mahirap kausap. I love her. Pero hindi ko maalis sa aking sarili na magdamdam dahil sa pagkawala ng  aming anak. Hindi naman sa sinisisi ko siya pero mabigat lang ang loob ko pag naalala ko ang naganap mahigit isang taon na ang nakalipas.

>>>>

Complete: Behind the White Mask by Beautiful MonsterWhere stories live. Discover now