Chapter 18

829 14 0
                                    

Chapter Eighteen

Dave's Suspicion

Sinubukan ni Ruth na huwag magpaapekto sa mga bagay na nangyayari lalo at madalas silang nagtatagpo ni Jeth. Hindi niya alam pero nararamdaman niya ang paglalaro sa kanila ng tadhana ngunit ang madalas sabihin niya

"Minsan na akong nagpadaig at sumuko sa tadhana ngunit kinalabasan ako'y naging talunan. Sa pagkakataong ito magpapakatatag ako."

Madalas na natutorture si Ruth sa tuwing sinasama ni Jeth si Maureen sa CID . Medyo napapadalas din ang pagpunta kasi ni Ruth doon sa kahilingan na din ng kanyang asawa. Hindi iniinda ni Ruth ang paulit ulit na sakit sa tuwing nakikitang sweet sina Jeth at Maureen.

Lingid sa kaalaman ni Ruth ay palaging nakamasid at nakabantay si Barbie sa kanyang mga kilos lalo pag naroon si Jeth.

"Ang sweet nila ano?" Nakangiting wika ni Barbie habang ang mga mata ay nakatitig kina Maureen at Jeth. "Bagay sila hindi ba? Ano sa tingin mo?" Dagdag pa nito.

 "Oo, bagay nga sila. Maswerte si Maureen at mukhang maswerte din naman si Jeth kay Maureen." Pilit ang ngiti ang lumitaw sa labi ni Ruth.

 "Ano ang pinag-uusapn ninyo girls?"  Nabigla si Ruth ng bigla siyang yakapin mula sa likuran ni Dave.  Hindi nila napansin ang pag asim ng mukha ni Barbie dahil sa tinuran ni Dave.

 "We're actually talking about Jeth and her pretty girlfriend Maureen." Saad ni Barbie. Nais mang magprotesta ni Ruth hindi na niya nagawa dahil ayaw niyang may makahalata sa kanyang damdamin.

 "Binibiro ko nga tong asawa mo Dave eh. Na sa kakisigan at kagwapuhan at mukha namang mabait na si Jeth sa tagal nilang magkakilala hindi siya nahulog sa binatang yan.?" Tono ng di makapaniwala at pahapyaw na biro sinabayan pa ng pinong pagtawa ni Barbie.

Pakiramdam ni Ruth ay nafreeze siya sa mga sinabi ni Barbie. Ramdam na niya ang pagbabago sa mga kilos ni Barbie mula ng Event. Nahuhuli niya itong nakatitig sa kanya paminsan minsan, at ngayon mukhang may nais itong ipahiwatig. Kung ano iyon ay wala siyang idea.

 "Dahil minsan ang kaibigan ay kaibigan lamang. Hindi ba Barbie?" May laman namang sagot ni Barbie. Napapansin din ni Ruth ang madalas napambabara ni Dave kay Barbie isinasawalang bahala na lamang niya ito.

 "Ang mabuti pa umuwi na tayo. Bye Barbie ikaw na ang bahala dito." Sabay hila ni Dave sa kamay ni Ruth. Nakangiti ito at mukhang Masaya. Napawi ang kaba ni Ruth ng sandaling iyon. Hindi na siya umimik at sumunod na lamang sa asawa. Nakita niya ang pagbaling ng tingin ni Jeth sa kanila. She knows that he is jealous. Jealous with Dave kilala ni Ruth si Jeth kaya niya nasabi ito. Marahil nababasa din ni Jet hang pagseselos niya sa kay Maureen ewan na nga lang ni ruth kung nakikita nga ni Jeth dahil pilit niya itong tinatago.

DAVE's POV

"Saan ba tayo pupunta Hon?" Maang na tanong ni Ruth.

 "Basta may pupuntahan tayo." Sagot ko na lamang. Nasa sasakyan na kami, pinakikiramdaman ko ang aking asawa. Madalas ko siyang nakikitang malungkot o nakikitang nakatulala at sa tuwing kakausapin ko o napapansin ko siya pilit itong ngingiti . Waring may bumabagabag sa kanya.

Ramdam ko ang paglayo ng loob niya sa akin. Natatakot akong malaman niya na hindi na ako magkakaanak pang muli. Ilang buwan ko ng tinatago ito sa kanya , paano kung malaman niya? Baka iwan na niya ako at magkaroon siya ng dahilan para iwan ako ng tuluyan. Hinawakan ko ang kanyang kamay, Humarap siya sa akin at ngumiti.

Complete: Behind the White Mask by Beautiful Monsterحيث تعيش القصص. اكتشف الآن